Chapter 30:Weird A L J E Y A ' S POV "Ang baho naman!" Reklamo ko ng umutot si Dave. "Ang arte mo huh! Wala ngang amoy eh." Sabi niya at lumipat sa gitna ni Lei at Rendy. "Kuya! Ano ba?" Reklamo ni Rendy dahil sumiksik si Dave sa kanila. "Distansya muna. Araw araw naman na kayong magkasama." Dave at ginulo yung buhok ni Rendy. Binalingan ko tuloy ng tingin si Zhed. "Huy! Tahimik lagi natin ah." Sabi ko sa kanya, kalapit ko lang naman kasi sya. Simula ng dumating sila dito galing mission ay naging tahimik na sya. Iniintindi nalang namin syempre broken sya eh. "What's up, guys." Naging maingay ng dumating ang dalawang myembro ng El'mafia, si Kelvin at Harvey. Si Lei kasi nauna na kanina pa dito nung umalis sila Alex. "Oh,nasan sila?" Takang tanong ni Harvey. "May pinunt

