Chapter 45: Mafia World A L E X POV "Oh date pa kayong dalawa ah." Nang aasar kaagad si Dave ng maikwento nila Krystal ang nangyari sa kanila. Pag talaga ginamit ang pangalawang pangalan namin ay napapahamak kami. Ang batang si One talaga,nadudulas lagi sa pagsabi ng second name namin. "Manahimik ka nga,nagpapahinga pa kami." Binato ni Lawrence ng unan si Dave, sakto sa mismong mukha. Andito kami ngayun sa dorm namin,ang Xy ay nag-aayos ng mga gamit nila dahil magulo. Si Lawrence ay pinahiga muna sa kama ng Xy habang si Krystal ay nakahiga ngayun sa kama naming Blackjack. "Sino naman kaya yung mga nanghabol sa inyo?" Takang tanong ni Dave, palihim kaming nagtinginan nila Krystal at ng Xy. "Nako for sure, mga walang mapagtripan yung mga yun." Sambit ni Rendy. "Nako baka ginaganti

