Nakarinig ako ng katok mula sa labas ng kwarto ko habang busy ako sa pag apply ng red lipstick ko.
"Ms. Xandy, alis na tayo!" Dinig ko boses ni Balong habang kumakatok.
Pinanindigan talaga niya 'yong pag tawag ng Ms. Xandy sa'kin a!
"Coming!" I shouted.
Tinignan ko pa muna ang itsura ko sa harap ng salamin. I'm wearing brown leather jacket, and jeans. Naka boots din ako bagay lang sa weather.
Kinuha ko na 'yong bag ko and my camera 'tsaka ako nag lakad palapit ng pinto. Pinihit ko ang doorknob para buksan ang pinto at ang gwapong si Balong ang nakita ko na nakasuot ng red sweat shirt.
Ang pogi!
"Wow!" He mouthed as he see me. I smirked, secretly. Ganyan talaga lagi ang epekto ko sa boys, napapa-wow sila.
"Alis na tayo?" I asked to snapped him.
"S-sige."
Ako na ang unang nag lakad sa'min pababa habang ramdam ko lang na naka sunod sa'kin si Balong at 'yong malagkit din niyang tingin.
Pagbaba namin, tumingin pa muna kami sa sala baka sa kaling nando'n si Bianca at hindi naman ako nagkamali nando'n din siya nag babasa lang.
"Alis na kami." Paalam ko sa kanya.
Kinaway niya lang 'yong kamay niya bilang pagpapaalam. Hindi na din niya inabalang tignan pa kami.
Dumiretso na kami ni Balong sa paglalakad palabas ng bahay. Bigla naman siyang na unang mag lakad sa'min papunta sa isang Pickup Car, binuksan niya ang pinto mula sa passenger seat at ginamit ang kamay para senyasan akong sumakay
"Is that your car?" I asked.
"Yep." He proudly said.
Sumakay na 'ko tulad ng gusto niya. Sa pag sakay ko, siya naman itong sumakay sa driver's seat.
"Saan ang unang destinasyon natin?" Tanong ko habang ini-start niya ang makina.
"Ano ba muna gusto mo? Gusto mo bang kumain muna o mamasyal na lang muna?" Tanong niya.
Hmmm. Ano nga ba?
"I think mamasyal muna then after no'n, kain naman!"
He grins. "Okay! Let's go to Burnham park ang puso ng Baguio City."
I clapped my hands. "Wow! Alam mo talaga a!"
He laughed. "Syempre!" He winks.
Sinimulan niya ang pag mamaneho niya. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana at chini-check ang bawat daan na madadaanan namin.
Masarap sigurong tumira dito sa Baguio.
"Miss Xandy," Tawag sa'kin ni Balong kaya na punta sa kanya ang focus ko.
"Bakit?" Tanong ko.
"Anong trabaho mo sa Manila?"
"Photographer ako."
"Kaya pala may dala kang camera." He comments. "Ano 'yong mga kinukuhanan mo? Tao ba or lugar?"
"Mostly mga tao. Photographer ako ng isang kilalang clothing brand dito sa bansa. So, usually isusuot ng model nila ang damit tsaka ko sila kukuhanan ng litrato."
"How about Weddings?"
"Weddings?" I make a disgust face. "I don't believe in Weddings!"
"Really? Why?"
"I just don't! Mag maneho ka na lang." Tumingin na lang ulit ako sa bintana para matapos na ang usapan. Ayokong pag usapan ang mga gano'n ka-korni na bagay.
Nakarating kami ni Balong sa sinasabi niyang Burnham Park. Pinark niya lang 'yong kotse. Pagpatay nito ng makina, sabay na kaming bumaba.
"Ano gusto mong unang subukan? Biking, boating, horse riding-"
"I'll take pictures first!" Pagpuputol ko sa tanong niya.
Ito naman ang isa sa pinaka dahilan kung bakit gusto kong lumibot dito eh. Plus points lang na may makilalang hot dude.
Nag simula akong mag lakad at inilibot ang tingin sa paligid. Sinasabayan ko na din ng pagkuha ng litrato. Ramdam ko lang na nakasunod lang sa likod si Balong. Hindi naman niya ako ini-istorbo sa ginagawa ko. Maganda 'yon dahil ayoko talagang ini-istorbo ako kapag kumukuha ako ng magagandang shots.
Nang matapos naman ako...
"Tapos na 'ko, anong magandang ride?" Tanong ko sa gwapo kong tour guide.
"Ang suggest ko ay boat!"
"I'm scared. I don't swim." Pagamin ko.
"It's safe! Don't worry, you're with me."
I shrugged. "Okay! I trust you."
Bigla niyang hinawakan ang kamay ko na ikinagulat at ipinagtaka ko. Kailangan pa ba talaga ng hawak-kamay-hindi-kita-iiwan-sa-paglalakbay? Okay, ang korni ko na!
