Chapter 57: Last party night Y R A ' S POV "Nagustuhan mo ba?" tanong ni Thyron, muli kong tinignan ang bracelet na ibinigay nya. Familiar sakin, para bang nakita ko na to dati. Hindi ko lang matandaan. "Oo, maganda sya. Bakit nga pala may pag ganto ka? may ginawa ka bang kasalanan?" nagulat sya sa tanong ko. "Ano ba naman yang isip mo, binigyan lang kita ng bracelet akala mo na may ginawa akong kasalanan. Nang makita ko kasi yan nagandahan ako at naisip kaagad kita" Hindi ko mapigilang kurutin ang pisngi nya. "Salamat dito." muli kong tinignan ang bracelet, naalala ko ang necklace na ibinigay nya kaya naman agad ko yung kinuha at ibinigay sa kanya. "Etong necklace na'to, sayo naman talaga to. Bigay sayo ng kapatid mo yan kaya naman nararapat lang na sayo ito. Ayus na sakin tong br

