Episode Four

1166 Words
    Natapos kami ni Balong sa pag ba-bike namin. Ibinalik lang namin ang bike na inarkila namin tsaka kami muling lumibot pero this time sinamahan ko ng kunting pag kuha ulit ng litrato.     Habang busy ako sa pagkuha ng litrato bigla kong na itapat kay Balong ang camera. Tumingin ako sandali sa kanya. Hindi niya na notice na nakatapat sa kanya 'yong camera ko kasi busy siya sa pag tingin sa paligid.     Kinuhanan ko siya ng litrato. Hindi ko alam kung bakit pero parang gusto siya ng camera ko dahil ang gwapo ng bawat kuha ko sa kanya. Ang totoo pwede siyang mag model.     Bigla siyang tumingin sa direksyon ko kaya inilayo ko sa kanya ang camera para hindi niya mahalatang kinukuhanan ko siya ng litrato ng palihim.     "Hindi ka pa ba tapos?" Tanong niya.     "Tapos na. Saan next gala natin?" Tanong ko sa kanya.     "Gusto mong pumunta sa Botanical Garden?"     "Yah! I'm in!"     "Okay! Let's go to my car."     He holds my hand again and he started to walk. "Wait!" Pagpipigil ko.     Huminto siya sa paglalakad at tumingin sa'kin.     "What?" Pagtataka.     "Kailangan ba talagang gawin pa 'to?" I showed him our hands.     "Ayaw lang kita maligaw Ms. Xandy."     I smiled, amusingly. "Magandang palusot 'yan, bata!"     He shrugged. "Well, expert ako dyan."     Pilit akong bumitaw sa pagkakahawak niya ng kamay sa'kin. "Don't worry Balong, hindi ako maliligaw." I reassured.     Pinauna ko na siyang palakarin para hindi na siya mag attempt pa ulit na hawakan ang kamay ko.     Malapit na kami sa kotse niya nang makarinig ulit kami ng babaeng tumawag kay Balong.     "Brian!" Sabay kaming lumingon ni Balong sa direksyon nung babae.     Warla ang face ni girl na halatang galit na galit kay Balong.     Another girlfriend na naman siguro ni Balong 'to.     "Who is she?!" She pointed me.     Pangalawa na siyang babaeng nanduro sa'kin.     "It's none of your business!" Sagot ni Balong.     "It is! Girlfriend mo 'ko!"     Bakit kasi hindi na lang niya sabihin kung sino ako para matigil na sa kakadada 'tong babaeng 'to?     "Kaibigan siya ni Ate, happy na?" Sagot ni Balong.     She slapped him on his face.     Kawawang Balong! Nag sabi na ng totoo, na sampal pa din.     "What the hell?" Iritang sabi ni Balong. "What was that for?"     "Para 'yan sa pag sisinungaling mo! Tingin mo maniniwala ako?! Napaka babaero mo talaga! Hindi dapat ako naniwala sa pang bo-bola mo!"     "Actually, nag sasabi siya ng totoo." Pagsisingit ko sa usapan nila para matapos na. "Nag pasama lang ako sa kanya para lumibot dito. Kaibigan ko si Bianca, kung uh kilala mo siya, kapatid siya ni Brian." Halata sa reaksyon ng mukha niya ang gulat sa sinabi ko at siguradong pagsisisi rin.     "Ngayon alam mo na? Kung hindi ka rin naman naniniwala sa'kin, break na tayo!" Inis na sabi ni Balong.     "Tara na Ms. Xandy." He told me. Na una na siyang mag lakad kaya sumunod na lang ako.     "Brian, sandali!" Pagpipigil nung babae. Pumunta siya sa tapat ni Balong at niyakap ito.     "Sorry, babe." She apologized.     "Bitawan mo nga 'ko!" Pilit na tinggal ni Balong ang pagkakayakap sa kanya nung girlfriend niya. I mean ex na pala.     "Break na tayo kaya 'wag mo 'kong tawaging babe!"     "I'm sorry! Ikaw naman kasi e. Dalawang beses mo na 'kong niloloko, kaya masisisi mo ba 'ko kung mag hinala ako?"     "Oh cut the drama Lucia! We're done!"     Nag lakad na ulit si Balong kaya gano'n din ang ginawa ko. Todo pa din ang pag pigil at pag mamakaawa nung Lucia daw kay Balong na makipag ayos pero hindi na niya 'yon pinansin hanggang sa makasakay kami sa kotse at masimulan niya ang mag maneho.     "'Yon na ata ang pinaka mahabang break up drama na napanuod ko." I comment.     "Sorry about that." He apologized.     "Nah! That's alright. Pangalawang babae na 'yon na sumampal sa'yo, ayos pa ba pisnge mo?" Biro ko.     He chuckled. "Sanay na 'tong pisnge na 'to sa mga sampal."     "I see. Ilang girlfriends pa ang reserba mo?" Tanong ko.     "Honestly wala na. 'Yon na 'yon lahat."     Sa tono niya parang kulang pa sa kanya 'yong girlfriend niya na 'yon.     "Pero malapit na ulit akong mag ka-girlfriend." Dagdag niya.     "Really? May nililigawan ka ngayon?"     He laughed. "Wala! Hindi ako nanliligaw, charm lang ang gamit ko. Kasama ko ngayon 'yong magiging girlfriend ko."     What?     E ako lang naman ang kasama niya ngayon.     "Are you saying na ako 'yon?     "Yup! Pag naging tayo, magpapakatino ako."     Tumawa ako kasi nag papatawa ata siya e.     "Why are you laughing? Don't tell me may boyfriend ka? Masasaktan talaga ako niyan."     "I don't do boyfriend thing Balong, i only do flirting. Landian lang sapat na." I cleared.     "Wow! Really? You sounds fun!"     "I am!"     "So, hindi magiging tayo?"     "No!" I snapped. Nag sisimula na 'kong mainis. Ayoko talagang na pag uusapan ang mga boyfriend-boyfriend na 'yan.     "Kung gano'n, hindi mo ba 'ko mapag bibigyan kahit isang kiss lang?"     "Hindi magandang idea 'yan Balong."     "Bakit naman?"     "Kapatid ka ng best friend ko."     "Hindi naman natin sasabihin kay Ate e."     "Give it up Balong, I'm not interested." Gusto niya atang syoplakin ako ni Bianca e.     Finally nakarating kami ni Balong sa Botanical Garden. Pinark niya lang ulit ang kotse tsaka ako ang unang bumaba sa'min kahit hindi pa niya napapatay ang makina ng kotse.     Tulad sa Burnham Park, kumuha ulit ako ng litrato. Kinuhanan ko ng litrato ang mga Igorot na nakasuot ng traditional native dress nila.     After kung makakuha ng litrato, pag libot naman ang ginawa ko sa garden. Ramdam ko lang na nakasunod sa'kin si Balong sa pag lalakad ko. Hanggang sa maramdaman ko ang kamay niya na inilagay niya sa bewang ko.     Hindi talaga siya gumi-give up a!     Tinanggal ko din naman agad 'yon. "'Yong kamay mo Balong, i-behave mo 'yan."     Ngumiti lang siya kaya na gwapuhan na naman ako sa kanya. "Gusto lang kitang alalayan mag lakad."     "I can manage."     Haay! Bakit ba masyado akong lapitin ng tukso? Mabilis pa naman akong matukso. Kung hindi nga lang 'to kapatid ni Bianca kanina ko pa binigay 'yong request niyang kiss e. Baka nga nag volunteer pa 'ko. Type ko pa naman 'yong mga katulad niyang certified playboy dahil wala akong aasahan na kahit anong hihingiin niyang serious commitment. Ayaw ko kasi talaga ng gano'n, landi-landi lang ang gusto ko.     Bakit ba kasi wala pa rin akong mahanap na hot dude? Kainis naman o!     Inabot ng kalahating oras ang pag lilibot namin ni Balong. Habang nag lalakad kami pabalik ng kotse niya nag tanong ako.     "Saan tayo pwedeng kumain? Nagugutom na 'ko e."     "Sa Session Road nalang one kilometer lang ang layo nun dito." Nakangiti niyang sagot.     "Anong meron do'n?"     "Foods, boutiques, bazaars, cafes and hotels."     Bazaars? Mukhang do'n ako makakabile ng pasalubong sa paminta naming barkada ni Bianca na si Mark, paminta dahil, beks siya na nag bibihis lalake. At syempre sa kapatid kong babae na si Xunny.     "I see, let's go there."     Sa pag sakay namin ni Balong sa kotse niya, sinimulan naman agad naming dalawa ang byahe.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD