Episode Eleven

1373 Words
    Weeks After...     I'm on my way home. I'm tired, like really really tired. Galing kasi ako sa photoshoot mula pa sa Cavite.     Gusto ko ng makahiga ngayon sa kama ko pero nandito pa rin ako sa kotse ko at nag mamaneho.     Pagka-uwi ko talaga, hihiga agad ako ng kama ko!     Nang finally makarating ako sa Apartment...     Dali-dali akong bumaba ng kotse ko. Binitbit ko ang bag ko tsaka ako pumasok ng Apartment. Nakita ko pa si Bianca na nakaupo sa couch habang nasa lap niya ang loptop niya.     Tumingin siya sa direksyon ko nang makita ako.     "Hi, nakauwi ka na pala." She said.     "Mmm. Hmm!" I just hummed. Lumapit ako sa kanya at bumeso sa kanya. "Mag papahinga na 'ko, na pagod ako sa shoot e."     "Okay! Pero may sasabihin muna ako sa'yo."     "Bukas na 'yan, 'teng!" Nag lakad na ako paakyat papunta sa kwarto ko.     Higang-higa na 'tong katawan ko kaya pag-pasok ko ng kwarto ko, ibinagsak ko agad amg katawan ko sa kama ko.     Mmm. Sa wakas makakapaghinga na 'ko! Huminga ako ng malalim at ipinikit ko na ang mga mata ko.     Na gising ako mula sa pagkakatulog ko dahil sa narinig kong pag alarm ng orasan ko. Minulat ko ang mga mata ko, kinuha ko mula sa side table ang alarm clock tsaka ko 'to pinatay.     Umupo ako mula sa pagkakahiga ko at humikab. As i look down at myself, suot ko pa din ang suot ko kahapon.     Tsk. Sa sobrang pagod na wala na sa isip ko ang mag bihis.     Bumangon ako ng tuluyan sa kama, dumiretso ako sa bathroom ko. Nag hilamos lang ako at nag toothbrush na din. After kung gawin 'yon, lumabas na ulit ako ng bathroom.     Kumuha naman ako ng pang palit kong damit. Plano kong mag jogging kaya gano'ng kasuotan ang kinuha ko at sinimulan ko agad ang mag bihis.     After kong mag bihis, lumabas ako ng kwarto ko habang ipinupusod ko ang buhok pataas. Dumiretso ako sa pag punta sa kusina para uminum muna ng tubig.     Binuksan ko ang ref. at kumuha ng tubig. Nang isasarado ko na 'to may narinig akong nag salita.     "Hello, Ms. Xandy."     Nilingon ko kung sino 'yon at halos mabitawan ko ang pitsel na hawak ko dahil sa gulat na ang makita ay si Balong. Pinikit ko ulit ang mga mata ko dahil baka inaantok pa 'ko at namamalikmata lang. Sa pag mulat muli ng mga mata ko, nakikita ko pa rin siya na cool na cool na nakatayo habang naka ngisi ng pilyo.     Oh gosh! He's really here!     What is he doing here?     Kailan pa siya dumating?     "Long time no see." He said smiling.     Urgh! That smile again. Hindi ko akalaing makikita ko ulit 'yan.     "K-kailan ka dumating?" Tanong ko. Windang pa din akong makita siya dito sa Apartment namin ng Ate niya.     "Kahapon lang, hindi ba na sabi ni Ate sa'yo?"     Wala akong maalalang sinabi niya 'yon- wait, na alala kong parang may gustong sabihin si Bianca kagabi.     Kung gano'n tungkol pala 'yon kay Balong? Pambihira! Dapat pala pinakinggan ko muna 'yon e di sana hindi ako na bigla ng ganito.     Nilapag ko sa lamesa 'yong pitsel. Kahit naman kasi nabigla akong makita ang hot dude na 'to, na uuhaw pa din ako.     Kumuha na din ako ng baso at nag salin ng tubig.     "Hanggang kailan ka dito? Malapit na pasukan a!" I asked then uminum ko ng tubig.     "Dito na 'ko titira at magaaral." Bigla kong na ibuga ang iniinum ko dahil sa gulat na dahilan para matawa si Balong.     Are you kidding me?     "Are you okay, Ms. Xandy?" He asked, stepping forward.     I cleared my throat. "Yeah. Wait, tama ba ako ng dinig na dito ka na titira?"     "Gano'n na nga Ms. Xandy," Nag lakad pa siya ng mas malapit sa direksyon ko habang ang mga ma-pangakit niyang ngisi ay hindi niya inaalis sa labi niyang alam kong masarap humalik.     Napakagat lower lip ako dahil sa na alala ko kung gaano akong nag enjoy noon na halikan ang labi niya.     "Magkakasama na tayo sa iisang bahay, exciting 'yon 'di ba?" He continues.     Nakalapit siya ng tuluyan sa'kin, gustuhin ko mang umatras kaya lang na korner na niya ako. Naka sandal lang ako ngayon sa ref.     Hinawakan niya ang chin ko tsaka siya nakakatitig sa labi ko. 