bc

Devoured (Divina and Ruther)

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
revenge
HE
tragedy
bxg
cruel
office lady
actor
like
intro-logo
Blurb

2nd installation of Victoria City Series.

Ernest Ruther Fortaleza

Victoria City, a city of dreams and power. Only those who can compete with power can survive. With love the last in line, people who try to come here will either receive it or be neglected.

*****

Kinamumuhian ni Ernest Ruther Fortaleza si Vina Azarcon sa hindi nito pagsipot sa kasal nila, sa pag-aakalang sumama ito sa lalaking mas mahal nito. Hanggang sa magpakita ito sa kanya na tila walang nangyari. He never make it easy for her. Itinuloy nila ang naudlot nilang kasalan, ngunit ginawa niyang impiyerno ang buhay nito. Araw-araw niya itong pinarurusahan.

Sa lahat ng ginagawang pagpapahirap ni Ernest kay Vina ay hindi pa rin sumusuko ang babae. Ginampanan niya ang kanyang tungkulin bilang isang may-bahay at asawa kahit pa ilang beses siyang nasasaktan sa pagtrato sa kanya ng asawa.

Ngunit paano kung ang inaakalang asawa ni Ernest na kanyang kasama at pinahihirapan ay may malagim na sikreto? Mabago kaya ng lalaki ang kanyang pakikitungo rito?

