The next day... Kasabay kong kumain ng breakfast ang magkapatid na Mansido. Tahimik lang kaming tatlo at walang nagsasalita. Ako nakatingin lang sa pagkain ko, habang inuubos 'to. "Kayong dalawa ba, magkaaway?" Tanong ni Bianca sa'min. "Hindi." Sabay naming sabi ni Balong. Hindi naman talaga kami magkaaway, hindi lang niya ako pinapansin. Dahil pa rin siguro sa paghatid sa'kin dito ni Jon kaya until now hindi niya ako pinapansin. "Talaga? Para kasi kayong magkaaway e." Inangat ko ang ulo ko para tumingin sa kanya. "Bakit naman kami mag aaway ng kapatid mo?" "Oo nga? Anong dahilan ko para awayin ang best friend mo?" Balong said. Bianca shrugged. "Siguro sanay lang akong naguusap kayo." Sabihin mo 'yan sa kanya. Siya 'tong hindi kumakausap sa'