'Yong titig niya parang nag papakita ng ka-gustuhang halikan ako.     Kaso ang tingin niya ay binaling niya sa mga mata ko. "Bakit hindi ka nag re-reply sa mga text ko?" Seryoso niyang tanong.     "Hindi ko lang hawak cellphone ko sa tuwing nag te-text ka." Palusot ko.     Ang totoo niyan, masyadong flirty ang mga text niya sa'kin at dahil nga ayaw kong i-flirt back siya dahil nga off limits siya kaya hindi ko siya ni-re-replyan.     "Gano'n ba." Tinanggal niya ang pagkakahawak sa chin ko. "Akala dahil iniiwasan mo 'ko e."     "Bakit ko naman gagawin 'yon?"     He shrugged. "Dahil kapatid ako ng best friend mo?" Patanong niyang sagot.     "Siguro nga tama ka, pero hindi talaga kita iniiwasan." Pagsisinungaling ko.     Tinapik ko siya sa balikat niya. "Aalis na 'ko, mag jo-jogging pa 'ko."     Nag simula na 'kong mag lakad palayo sa kanya pero bigla naman niya akong pinigilan sa pamamagitan ng paghawak sa braso ko at pilit niya akong pinaharap sa kanya.     "What-" Hindi ko natapos ang pagsasalita ko dahil bigla niya akong hinalikan sa labi ko na ikinagulat ko.     Ang halik niya ay nag re-request ng pag respond kaso hindi ko 'yon binigay sa kanya. Tinulak ko siya sa chest niya kaya napabitaw siya sa paghalik sa'kin.     "Nababaliw ka na ba bata? Baka makita tayo ni Bianca!" I scolded him.     Tinalikuran ko na lang ulit siya at nag patuloy na 'ko sa paglalakad. Binilisan ko para hindi niya agad ako mapigilan.     Pag labas ko ng Apartment, para akong naka hinga ng maluwag. Sobrang... nakakawindang na makita ngayon si Balong at mas nakakaloka ang paghalik niya sa'kin.     Oh gosh! Paano na ngayong dito na siya titira? Araw-araw na kaming magkikita. At kapag pinagpatuloy niya ang ginagawa niyang pag-halik sa'kin hindi na 'ko mabibigla kapag nahuli kami ni Bianca. Mas worst kapag nalaman pa niya 'yong tungkol sa nangyari sa'min ng kapatid niya.     Urgh! Nakakaloka 'to!     Sinimulan ko na lang ang mag jogging  para makaiwas na din sa pagiisip.     Inabot ng kalahating oras ang pag jo-jogging ko dito lang sa malapit sa Apartment. Kahit nakapag jogging na 'ko hindi ko pa rin naiwasang isipin si Balong.     Bumalik ako ng Apartment after kong mag mag jogging. Pagpasok ko, dumiretso ako sa kusina at do'n ko na abutan 'yong mag Ate na kumakain ng breakfast.     "Bilisan mo sa pagkain, sasamahan pa kitang mag enrol sa school mo bago ako pumasok ng trabaho." Sabi ni Bianca kay Balong.     "Hindi mo na nga 'ko kailangang samahan Ate, kaya ko na!"     "Loko ka! Bakit kabisado mo na ba 'yong pasikot-sikot dito sa Maynila para maging kampante ka?"     "Haay! Mukhang magiging maingay na palagi sa hapagkainan a!" Biro kong kumento kaya na punta sa'kin ang atensyon nung dalawa.     "Sinabi mo pa!" Pagsangayon ni Bianca.     "Ms. Xandy, kain ka na!" Balong told me.     "Mamaya!"     Uminum na lang muna ako ng tubig.     "Balong bilisan mong kumain! Ma-le-late talaga ako sa trabaho dahil sa kabagalan mo e." Bianca said.     "'Wag mo na nga kasi akong ihatid! Maaga pa para pumunta ng school." Balong said.     "Hindi mo pa nga kasi kabisado ang pasikot-sikot dito!"     "Kung nagaalala ka talaga, e di si Ms. Xandy na lang ang maghahatid sa'kin!" Balong suggested.     "Teka! Ba't ako na damay dyan?" Pagsisingit ko. Na nanahimik 'yong tao dito e.     "E sa suot mo kasi parang mamaya pa 'yong work mo. Tama lang para sa pagpunta ko sa school." Balong answered.     Ang sabihin mo, gusto mo lang ako ang mag hatid sa'yo para makalandi ka sa'kin! Gusto ko sanang sabihin 'yan kaso syempre hindi ko ginawa, takot ko lang kay Bianca.     "Okay!" Pagpayag ko.     "Are you sure ayos lang?" Tanong ni Bianca sa'kin.     I nodded. "Yeah! Kapalit na din 'yon sa pagiging friendly tourguide ni Balong sa'kin noong nasa Baguio tayo."     "Okay, salamat."     I force a smile. "Welcome."     Binaling ko ulit ang tingin kay Balong. Nakangisi na naman siya ng pilyo sa'kin. Hindi ko talaga alam kung maiinis ba 'ko o maaakit sa ngisi niya e. Hay!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD