Brian "Balong" Mansido Nagising ako mula sa pagkakatulog na sobrang sakit ng ulo ko, dahil siguro 'to sa sobrang pag inum ko kasama ng teammates ko kagabi. Umupo ako mula sa pagkakahiga ko at napahawak sa ulo ko. Sinubukan kong alalahanin ang nangyari kagabi at ang tanging pumasok lang sa isip ko ay 'yong nasa Club lang ako, nag papakalasing at nakikipag sayaw sa iba't-ibang babae at gano'n din kay Olivia. Hindi ko na maalalang nakauwi pa pala ako. Tumingin ako sa orasan ko sa study table ko, oras na ng pagjo-jogging ngayon ni Ms. Xandy kaya kailangan ko nang kumilos para hindi kami magka-abot at hindi ko siya makita. Simula nang tapusin niya ang landian namin, iniwasan ko na siya. Nasaktan kasi ako talaga ng sobra sa ginawa niya. Siya lang 'yong babaeng nakapag par