chap-preview
Free preview
Prologue
Ang kasal ang isa sa pinaka inaabangang tagpo ng kahit sino sa kanilang buhay, lalo na kung ang kasal na ito ay dahil sa pag-iibigan ng dalawang magkabiyak. Sa araw na ito ay ang pinakamasayang tagpo sa buhay ni Vina Azarcon. Masaya siyang nakatingin sa kanyang repleksyon habang nakasuot ng bridal gown na napili niyang disenyo. Tadtad ito ng mga Swarovski na nagkakahalaga ng 4 na milyong piso. Iyon ang wedding gown na gusto niya na siya namang sinang-ayunan ng kanyang magiging kabiyak. Hindi naman isang sino-sinong tao ang kanyang mapapangasawa. Ang kanyang groom ay walang iba kundi ang pamosong architect na si Ernest Ruther Fortaleza, ang pangalawang anak ng founder ng Fortaleza Technologies Incorporated na si Don Roberto Fortaleza. Sila ang pinaka tinitingala at ginagalang na pamilya sa buong Pilipinas. At kontrolado nila halos ang malaking porsyento ng Victoria City, ang city of dreams. Matagal nang pangarap ni Vina ang makatapak sa naturang lugar at ang kanyang pangarap ay maisasakatuparan na sa pamamagitan ng pagpapakasal kay Ernest. Buong buhay niya ay umiikot sa pangangarap na mahalin ng isang tulad ni Ernest kung kaya't ang maikasal sa isang tulad nito ay isa talagang dream come true. Ngunit sa likod ng masayang araw na ito ay may bumabagabag sa isipan niya. Agad namang napansin ni Claudia ang pagsimangot niya sa harap ng salamin. "Oh, what's with the grim face, Vina? You should be happy that you're now getting married!" masayang sabi ni Claudia. Si Claudia ay ang best friend ni Vina mula pa pagkabata. Isa itong Filipina-Mexican. Simple lang ang pamumuhay nito sa bansa at dahil sa pagiging adventurous nito ay mabilis silang nag-click na dalawa pagdating sa mga gala. Napangiti naman si Vina na sinamahan ng paghugot ng hininga. "Kinakabahan ako, Clau. Alam mo namang mabilisan itong kasal namin ni Ernest. Alam mo namang..." "Yeah, yeah! Nag-propose na rin sa wakas sa'yo ang boyfriend mo kaya hayan! Pero bakit hindi ka masaya? Inaalala mo pa rin ba 'yung dati?" Napabuntong-hininga siya at napatango. "Hindi ko alam. Bigla lang akong kinabahan. Tawagan ko na kaya si Ernest?" "No! Ano ka ba naman, best? Masama 'yan, naku ka! Baka mamaya hindi pa matuloy ang kasal na 'to. Tumigil ka na nga at mag-relax. 'Wag mo nang isipin ang mga bagay na hindi na mahalaga, okay?" anito habang nakahawak sa magkabila niyang balikat. Dahil doon ay napilitan nang ngumiti si Vina. "Okay, best. Thank you talaga!" Nagyakapan pa silang dalawa. Pagkatapos niyon ay nagpatuloy na siya sa pag-aayos ng sarili hanggang sa tinawag na siya upang sumakay sa bridal car. Kinakabahan siya. Walang mapagsidlan ang kanyang kasabikan na makarating sa simbahan. Sabik na siyang makita ang kanyang mapapangasawa. Sabik na siyang manirahan sa Victoria City. Sa wakas ay maisasakatuparan na niya ang lahat ng kanyang pinapangarap sa buhay. Makakatakas na siya sa buhay na puno ng pighati at pagdurusa. Iyon naman ang ipinangako sa kanya ni Ernest kaya nagtitiwala siya sa mga sinabi nito sa kanya. Habang lulan siya ng bridal car na patungo sa simbahan ay kinalikot niya ang gallery ng kanyang cellphone. Napangiti siya nang mahanap ang litrato na nais niyang pagmasdan. Litrato iyon ng kanyang nawawalang kapatid na si Divina. Maya-maya ay biglang nanubig ang kanyang mga mata. "Sana makita na kita, kambal. Miss na miss na kita. Sana nandito ka rin sa araw na pinaka mahalaga sa akin. Pangako, kapag natapos na ito, ikaw naman ang hahanapin ko..." **** Maalinsangan ang tanghali nang lumabas si Ina mula sa fast food chain na pinagtatrabahuan niya. Isa siyang dining crew sa araw na iyon na napag-utusan na mag-deliver ng order ng isang customer. Nakakatwa nga at ang nag-order ay magpapa-deliver sa loob mismo ng simbahan. Napapalatak si Ina sa sarili. "The audacity! Talagang sa simbahan pa ipapa-deliver! Baka naman taga-ibang sekta itong magpapa-deliver? Oh, 'di kaya 'di ata alam nitong customer ang tamang etiquette sa loob ng simbahan." Ang in-order pa ng customer ay sampung order ng value meal na hamburger, fries at coke. Walang nagawa si Ina dahil sa mga naka-duty ngayon sa store ay siya lang ang may motor at may lisensya kaya siya lang din ang pwedeng mag-deliver ng pagkain sa araw na iyon. Habang nasa biyahe ay iritable siya sa mainit at maalinsangan na paligid. Pakiramdam niya ay uulan maya-maya. Pagkarating naman sa national road ay naabutan siya ng malaking traffic. Wala rin siyang makitang space para makasingit ang motorbike na kanyang sinasakyan. Sakto namang tumapat sa kanya ang isang puting kotse. May bulaklak sa harapan nito. Obvious na isa itong bridal car. Expensive na bridal car. Napabaling ang atensyon niya doon at may napansin mula sa loob. Nakita niya na nakahiga ang bride sa likuran ng sasakyan. Hindi niya masyadong maaninag ang hitsura ng bride dahil sa repleksyon ng mga bagay na nasa paligid. "Huh? Normal lang ba 'yan?" tanong niya sa kanyang sarili. Napansin din niya na mukhang pareho sila ng ruta ng naturang kotse. Mukhang may magaganap na kasal sa mismong pagde-deliver-an niya ng pagkain. "Ahh..." aniya na tila na-gets na ang dahilan ng pag-order ng customer niya. "Kasal pala..." Hindi na rin naman siya nag-usisa pa. Nang sa wakas ay umusad na ang traffic ay pinaharurot na niya ang kanyang motorbike patungo sa kanyang destinasyon. Sa oras ding iyon ay bigla nang bumagsak ang malakas na ulan. Lalong nadagdagan ang iritasyon niya. Hindi kasi siya nagdala ng raincoat. Tanging ang helmet lang niya ang magsisilbing proteksyon niya mula sa ulan. Nahihirapan pa siya dahil hindi niya masyadong makita ang kanyang dinaraanan. Akma na siyang liliko patungo sa kanyang ruta nang bigla siyang magulantang sa isang malakas na pagsalpok ng sasakyan sa kung saan. Agad siyang napahinto at napalingon mula sa kanyang likuran. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang malakas na pagkakasalpok ng ten wheeler truck sa mismong bridal car. Tila nawalan ng kakayahang makarinig ni Ina sa mga oras na iyon. Kay bilis ng mga pangyayari. Hindi na rin niya malaman ang dahilan ng kanyang paninigas mula sa kanyang kinalalagakan. Basta na lang niya nabitiwan ang kanyang motorbike. Maya-maya pa'y natagpuan niya ang sarili na naglalakad patungo sa sasakyan. Ang una niyang binuksan ay ang backseat ng bridal car. Doon ay natagpuan niya ang babae na nakasuot ng wedding gown. Duguan at naghihingalo. Nakipagtitigan siya sa nanghihina nitong mga tingin. Maya-maya ay biglang ngumiti ang babae sa kanya. "D-Divina... i-ikaw na ba 'yan?" biglang tanong nito na ikinagulat niya. "P-paano mo nalaman ang pangalan ko? Sino ka?" tanong niya na tila naiiyak na. Nakakaawa ang hitsura ng babae. Kalunos-lunos ang sinapit nito sa araw mismo ng isang masayang pagtitipon. "D-Divina... sorry. Ganito kita nakita. P-pero wala na akong oras..." Napaubo ito. Maya-maya pa ay may kung ano itong inilagay sa bulsa ng kanyang uniporme. Base sa tunog nito ay isa iyong papel. Nagtatanong ang mga matang napatingin siyang muli sa babaeng naghihingalo. Ngumiti naman ito at hinaplos ang kanyang pisngi. "H-hanapin mo ang taong ito. Mabuhay ka... at sana... s-sana... alamin mo kung sino ang may gawa nito sa akin. Mahal kita, kambal..." Iyon lang at mabilis na nalagutan ng hininga ang babaeng kaharap niya. Ilang beses niya itong niyugyog ngunit hindi na ito gumagalaw. "H-hindi... Gumising ka! Gumising ka!" patuloy niyang pagsusumamo. Wala siyang sinayang na sandali at mabilis na naghanap ng gamit sa loob ng kotse na makakapagbigay sa kanya ng pagkakakilanlan ng babae. Doon ay makita niya ang purse ng babae. Pagkatingin niya ay napasigaw siya sa gulat. Nakita niya ang mga ID ng babae. Kamukhang-kamukha niya ang babae. Para silang ipinagbiyak na bunga. Ang pinagkaiba lang nilang dalawa ay ang matapang na ekspresyong ng mukha ni Ina. Ang sa babae naman ay maamo at mala-anghel. Ang nabasa niyang pangalan ng babae ang dagliang nagpakaba sa kanya nang husto. Napahagulhol siya ng iyak nang mapagtanto kung sino ang nasa kanyang harapan. "Hindi. Hindi 'to maaari. Bakit ganito? Bakit?! Gumising ka please! Marami pa akong gustong itanong sa'yo. Please!" paulit-ulit na sambit ni Ina sa kanyang sarili habang nakayakap sa babaeng namatay sa kanyang harapan. Hindi niya akalain na ang muling pagkikita nila ng kanyang nawawalang kambal ay siya rin mismong huling araw nito sa piling niya. Ang kanyang kakambal na si Davina. Ilang beses siyang pumalahaw ng iyak. Doon ay naalala niya ang huling sabi ni Davina sa kanya... "Alamin mo kung sino ang may gawa nito sa akin..." "Huwag kang mag-alala, Davina... aalamin ko kung sino ang gumawa nito sa'yo. At ipapangako ko sa'yong ipaghihiganti kita!"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
75.1K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook