Episode Six

1395 Words
    Nakarating kami ni Balong sa bahay nila. Dahil sa gala naming 'to feeling ko na pagod ako ng bongga.     Pababa na sana ako ng kotse nang marinig ko si Balong na mag salita.     "Ms. Xandy, hindi na ba mauulit 'yong kanina?"     "Bakit gusto mo bang ma-ulit pa 'yon?"     He nodded without any second thought.     "Sorry Balong, nangyari lang 'yon dahil sa pustahan natin. Hinding-hindi na ulit mangyayari 'yon!"     Bigla niyang inilapit ang mukha niya sa'kin at bigla din akong hinalikan sa labi ng mabilis. Dahil sa sobrang bilis hindi na 'ko nakailag pa.     "'Wag kang pakasisiguro, baby." He said, flirty.     Pagkatapos niyang lumandi, bumaba siya agad sa kotse. Na pa-iling na lang ako sa kapilyuhan niya tsaka din naman ako bumaba.     Lumapit ako kay Balong na tila hinihintay ako sa pag pasok sa bahay.     "'Yong usapan natin, you won't tell Bianca about sa pustahan natin." Pagpapaalala ko sa kanya.     He grins. "I won't!"     "Good!"     Binuksan ko na 'yong pinto tsaka ako pumasok habang si Balong naman ay naka sunod lang sa'kin.     Sakto sa pagpasok namin ang pagbaba ni Bianca sa hagdan. Napatingin siya sa direksyon namin nang mapansin kami.     "Kumusta lakad n'yo?" Tanong ni Bianca. Ewan ko pero parang ang lungkot ng mata niya.     "It was fun." Sagot ni Balong.     "Yah i agree. May dalawang girlfriend ni Balong kaming naka-encounter at 'yong dalawang girlfriend na niyang 'yon... sinampal siya at ex na lang niya ngayon."     "Tss. Babae lang 'yon hindi sila kawalan!" Balong said.     "Ayos ka lang?" Tanong ko kay Bianca.     "Yah! I'm okay, ano 'yan?" Pinoint niya 'yong hawak kong pasalubong for Mark at sa kapatid kong si Xunny. Obvious na iniba niya 'yong topic so... Hindi ko na lang siya kukulitin. Mag ku-kwento din 'yan mamaya.     "Pasalubong ko lang kay Mark at Xunny." Sagot ko.     "Mmm." She just hummed.     "I-a-akyat ko lang 'to sa kwarto ko." I told her.     Tumango lang siya bilang sagot.     Nag lakad na 'ko paakyat papunta ng kwarto ko. Ramdam ko lang si Balong na nakasunod pa dib sa'kin. Hindi ko lang 'yon pinansin dahil baka aakyat lang din siya sa kwarto niya sa 3rd floor.     Dumiretso lang ako sa kwarto ko. Nilapag ko sa kama ko 'yong pinamile tsaka ako umupo at ibinagsak ang katawan ko sa paghiga.     Hindi mawala sa isip ko 'yong nangyaring torrid kiss namin ni Balong. Magaling siyang humalik para sa isang bata. Haay! Hindi ko dapat 'to iniisip. Dapat makahanap ako ng awra dito para tigilan ni Balong ang kaka-flirt sa'kin.     Tsk. Ngayon lang ako umiwas sa gustong makipag landian sa'kin.     Nakarinig ako ng katok mula sa labas ng kwarto ko. Umupo ako mula sa pagkakahiga at tsaka ako nag salita.     "Pasok!"     Nag bukas ang pinto at si Bianca ang nakita ko.     "'Teng, gusto mong uminum?" Tanong niya.     "Bakit anong meron?" Tanong ko din.     "Si Jarrett, may girlfriend na." Si Jarrett ay ang boy best friend niya. At ang hot ng dude na 'yon kaya hindi na 'ko nagtaka na nahulog 'tong best friend ko kay Jarrett.     "Ngayon alam ko na kung bakit ang lungkot ng mata mo. Umiyak ka nu?"     Tumango siya.     "Okay! Dadamayan kitang uminum! May iinumin na ba tayo dyan?"     "Merong brandy dyan, bet mo ba 'yon?"     "Woe! Malakas tama no'n a, pero sige 'yon na lang." Siguradong masakit sa ulo ang paginum namin na 'to dahil for sure mabibitin ako. Mabilis kasi malasing si Bianca e kaya kapag nalasing siya ibig sabihin wala na 'kong ka-inuman.     "Sige. Hihintayin kita sa sala."     "Okie-dokie!"     Sinarado na niya 'yong pinto kaya ako naman ay mag aasikaso na sa pag bibihis ko. Lumabas muna ako ng kwarto pumunta ako ng bathroom para mag hilamos lang ng mukha ko. After kong mag hilamos, pinunasan ko lang ng bimpo ang mukha ko tsaka ako bumalik sa kwarto ko. Next kong ginawa ay mag bihis ng maong short and long sleeves shirt.     After kong mag asikaso sa pag bibihis. Bumaba na 'ko papunta sala para puntahan si Bianca bitbit lang ang cellphone ko.     Naabutan ko siya na kumakain lang ng pulutan na hinanda niya.     "Simulan na natin?" Tanong ko sa kanya tsaka ako umupo sa couch kung saan din siya nakaupo.     "Sure yah!"     Nag salin siya ng brandy sa dalawang basong may laman na ice. Inabot niya sa'kin 'yong isa at sa kanya naman 'yong isa. Nag cheers lang kami tsaka kami sabay na uminum.     Init sa lalamunan agad ang naramdaman ko sa paginum ko ng brandy. Tamang-tama lang 'to sa klima.     "Pwede ba 'kong maki-inum?" Dinig naming tanong ni Balong. Tumingin ako sa direksyon niya. Nakasando lang siya kaya kitang-kita na naman ang muscle niya sa braso.     Ang hot talaga ng batang 'to!     "No!" Sagot ni Bianca.     "Ate, umiinum na 'ko 'no. Baka nga mas malakas pa 'ko sa'yo e." Pagmamalaki ni Balong.     "I don't care!"     "Ms. Xandy, kumbinsihin mo nga si Ate na payagan ako."     "Sorry Balong, hayaan mo na kami dito. Broken hearted ang Ate mo."     "Xandy!" She scolded me.     "What?" I asked, chuckling.     "Bakit sinong gagong lalakeng nanakit sa'yo Ate? Gusto mo bangasan ko?"     "Hoy! Manahimik ka nga dyan!" She scolded him again.     "Ikaw kasi e. Sabi ko naman sa'yo humanap ka na ng ibang lalake. Ang daming nagkakagusto sa'yo tapos sasayangin mo lang sa lalakeng ang manhid-manhid." Sabi ko naman.     "Madali lang 'yan sabihin dahil playgirl ka Xands."     "Ouch!" Humawak ako sa dibdib ko at kunyaring nasaktan sa sinabi niya.     Umupo na lang si Balong at naki-pulutan na lang since hindi siya pinayagang uminum ni Bianca.     "Bakit ba kasi may mga taong manhid?" Tanong ni Bianca.     "Aba! Malay ko." Sagot ko naman. Hindi naman ako manhid nu. Hindi nga ba?     Biglang nag ring ang cellphone ko sa kalagitnaan ng chikahan namin. Tinignan ko lang kung sino 'yong tumatawag at ang nakita ko ay si Mark.     Sinagot ko 'yon at ni-loudspeaker pa para marinig ni Bianca ang pinag uusapan namin.     "O bakla, bakit?" Tanong ko.     "Meme ano ne? May ka-Landiantionship ka na ba dyan?"     I chuckled. "Gaga! It takes more pa-cute and pang aakit para may pumayag sa Landiantionship na gusto ko."     "Aww! So walang hot dude kang natikman dyan?"     "Wala!" Tumingin ako kay Balong. Siya palang naman ang natitikman kong hot dude dito. Labi pa nga lang 'yon.     Nakatitig lang siya sa'kin at hindi ko manlang nababasa ang iniisip niya.     "Liar! I don't believe you. Ikaw? Papalampasin ang malamig na weather dyan sa Baguio ng walang tinitikman? Don't me, girl!"     I giggle. Grabe siya!     "Bakla! 'Yong bibig mo nga nakikinig 'yong kapatid ko!" Bianca scolded him.     "Sarreh! Hindi ko naman alam na naka loudspeaker ako."     "Ano 'yong Landiantionship?" Pagtataka ni Balong.     "Ay! Sino 'yon? Mukhang junjun ang boses girl a?!" Tanong ni Bakla. Hindi lang boses niya Junjun pati siya mismo.     Junjun kasi ang tawag namin sa lalakeng gwapo.     "Kapatid ko!" Sagot ni Bianca.     "Ayy! Sad. Off limits agad."     I laughed. "Ang landi mo bakla!"     "Hindi ko naman tinatanggi 'yon!"     "Wala pa ring sumasagot ng tanong ko." Pagsisingit ni Balong.     "Ayos lang bang sagutin ko siya?" Tanong ko kay Bianca. Baka kasi ayaw niyang iparinig 'yon kay Balong e. Playboy pa naman 'tong si Balong baka biglang gayahin ang diskarte ko. Kung sabagay baka malabo din mangyari 'yon. Kaya lang naman na buo ang Landiantionship dahil sa takot ko sa commitment e. Na for sure walang gano'n si Balong dahil ang dami niyang girlfriend.     Tumango lang siya bilang sagot.     "Ang meaning ng Landiantionship ay landiang walang relasyon. Gawa-gawa ko lang 'yon. 'Yon ang ini-le-label ko sa mga kalandian ko lang." Sagot ko.     "Ayaw kasi ng commitment ng lola mo!" Pagsisingit ni Bakla.     Daldal niya!     "Bakit ayaw mo ng commitment?" Tanong ni Balong.     "Para kasi sa'kin ang commitment ay parang salitang forever, isa lang 'yon malaking kalokohan!"     "On Physchiology explanation, Xandy is suffering from Fear of Commitment." Sabi naman ni Bianca.     "Wow! Bianca salamat sa pagkalat ng tungkol sa phobia ko ah!" Sarcastic kong sabi.     "May gano'n kang phobia?" Gulat na tanong ni Balong sa'kin.     "May gano'n nga siya. No'ng una medyo naawa kami sa sitwasyon niya pero itong si Xandy mukhang ini-enjoy ang phobia niya." Sabi ni Bakla.     I rolled my eyes. "Teka nga! Ba't ba ako ang topic n'yo? Tigilan n'yo nga 'yan!"     Ayaw kong pag usapan ang tungkol sa phobia ko na 'yon. Hangga't maaari gusto ko lang siyang i-avoid. Kaya nga gumawa ako ng Landiantionship na word para maiwasang ang Fear of commitment ko na mapagusapan e. Tsk.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD