“ILANG linggo ko na rin ‘tong iniisip. I could’ve fought for Diana. But I didn’t. Before she came to me at Janna’s hospital room, a part of me was already prepared to let her go. At sa araw-araw na nakikita ko kayo ng anak ko, napapatanong ako sa sarili ko. Nagsisisi ba akong hindi natuloy ang kasal? I would look at you and then at Janna and my heart would immediately say no. Nasaktan ako at aaminin kong nasasaktan pa rin ako pero hindi ako nagsisisi, Lea. I don’t regret being with you and our daughter now. I can’t possibly regret something that is making me happy.” Nag-init ang mga mata ni Lea lalo na nang mabakas ang katotohanan sa mga mata ni Jake. Sa liwanag na nagmumula sa poste hindi kalayuan sa kanila ay hindi nakaligtas sa kanya ang pamamasa rin ng mga mata nito. Tumagilid it

