Chapter 2

1779 Words
CHAPTER 2      "What the hell are you doing there?!"    Hayyy. .ang Darling Rain ko talaga lagi na lang high pitch ang boses. Parang mababasag na ang eardrums ko sa pagsigaw niya sa listening device ko.   "Wag kang maingay na di-distract ako." nagpatuloy lang ako sa pagsayaw, lifting y feet, twirling, jumping, at kung ano-ano pa. This is my mission today. Ang client namin ay si Senator Paulo Assuncion. May natanggap siyang death threath at nakalagay don na ang uunahin ay ang bunso niyang anak na si Hazel. It’s impossible to find that person na papatay kay Hazel. Unang-una ang daming tao dito sa recital nila ng ballet. Paano ko naman makikita kung sinong papatay?, And the worst part is, kahapon lang kinuha ni Senator ang serbisyo ng BHO, of course wala kaming enough time to find the shooter or sniper. Sa ngayon ay nag hahanap na si Daniel Adrian, dahil kung sakalin sniper nga ang hinahanap namin ay obviously hindi siya mag papakita. Anak ni Tito Adrian and Tita Tyini si Daniel, sana kasama si Daniella yung kapatid niya, close kasi kami ni Daniella eh.   "And what? Pano kung barilin nga si Hazel? Sasalagin mo? Bakit ka nandiyan?!"   “Ang sungit, pasalamat ka love kita”. Nandito kasi ako si recital ni Hazel, dapat nasa lugar lang kami sa isang tabi then huhulihin namin yung shooter, ang kaso I thought it’s not a good plan. So naghanap ako ng tutu dress or something then sumali ako. Kagabi ko pa na naman pinapanood ang routine nila, kaya medyo kabisado ko na. Isa pa, nakapag-ballet na ako dati, nag-sawa nga lang ako. Nasa ballet club ako sa University namin, ang kaso narinig ko si Rain na gusto niya daw sanang sumali sa Football Club ang kaso hindi pwede dahil sa sakit niya, though naoperahan na siya hindi parin siya pwede sa mga mabibigat na activities. Ang ginawa ko ay sumali ako sa Football Club. Sinabi ko kay Rain na ilalaro ko na lang siya.   “What the hell are you thinking agent Frost?! Nakakalimutan mo ba na model ka! MODEL! Maraming nakakakilala sayo!. "Relax Thunder baka atakihin ka niyan, anyway hindi nila ako makikilala dahil part ng costume namin ang malaking hat na ito na halos i-cover na ang buong mukha ko, my pretty face! Ikinicover?! That’s so MY GOSH   “Wag mo kong birahan niyang alien language mo, focus!!  Kapag nabaril ka..." "Ano?"   "Babarilin kita ulit, kaya umayos ka!"  "Sir Yes Sir!"  Umikot ikot na ako, then jump. I winked at the security camera na alam kong na i-hack na ni Rain. I heard him sigh. Lagi naman ganiyan yan eh, suko sa kakulitan ko. Umikot ako ulit while on point, then jump high. Gotcha!   "Agent Flash! nakita ko na siya second row first chair. The one with the gray hoodie."  tumakbo ako papunta kay Hazel. Though parang walang nakakahalata dahi talon ako ng talon, I'm sure iniisip nila na kasali yon. Nilingon ko yung lalake, He's aiming the gun now.  I jump again, and while I'm on the air, I turn my body to a sudden turn. Hinawakan ko si Hazel dahilan para bumagsak kami. Pero dali-dali ko siyang hinila ng marinig ko ang putok ng baril.    "What the? Who the hell are you?!".    "Kung ayaw mong mamatay ng maaga sumama ka sakin, your father hired me."    Nang marinig niya yung sinabi ko ay walang reklamo na sumama siya sakin. Tinignan ko siya ng makarating kami sa back stage. Kulay black ang buhok niya na naka-bun sa likod, pero kulay white yung suot niyang hat dahil siya ang main sa ballet recital. Kailangan naming iligaw yung shooter ang kaso nagpa-color ako ng buhok last week eh! blonde. . BWAHAHAHA!!!!! Bagay nga sakin eh, sabay pa kami ni ate Hurricane. Nagpalingon-lingon ako hanggang sa makakita ako ng black wig. Inipitan ko yon then sinuot ko. Pagkatapos non kinuha ko ang hat ni Hazel at pinalit ko sa akin. Tapos kinuha ko yung malaking cart ng mga damit at pinilit kong pinasampa si Hazel don, tinakluban ko ng mga damit si Hazel then tumakbo na ako.   "Turn left, hindi nahabol ni Daniel ang lalake, dalawa pala sila. Sa likod ka dumaan, agent Flash will meet you there."   "Got it."   Binilisan ko ang pagtakbo ko. Malapit na..malapit na. Malas! I bend down and murmured something on Hazel. "Itutulak ko tong cart. Pagkatapos, sasalubungin ka ni agent Flash, got it?" "Y-yes." Tinulak ko ng malakas yung cart kaya nag dire-diretso iyon paglabas. Ako naman, hinarap ko ang mga lalakeng nakaharang sakin. Nakatutok sakin ang baril nila. Tumungo ako para hindi nila makita ang mukha ko. Mas bibilisan nila ang pagpatay sakin kapag nakita nilang hindi ako si Hazel. I need to buy time. "Pasensya na miss, trabaho lang." "W-why?" Sinadya kong paliitin ang boses ko, narinig kong kinasa na nung dalawang lalake ang baril.   Sinalubong ko ang tingin nila, halata ang pagkagulat sa mga mukha nila, and that's my cue, the moment they lost their attention to me, that’s the moment they lost.   I kicked the hand of the man closest to me, hinawakan ko naman sa kamay ang isang lalake sa tabi niya. Dahil nga marunong akong mag-ballet kaya mas mataas at mas malayo ang naabot ng mga paa ko. I headlock one of them at hinarang ko sa katawan ko, ng makita kong bumunot ng baril ang isa.   "Mamang panget ibaba mo yan, mamaya mapatay mo tong kabaro mong panget din."    "Tumahimik ka! Wala akong pakialam diyan!."   "Narinig mo yon mamang panget number two? Wala daw siyang pakialam sayo." wala akong narinig na sagot. I'm sure this man will faint in just a matter of seconds. Mawawalan siya ng hininga dahil sa pagkaka-headlock ko sa kaniya. Binitawan ko na siya ng maramdaman ko ang bigat niya. He's still breathing, napatingin ako saglit sa likod ni mamang panget number 1. Nandoon na si Daniel.    "Ano mamang panget? Laban ka pa." inumang niya sakin ang baril.   "Imposibleng matamaan mo ko, even a bullet will find it hard to catch me."   Nagpalipat-lipat ako ng pwesto, nagpaputok siya pero nakalipat na ako sa isang tabi.   "Pakiramdam ko aatakihin ako whenever she use that trick, my daughter is playing with bullet, gosh!" napangiti ako si momma. Mukhang nanonood din siya. Matyagang inintay ko na magpaputok ulit ang lalake. Every time na lilipat ako at iiwasan ko ang bala, palapit ako ng palapit sa kaniya. Hanggang abot kamay ko na siya.   "Putragis kang babae ka! Ano kaba multo?!" natawa ako. Hinawakan ko ang kamay niya and in a split second naghiwalay-hiwalay na ang baril niya. Binagsak ko isa-isa ang mga bullet na natira. Tapos nakangiting tinignan ko siya. "Pano na yan? Panalo ako?" Sinipa ko siya sa tuhod then, I elbowed his spine, napaigik siya ng malakas sa sakit. After that, I give him one final punch.   "Asar ka agent Flash! Hindi mo man lang ako tinulungan!" tumawa lang si Daniel. Hinila niya ang dalawang lalake at tinali. Tapos inilagay niya sa cart na kaninang ginamit ni Hazel. "Nasaan si Hazel?"   "Nasa papa niya na, natakot eh."   "Who wouldn't?"   "You."   Napatawa ako ulit, tinulungan ko siyang mag tulak. Tapos nilagyan namin ng blindfold ang dalawa at sinakay sa kotse, pagkatapos ay pinasibad niya na ang sasakyan pabalik sa BHO.   "Astig talaga ang trick mong yon, dapat ako ang gumagamit non dahil si agent Flash ako eh."   "Hahaha, Ang bilis mo din kaya, parang bilib na bilib ka naman diyan."   "San ka nakakita ng babae na nakikipaglaro sa bala?" tinignan ko siya. I gave him a look na nagsasabing obvious na ang sagot sa tanong niya. "Right, sa BHO doon lang may babaeng mahal na mahal ang humahagibis na bala."   ” Tama!” Though ayaw nila Momma at Papa ang trick kong yon alam ko naman na proud sila sakin. Nag aalala lang sila sa unica hija nila. Nang makarating kami sa BHO ay nauna na akong pumasok.Tumuloy ako sa lab ni Rain at Kael. Anak din ng isan agent si Kael. "DARLING RAIN!" Sumugod ako kay Rain na napipilitan lang saluhin ako ng tinalunan ko siya. Nakita kong napapailing si Momma at Papa, si Tita Mishy nagthumbs-up, si Tito Dale natatawa lang.   "Baba!" "Opo!" Nakakunot noong tinignan ako ni Rain. "Anong ginawa mo kanina?" "Niligtas ko si Hazel." "Bago pa yon?" "Ammm...ewan." "SINUWAY MO KO! Paano kung napahamak ka? I'm your 'EYES' kaya dapat na nakikinig ka." Sinundot ko siya sa tagiliran, hindi man lang tumawa, parang ang precious precious naman ng ngiti niya. Hindi ko pa nakikitang ngumiti yan. "Uy bestfriend wag ka ng magalit sakin, hindi ko na uulitin." "Sinabi mo na sakin yan dati at hindi kita bestfriend." "Woo! Aminin mo na bestfriend mo ko, wag mo ng itanggi." "Hindi kita bestfriend." "O sige, girlfriend na lang." "Ayoko!! Hindi kita girlfriend!." Napasimangot na naman ako, naka-pamewang na tinignan ko siya. "Eh kung sinasagot mo ba na naman ako eh di sana may natatawag ka ng girlfriend."   Tinignan niya ako habang kumekembot kembot pa ako. Alam niyo yong Teach Me How To Dougie? Uso dito yon eh. Para ngang lulllaby na namin yon nung bata pa kami. "Ayoko ng girlfriend na makulit, malikot at maingay." Umupo ako sa isang silya at pinatong ko yung dalawang kamay ko sa lap ko, then nag-beautiful eyes ako. "Ayoko ng masyadong modern." Hinatak ko si Kael at kinuha sa kaniya ang jacket niya. Tinakpan ko yung suot kong tutu dress.   "Ayoko ng buhok mo masyadong glossy" Napanganga siya ng tinanggal ko yung wig, hihi! Hindi niya pa kasi nakikita na nagpakulay ako ng buhok, bagay nga sakin sabi nung manager ko kasi ang puti ko.   "ANONG NANGYARI DYAN?!"   "Relax, Rain. .ang puso mo baka malaglag, sige ka kapag nabasag yan wala na akong makukuha. Para pa naman sakin yang puso mo." Narinig ko nag 'cheesy' sila Momma, pasaway.   "Pinsan wag mo ng pahirapan yan, masyado ka talagang gentleman." Napalingon ako dun sa babaeng pumasok. Si Autumn, unica hija ni Tito ethan.   "O, tamo?! Sabi ni Autumn wag mo na akong pahirapan. Aba ang tagal ko ng nanliligaw sayo. Mula four years old palang ako. 16 years na ah! Twenty na ako eh, hindi pa counted don ang kwento nila iita Mishy na ikaw lang daw ang nagpapatahan sakin nung baby pa ako. You see? We're meant to be darling!"   "Shhh! Wag kang maingay, ayoko ng maingay." Tumahimik na naman ako at nag beautiful eyes.Tinignan ulit ako ni Rain at pati na ang suot ko. Nangunot ang noo niya ng makita na sobrang ikli at nipis nong suot ko.   "Pumunta ka sa kwarto mo at magpalit ng damit, ganiyan ba ang tamang damit ng babae? Dali! Magpalit ka."   Naka-pout na tumayo ako, at inabot ko kay Kael yung jacket niya. Tapos lumabas na ako, narinig ko pa si Momma na may sinabi kay Rain.   "Astig talaga tong inaanak ko, talo mo pa akong sawayin si Wynter eh. Sige, sige, ituloy mo lang yan."   "Pero anak hinay-hinay ha? Baka makalbo sa kunsumisyon si Wynter, papangit ang future bride mo."   "Mom!" Narinig ko na tumawa lang sila. Pikutin ko na lang kaya? hmmm. .ayoko. Tinatamad ako pero, di bale. Meant to be kami eh. Back off girls ha? Akin si Rain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD