Ito na ang araw ng birthday ni Mom. Nandito pa kami sa sala ni Bianca at hinihintay ang pagdating ng sundo naming si Jon at ang isa pa naming kaibigan na si Mark. Ang tagal nilang dalawa, fifteen minutes na ata kaming nag hihintay dito ni Bianca. Habang na nanahimik kami sa paghintay kela Mark at Jon, itong cellphone ko naman kanina pa nag iingay dahil sa mga text ni Balong at Xunny kung nasaan na kami. Lalo na si Balong, halos tadtarin niya ako ng text. Na una na kasi siyang pumunta do'n dahil maaga silang pinapunta ni Xunny. "Nasaan na ba 'yong sundo natin?" Tanong ni Bianca. "Hindi ko din alam." Sakto nakarinig na kami ng doorbell mula sa labas. Si Bianca ang tumayo para pagbuksan. Pagbalik niya sa sala si Mark na ang kasama niya. "Meme, sorry

