ILANG oras nang nakayukyok si Lea sa manibela pero hindi niya pa rin malaman ang gagawin. Nasa tabi niya ang anak na gaya niya ay tahimik lang. Nang magising ito na wala na ang ama noong nakaraang mga araw ay hindi na ito nagtanong pa na hanggang ngayon ay ipinagpapasalamat niya. Napakarami nang nangyari sa buhay nilang mag-ina sa loob lang ng halos isang linggo. Nag-resign na siya sa trabaho. Ipinagbili niya rin ang bahay niya. Mabuti na lang at may dati siyang kliyente na noon pa ay interesado na sa design niyon. Dahil milyonaryo ang nakabili ay hindi na siya gaanong nagkaroon pa ng problema sa transaction. Mabilis na naisaayos ang mga papeles. Money had always served its purpose when it came to those things. Noong nakaraang araw lang sila nakaalis ng bahay na iyon kaya sa hotel s

