________ EPILOGUE ________ "Aalis na raw!" sigaw ni Yra ng makapasok sa kwarto nila. Ngayung araw ang alis nila papunta sa iniregalo ng kanilang Kuya na rest house ng grumaduate sila. "Hindi ba natin bibisitahin muna ang school?" tanong ni Ace, dalawang araw pa lang ang nakakalipas ng magtagumpay silang lahat at napagdesisyonan ni Headmistres Jendy na pansamantalang isarado ang school dahil sa labanang naganap. Hindi nila alam kung ayus na ba ang Remafia Academy dahil hindi pa nila nabibisita mula ng mangyari ang labanan. Ngayung araw ang punta nila sa rest house, nagdesisyon kasi ang mga kaibigan nila na dun magbakasyon. "Aalis na kayo?" tanong ng kanilang Ama na kakababa lang ng hagdan, nakahawak naman ang kanilang Mommy sa laylayan ng suot ng Papa nila. Nakasimangot at masama an