Hinayaan ko na lang siya. Ang lambot din naman kasi ng kamay niya.
Dumiretso kami ni Balong sa namamahala sa mga nag papa-rent ng bangka. Balong paid for our boat, plano ko sanang umalma kaso bago ko pa magawa 'yon nahila na niya ako pasakay ng bangka.
Umupo na agad ako, bago pa ako ma-out of balance at mahulog sa bangka. Ayaw kong mamatay ng wala manlang natikmang hot dude dito sa Baguio.
"Be careful, Balong!" Sabi ko sa kanya. Siya kasi ang pumwesto dun sa pedal para paandarin 'tong bangka namin.
"I told you Xandy, you can trust me!" Paniniguro niya.
"Hindi ko maiwasang kabahan!"
Slowly na niyang sinimulan ang pag pe-pedal kaya medyo nakaramdam ako ng nerbyos.
"Pwede kang kumapit sa'kin kung kinakabahan ka." Sabi niya.
"Nice one Balong! Pero hindi gagana sa'kin 'yang the moves mo!"
He laughed. "Sayang!"
"Dinadala mo ba dito mga naging girlfriends mo?" Tanong ko.
"Yup! I always date them here. Para silang laging tuko na nakakapit sa braso ko kapag nakasakay na dito."
"Kaya ka ba nag suggest na dito dahil akala mo gagawin ko 'yong ginagawa nila?"
He nodded. "Oo!"
Tumawa ako kahit na medyo kinakabahan. "O Balong! Gamit ka ng ibang strategy baka mapasakay mo na 'ko." I challenge.
"We still have a lot of time Xandy. Hindi matatapos 'tong pag to-tour ko sa'yo ng hindi ako nakaka isang halik sa'yo."
Aba't may goal palang gawin ang bata! Kung ako ang makahanap mg hot dude siya pala ang makahalik sa'kin.
Binatukan ko siya sa likod ng ulo niya pero mahina lang naman.
"Aww! Para saan 'yon?" Pagtataka niya habang nakahawak sa ulo niya.
"Sinusubukan ko lang alugin utak mo, baka kasi nakalimutan mong bisita n'yo ako at best friend ko ang Ate mo!"
"Hindi ko nakakalimutan 'yon." He winks.
Ang landi! May pakindat-kindat pa! Parang ako lang nung kasing edad niya ako. Well, until now gano'n pa din pala ako.
Na survive ko ang boating namin ni Balong. It was so nakakakaba pero masaya pa din.
"What's next?" Balong asked me.
I shrugged. "I don't know."
"Gusto mong mag bike?" Tanong niya.
"Okay let's try that!" Game ako dyan! Marunong akong mag bike e.
Hinawakan niya muli ang kamay ko tsaka siya tumakbo kaya napatakbo na din ako. Buti na lang malakas ang stamina ko dahil sa pag ja-jogging ko kaya hindi masyadong hingal nang makarating kami sa nagpapa-arkila ng bike.
"'Yong single bike ba?" Tanong ni Manong sa'min.
"Oo! Pareho naman kaming single eh." Sagot ni Balong.
Balong was about pay pero inunahan ko na siya.
"Ako na ang mag babayad!" Pagpipilit niya.
"No! Baka ipon mo 'yan, itabi mo na lang tsaka isa pa ako nag pasama sa'yo dito kaya sagot ko lahat!"
"Pero-"
"Itabi mo na lang 'yan Balong!" Pagpuputol ko sa pag sasalita niya.
"Brian," Dinig naming tawag sa kanya ng isang babae.
Sabay kaming tumingin sa direksyon ng babaeng 'yong mula sa likod at nakita ang isang hindi pamilyar na babae.
"Sino siya?" She asked him, pointing me. May tono ng galit at pagseselos ang boses ni girl.
"Uh... uhm... ano-" Bigla niyang sinampal si Balong wala pa man din 'tong sagot. Napataas kilay nalang ako. Babae ako pero minsan din talaga O.A na ang girls na mag react. Hindi muna hintayin na sumagot bago manampal. Kung sabagay hindi ko pa naman nararanasan ang mga nararansan nila.
"Napaka gago mo talaga! Break na tayo!" After niyang sabihin 'yon sinamaan naman ako ng tingin ng babae tsaka sinimulan ang mag walkout.
Hindi ko na pigilan ang tawa ko pagkaalis nung babae. "Nawalan ka na naman ng girlfriend, Balong." I comment, laughing.
Napahawak na lang siya sa pisnge niyang sinampal nung babae.
"That was fun. Anyways, mag bike na tayo?" Tanong ko.
Tumango lang siya bilang sagot tsaka ngumiti na akala mo hindi siya na sampal ng ex niya.