bc

Landiantionship (Landiang Walang Relasyon)

book_age16+
928
FOLLOW
3.1K
READ
sweet
like
intro-logo
Blurb

Landiantionship

Ang Landiantionship ay Landiang walang Relasyon na inimbentong salita na ginawa ng Playgirl na si Xandy Ferrer para sa mga lalakeng ka-landian niya. At dahil na din sa pagkakaroon niya ng Fear of Commitment.

"I don't do boyfriend thing, i only do flirting. Landi-landi lang sapat na!"

Mga salitang lagi niyang ginagamit sa mga lalakeng feel niyang landiin.

Kapag naramdaman niya na emotionally attach na sa kanya ang ka-landian niya, nilalayuan na agad niya ito.

Gano'n lang lagi ang tinatakbo ng Lovelife niya hanggang sa makilala niya ang younger brother ng best friend niya na si Brian "Balong" Mansido na isang Playboy na papayag sa Landiantionship na gusto niya.

Matutulungan ba siya ng Playboy na mawala ang Fear of Commitment niya o mas lalo lang siyang mag iisip ng negative about commitment dahil sa pagiging playboy nito?

chap-preview
Free preview
Episode One
    "We're here." Bianca says.     Finally! 'Yan agad ang pumasok sa isip ko nang malaman kong nandito na kami sa bahay ng magulang ng best friend kong si Bianca Mansido.     Ang haba kasi ng byahe namin. Grabe! Ang sakit na ng puwet ko kaka-upo dito sa passenger seat mula Quezon City papuntang Baguio City.     Nandito kami para maging babysit sa younger brother niya kasi ang mga magulang niya ay nag bakasyon abroad and itong si Bianca ang na paki-usapan na bantayan ang pilyo daw niyang kapatid. Baka daw kasi pag ma-iwan mag-isa ang kapatid niya dito sa bahay nila ay kung sinu-sino nang babae ang dalhin.     Hindi ako makiki-join sa babysitting niya kaya lang ako sumama dito para enjoyin ang cold weather ng Baguio.     Sabay kaming bumaba ng kotse niya at lamig agad ng weather ang naramdaman ko kaya hindi ko ma-iwasang i-wiggle ang katawan ko. Buti nalang makakapal ang dinala kong jacket.     "Ang laki ng bahay n'yo a!" Comment ko habang naka tingin sa tatlong palapag na bahay na ang tanging kulay ay puti at grey mula sa labas.     "Malaki din naman ang bahay n'yo ah!"     "Malaki nga watak-watak naman ang nakatira."     Lumaki kasi ako sa isang broken family. Ang totoo hindi na 'ko umuuwi sa bahay na 'yon. Nakatira kasi kami ni Bianca sa iisang Apartment.     Pumunta na kami ng backseat para kunin 'yong maliit naming maleta 'tsaka namin sinimulang mag lakad palapit ng pinto. Pinindot ni Bianca ang doorbell at ilang sandali lang naman nag open na 'yong pinto.     "Ma'am Bianca, kayo na po pala 'yan." Bati no'ng tingin ko ay nasa mid-40 na babae.     "Hi Manang, nasaan si Balong?" Tanong ni Bianca kay Manang.     "Nasa kwarto po niya kasama po ang girlfriend."     "Urgh! Loko-loko talaga 'yon! Pinag sabihan nang 'wag magdala ng babae dito eh. Naku! Talaga humanda siya sa'kin!"     "Kalma, beb." I said laughing.     Napailing nalang siya.     Pumasok na kami ng bahay at kung malaki ang sa labas, malaki din syempre sa loob. Dumiretso kaming dalawa sa living area.     "Manang, ayos lang po bang pakuha kami ng tubig?" Bianca asked.     "Sige po, Ma'am."     "Salamat."     Inilibot ko ang paningin ko sa paligid, may mga nakikita akong pictures na naka frame. 'Yung iba pictures ni Bianca at ng tingin ko ay si Balong na kapatid niya at syempre ang family pictures nila.     "Ewan ko sa'yo! Napaka babaero mo talaga!" Dinig kong boses ng babae habang pa dabog na bumababa sa hagdan kaya nabasag ang pag tingin ko sa mga pictures para ibaling sa kanila.     "Sinabi ko na 'di ba, wala na kami no'n!" Boses naman 'yon ng lalake na tingin ko ay 'yong Balong na.     Pagbaba nila ng hagdan finally nakita na namin sila. Isang babaeng short hair ang nakita ko at ang kapatid ni Bianca na si Balong.     Oh s**t! He's a hot dude! 'Yan agad ang pumasok sa utak ko nang makita si Balong.     Paano kong na sabing hot? Shirtless kasi ang mokong na akala mo hindi malamig ang klima dito.     Ngayon ko palang siya nakita in person puro photos lang at aaminin ko may karapatan siyang maging pilyo dahil sa ka-gwapuhan niya.     Dahil sa busy nilang pag aaway ni parang hindi manlang nila napansin na nandito kami sa sala at nakikita sila.     "Ayoko na Brian, tapos na tayo!"     "Pwede ba Shane, alam naman natin na hindi mo kayang tapusin 'to!" Bigla siyang sinampal ng babae na ikinagulat niya. Tinakpan ko naman 'yung bibig ko dahil gustong makawala ng tawa ko kaya pinipigilan ko.     Grabe para akong na nunuod ng teleserye nito. Pahingi ngang popcorn.     "Kaya ko!" Kompyansang sabi ng girl 'tsaka nag walkout na ang drama.     "Fine! Akala mo naman kawalan ka!" Halos pasigaw na sabi ni Balong dahil sa inis kaya hindi ko na napigilan ang tawa ko.     "Balong!" Tawag ni Bianca sa kapatid niya at sa tono niya, badtrip siya.     Lagot kang Balong ka!     Tumingin siya sa direksyon ng Ate niya at biglang nanlaki ang mata nang makita niya ito.     "s**t! Ate, nandito ka na pala." Bigla niyang pag pa-panick at napa kamot pa sa likod ng ulo nito.     "Kanina pa! Napanuod na nga namin 'yong drama ninyong mag jowa eh." Sarkastikong sabi ni Bianca.     "Tss. 'Wag mo nang pansinin 'yon Ate, narinig mo naman 'di ba? Wala na kami." Bigla niyang na ibaling ang tingin at sa'kin at 'yong kaninang tila badtrip niyang mood ay napalitan ng ngisi sa mukha niya na talaga namang cute tignan sa kanya. Kung 'di lang 'to nakababatang kapatid ng best friend ko inawrahan ko na 'to.     "Hi." He greeted me with his sexy smirk.     "Hi." I greeted back.     Nag simula siyang mag lakad papalapit sa direksyon ko habang nakapulsa at nakatitig nang mapang-akit sa mga mata ko.     "I'm Brian." Pa-cool niyang pagpapakilala habang kagat-kagat ang lower lip niya.     "I'm Xandy, nice to meet you Balong." I said nicely. "You can call me Ate Xandy." I added para din alam na niya na dapat akong galangin.     "Ate? Pss. Hindi bagay na tawagin kang Ate."     "Bakit naman?" Pagtataka ko.     "Kasi mas bagay kung tatawagin kitang, mine."     I laughed, amusingly. Oh boy! He's good. This kid surely wants to flirt with me. Sorry nalang off limits siya. Tsk. Sayang din eh!     "Balong alam mo hindi gagana kay Xandy mga bulok mong pickup lines." Bianca said.     "Bakit naman?" Tanong niya habang nakatitig sa'kin. Hindi ko tuloy alam kung ako ang tinatanong niya o ate niya.     "Dahil mas malala kasi ako sa'yo, bata. Ang pinagkaiba lang natin," Inilapit ko ang mukha ko sa tenga niya para bumulong. "Marunong akong mag pigil sa tukso."     At isa kang malaking tukso!     Tinapik ko 'yung balikat niya 'tsaka ko siya kinindatan.     He just bites his lower lip, smiling amusingly at me.     Oh gosh! Ang sexy ng smile niya. It's so captivating. Siguradong marami nang nalaglagan ng panty dahil sa ngiti niya.     "Ma'am, ito na po 'yong tubig." Dinig naming sabi nung inutusan ni Bianca na kumuha ng tubig. Inabutan niya kami ni Bianca ng tubig 'tsaka namin ito ininum. Nakatingin lang ako kay Balong habang umiinum. Habang siya tinitignan niya 'ko mula ulo hanggang paa habang naka ngiti ng pilyo.     'Yung ngiti niya parang ngayon lang siya nakakita ng maganda.     Pinag pa-pantasyahan pa ata ako ng batang 'to. Naku lang talaga, kung hindi ka lang kapatid ni Bianca at mas bata sa'kin papatulan kita!     Nang maubos ko ang tubig binalik namin kay Manang 'yong baso 'tsaka naman ito nag lakad pabalik ng kusina.     Sinong magaakalang sa lamig ng klima dito makakaubos pa 'ko ng isang basong tubig.     "Balong, tulungan mo nga kaming ilagay sa kwarto 'yung maleta." Utos ni Bianca kay Balong.     Sumunod naman agad si Balong ng walang angal. Kinuha niya 'yong maleta namin ni Bianca at binuhat sa balikat niya na akala mo kargador pero halata namang kaya niya binuhat sa balikat niya 'yong maleta para ipakita lang 'yong muscle niya sa braso.     Oo na! Hot ka na bata! Pa bibo din 'to eh!     "Anong gagamitin n'yong kwarto?" Tanong ni Balong kay Bianca.     "Gagamitin ko 'yong kwarto ko, kay Xandy naman 'yong sa guest room."     "Okay." Sinimulan na ni Balong ang umakyat sa hagdanan, kaya sumunod nalang kami. Nakasunod lang ako sa kanya habang si Bianca ay nakasunod naman sa likod ko.     Sa unang pinto pagka-akyat dito sa second floor nilapag ni Balong 'yong maleta ni Bianca. Ibig sabihin 'yon ang kwarto niya.     Pinagpatuloy ulit ni Balong ang paglalakad hanggang sa makarating kami sa ikatlong pinto na 'di kalayuan sa kwarto ni Bianca. "Dito 'yong kwarto mo, Xandy." Sabi niya sabay bukas ng pinto sa kwarto.     "Call me Ate."     He shakes his head. "Ayoko nga!"     Napailing nalang ako. Tama si Bianca, mukhang pasaway nga 'tong batang 'to.     Pumasok nalang ako ng kwarto at inilibot ko ang tingin dito. Kasing laki 'to ng kwarto ko sa Apartment namin ni Bianca.     "Heto na 'yong maleta mo." Sabi ni Balong mula sa likod ko. Hinarap ko siya at super close niya sa'kin. Siguro nga mas bata siya sa'kin pero mas matangkad siya. Ka-level lang ng mata ko ang labi niya kaya nga 'yon ang unang kong na tignan pagkaharap ko sa kanya.     Napa lunok ako dahil ang pinkish ang kulay ng labi niya, parang ang sarap halikan.     Pero ini-angat ko din naman agad ang tingin sa mga mata niya bago pa 'ko ma-akit na halikan siya at makalimutang kapatid siya ni Bianca.     "Kung may kailangan ka, sabihin mo lang sa'kin." May pagka-sexy niyang sabi.     Nilagay ko ang two fingers ko sa sexy chest niya at tinulak siya ng mahina para mapalayo naman siya.     "Salamat sa pagbitbit ng maleta, kay Bianca ko nalang sasabihin kung may kailangan pa 'ko."     Hinawakan niya 'yung kamay kong ginamit pangtulak sa kanya at hinalikan ito nang hindi inaalis ang tingin sa'kin.     "Bakit kay Ate pa? Pwede naman sa'kin, pagsisilbihan kita."     Hinila ko 'yong kamay ko, hinawakan ko siya sa magkabilang balikat at pinatalikod tsaka patulak na pinalabas sa kwarto.     "Salamat sa offer pero hindi na kailangan."     Kinaway ko 'yong kamay ko bilang pagpapaalam at ngumiti ng pilit tsaka ko sinara 'yong pinto.     Urgh! Oh tukso layuan mo ako!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
31.3K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

His Obsession

read
104.9K
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
104.4K
bc

HIDING MY BOSS' HEIRS | SPG

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook