Nagising ako mula sa masarap na tulog. Sa pag mulat ng mga mata ko naalala kong nasa guest room pala ako sa bahay ng parents ng best friend kong si Bianca dito sa Baguio.
Bumangon ako ng kama at inunat ang katawan ko habang humihikab pa.
Lumabas ako ng kwarto. Dumiretso ako sa bathroom na naka pwesto dito sa labas ng kwarto kaya no choice ako kung hindi ang lumabas pa ng kwarto.
Pumasok ako at ang una kong ginawa ay nag hilamos 'tsaka ako nag toothbrush para fresh ang breath. Pagkatapos kong magawa 'yon, bumalik ako ng kwarto. Kinuha ko 'yong jacket ko at rubber shoes. Sinuot ko muna 'yong white shoes ko bago ko tuluyang lumabas ng kwarto.
Bumaba ako sa hagdan.
Nakita ko sa sala si Bianca na tila kagagaling sa kusina nila.
"Mag jo-jogging ka?" Tanong niya.
"Yup."
"Hindi ka muna mag ka-kape?"
"Paguwi ko nalang."
Sinimulan ko nang maglakad palabas ng bahay. Tumingin ako sa magkabilang side ng kalsada para alamin kung saan ako magsisimulang mag jogging.
Sa left side ko naisip na simulang tumakbo. Routine ko na kasi 'to tuwing umaga at kahit na nasa Baguio ako, ayaw ko 'tong mawala. Mahirap ng tumaba baka mabawasan ng lalakeng ma-a-akit.
Sa pagpapatuloy kong mag jogging, nakarating ako sa isang maliit na football field. Habang patuloy ang pagtakbo, nakatingin lang ako sa direksyon ng field. Na pahinto ako sa pagtakbo nang makita ko si Balong na nag lalaro ng soccer ball at sinisipa ito papuntang goal.
Tumakbo siya papalapit sa goal, kinuha niya ang bola gamit ang paa nito 'tsaka sinimulang gumawa ng trick.
Wow! Ang hot niya- i mean ang galing niya sa bola.
Soccer player siguro ang bata.
Napahinto siya sa pag gawa ng trick sa bola nang mapansin ako. Dahil ayoko namang mag kunyaring hindi ko siya pinagmamasdan kaya kinaway ko agad ang kamay ko sa kanya.
Tumakbo siya papalapit sa'kin habang nakangiti. Sinalubong ko nalang siya ng lakad para hindi na malayo ang takbuhin niya.
"Nice footwork." Compliment ko sa kanya pagkalapit niya.
"Salamat. Kanina ka pa dito?" Tanong niya.
"Hindi masyado. Sapat lang para makita ang husay mo sa soccer."
"Gusto mo bang turuan kita?" Tanong niya.
"No! Active lang ang lifestyle ko pero hindi naman ako sporty." Kinaway ko na 'yong kamay ko sa kanya. "Sige mauna na 'ko, ipagpapa-tuloy ko pa ang pag jo-jogging."
Sinimulan ko na ulit ang tumakbo, hindi ko na hinintay pa 'yong tugon niya sa sinabi ko.
"Xandy!" Dinig kong tawag niya sa'kin kaya huminto ako sa pagtakbo at nilingon siya.
Nakita kong nag i-skateboard siya papalapit sa'kin habang bitbit niya din ang bola niya.
Wow! Frustration ko ang skateboarding paturo kaya ako?
Huminto siya sa tapat ko at binuhat ang skateboard niya.
"Marunong ka din palang mag skateboard." Kumento ko.
"Yah! I'm good at this too." Pagmamalaki niya.
"Ang dami mo palang talent, bata!"
"Yah! May iba pa 'kong talent, gusto mong malaman?"
"Ano naman 'yon?"
"Good kisser din ako, wanna try?"
Oh boy! Tsk. Tsk. Tsk.
"Nice try bata! Pero, hindi ako pumapatol sa bata. Lalo na't kapatid pa ng best friend ko."
Ngumisi siya in a very pilyo way na talaga namang ang hot. "'Wag kang paka-siguro Xandy."
Bigla ko siyang binatukan ng mahina sa likod ng ulo niya na ikinagulat niya.
"Aww! Para saan 'yon?" Pagtataka niya.
"Ate Xandy sabi ang itawag mo sa'kin e!" I scolded him.
"Tss. Hindi naman kita Ate para tawagin kitang Ate. Tsaka sinabi ko na kung anong itatawag ko sa'yo 'di ba?"
"At winarningan ka na din naman namin ng Ate mo na hindi gumagana sa'kin ang mga pickup lines mo 'di ba?"
Pinasasakit nitong gwapong batang 'to ang ulo ko!
Nag simula nalang ulit ako sa pagtakbo. Narinig ko naman ang pag skate muli ni Balong hanggang sa makita ko siyang kasabay na. Kung ako nag ja-jogging siya naman nag i-skateboard.
"Anong plano n'yo habang nandito kayo ni Ate sa Baguio?" Tanong niya.
"Siya mag b-babysit sa'yo. Ako, maglilibot dito sa Baguio at mag hahanap ng hot dude!"
Isa ka na sana sa mga hot dude na 'yun kaso... off limits ka.
"Kung gano'n nakahanap ka na ng isang hot dude at isang... tour guide."
"Sino?" Pagmamaang-maangan ko kahit na alam ko naman ang tinutukoy niya ay ang sarili niya.
"Me!" He pointed himself. "Ako ang pinaka hot na tour guide sa Baguio." Pagmamalaki niya.
"Tour guide ka?"
He shakes his head. "Hindi totally na tour guide, pero alam ko ang pasikot-sikot at ang history ng Baguio."
"Wow!"
He grins. "Payag ka na bang maging tour guide ako?"
"Mmmm. Sige. Pero depende pa din kung papayag ang Ate mo."
"Bakit naman siya hindi papayag?"
"Dahil baka mas bet niyang nasa bahay ka lang." Biro ko.
"Tss. Kalokohan!"
Huminto ako sa pagtakbo, tingin ko sapat na 'to para ngayong araw. Kung ako huminto na sa pagtakbo si Balong naman sa huminto sa pag skate.
"Uuwi na 'ko, ikaw?" I asked him.
"Uuwi na din ako."
Sinimulan ko na ulit ang tumakbo pero this time pauwi na ng bahay nila. Sinimulan din niya ulit ang pag skate. Patuloy niya lang akong sinasabayan kahit na kaya naman niya akong lagpasan. Hanggang sa nakarating kami sa bahay nila. Na nguna pa siya sa'kin sa pinto 'tsaka feeling gentleman na pinagbuksan ako ng pinto.
I just grin at him and tapped him on his arm bilang pasasalamat.
Pumasok na kami ng bahay, pareho kaming dumiretso sa kusina. Lumapit ako sa ref para kumuha ng tubig habang si Balong naman ang kumuha ng dalawang baso para sa'min.
Inilapag niya sa lamesa 'yong baso 'tsaka ko naman 'to sinalinan ng tubig.
Nang masalinan ko 'to ng tubig. Sabay naming ininum ang tubig habang naka tingin sa mata ng bawat isa. Kumindat pa siya sa'kin kaya na pailing ako habang naka ngiti.
Malandi din 'tong batang 'to e.
"Nandito na pala kayo." Dinig naming boses ni Bianca. Sabay kaming tumingin sa kanya.
"Nagkita kami sa field kanina kaya sabay na kaming umuwi." Sabi ko naman.
"Ate, pwede ko ba samahan si Xandy sa paglibot dito sa Baguio?" Pagpapaalam niya.
Binatukan ko ulit siya ng mahina sa likod ng ulo niya. "Sabi ng Ate Xandy ang itawag mo sa'kin e." I scolded him again.
"Ayoko nga sabi e!"
"Nakakawalang galang kung Xandy lang ang itatawag mo sa'kin, e mas matanda ako sa'yo e!"
"E di Ms. Xandy nalang." He winks at me.
'Wag kang kumindat! 'Pag ako talaga hindi makapagpigil, naku! Naku! Naku!! Magkakasala ako sa best friend ko.
Bianca laughed. "Mukhang close na agad kayo a."
"Pasaway kasi 'tong kapatid mo e."
"I know." Pagsangayon niya. "Ano nga pala 'yong tungkol sa paglibot n'yo dito sa Baguio na tinutukoy ni Balong?"
"Ah 'yon ba? Nag offer kasi siyang siya ang gawin kong tour guide sa paglibot ko dito bukas." Sagot ko.
"Kung sa bagay alam niya ang pasikot-sikot dito. Palibhasa kasi gala."
"Grabe ka naman Ate! Hindi ba pwedeng nakabisado ko lang dahil sa paglalaro ko ng soccer?"
"Yah! Yah! Whatever."
"Ano payag ka na bang samahan ko si Xandy- I mean Ms. Xandy pala?"
"Yah! Ayos lang." Pagsangayon niya.
"Sama ka?" Tanong ko sa kanya.
She shakes her head. "Kayo nalang, nalibot ko na 'to madaming beses na."
Kung sabagay dito nga naman siya lumaki. Nagpunta lang siya sa Manila noong nag aral siya ng College at do'n nga kami nagkakilala.
"Okay then, mukhang tayo lang talaga bukas." Sabi ko naman kay Balong. Ngumiti siya in a very pilyo way again.
Urgh! That smile, inaakit talaga ako niyan.
'Wag sana niyang ilabas ng madalas 'yang ngiti niya bukas baka hindi ko na mapigilan sarili ko at masungaban na siya. Wala pa naman si Bianca para bantayan kami.