CHAPTER 22
Mga 2am na ata ng madaling araw, nagshower pa kaming dalawa and again.. you know. Kasalukuyan kami ngayong magkahawak kamay at palabas na ng kwarto, ang kaso bumangga kami sa tatlong taong nakasubsob sa pinto. Nanlalaki ang mga mata ko ng makita ko si kuya Ice. Dumiretso siya ng tayo at nag-pamewang.
"A-ano wala kaming ginawa nagjack-enpoy lang kami." tumaas ang kilay ni kuya, tapos inikutan kami ni Rain na parang evil step mother ni Cinderella.
"May hindi na virgin dito." Nanunuring sabi ni kuya Ice. Namutla ako! baka magsumbong si kuya Ice kay Papa. Mapapagalitan ako non.
"S-sino?" kinakabahang tanong ko.
"Hmmm..." Biglang tinuro ni kuya Ice si Rain. "Ikaw Totoy! Hindi ka na virgin! Ni-r**e ka ng kapatid ko no? Halika magfa-file tayo sa korte ng s****l harrassment."
"Hindi, Okay lang. Hindi ako magsasampa ng kaso."
"Hindi pwede halika dito! Nabe-brainwash ka lang niyang r****t na kapatid ko."
"Okay nga lang at saka paano ka ba nakakasiguro na may nangyari nga?" tinuro ni kuya Ice yung pinto. Napatingin naman ako don. Yung damit ko! Dali-daling lumapit ako doon at ipinasok yon sa kwarto. Pagkatapos ay lumabas na ako ng kwarto kung saan kasalukuyang nagpapabalik-balik na naman si kuya ng paglalakad.
"Kitang kita mga kababayan may kiss mark si Rain Dale Night na malamang ay pinilit lang ng ating suspect na r****t na si Wynter Roqas." Litanya ni kuya Ice. Napanganga ako, ako na lang lagi ang r****t!
"Ayon sa aking vision sa mga pangyayari, inakit-akit ang walang kamuwang muwang na si Rain Dale Night a.k.a Totoy ni Wynter Roqas a.k.a r****t ng mga totoy. Rain Dale Night, totoo ba na ni-r**e ka ni Wynter Roqas?"
"Ammmm. . It’s not like that, I guess we r***d each other?" natawa ako sa itsura ni Rain,pulang-pula ang mukha niya.
"Wynter Roqas, guilty! You are sentenced of a lifetime prisonment forever and ever and ever." Kumuha ako ng unan at binato sa kaniya, tapos kinawit ko ang braso ko sa braso ni kuya at ipinaypay ko sa mukha niya ang kamay ko. Halos maduling si kuya sa kakasunod ng tingin sa kamay ko.
"Ano yan?"
"Dolphin duh! Ano sa tingin mo?"
"Sa tingin ko pinikot mo si Totoy."
"KUYA!” tumawa siya at ginulo ang buhok ko.
"I'm happy for you baby sis, sa wakas at kay Rain ka na titira kaya wala ng maingay sa bahay."
"Ang sama mo! Mami-miss mo din ako."
"Of course."
"Mag-asawa ka na rin." ngumisi si Kuya, pagkatpos ay pinagsalikop niya ang kamay tapos nag- beautiful eyes siya kay Summer. Na ngayon ay pinipilit iwasan ang tingin ni kuya, natawa ako ng umupo pa sa tabi ni Summer si kuya at dinudunggol-dunggol.
"Alis Ice!" utos ni Summer kay kuya.
"Mag asawa na raw ako."
"Sige ihahanap kita bukas."
"Gusto ko ikaw."
"Hindi pwede! Tao ako kaya dapat tao ang pakakasalan ko. Ihahanap kita ng sirena bukas since shokoy ka naman." Tahimik na magkahawak kamay na lumabas kami ni Rain ng hotel room, binuhat niya ako at umakyat kami papunta sa rooftop.
"Yes walang tao!" Napangiti si Rain at hinila ako sa isang bench don, umupo kami at sumandal ako sa kaniya.
"Bakit walang stars?"
"Baka uulan bukas."
"Weh?" pinisil niya lang ang pisngi ko at bumalik sa pagtanaw sa langit na wala namang stars.
"Wynter..."
"Hmm?"
"Saan mo gustong ikasal? Beach, garden, underwater-"
"Kahit saan pareho lang naman yon eh, basta ikaw ang pakakasalan ko. Kahit sa gitna pa tayo ng kalsada magpakasal okay lang, ang mahalaga ikakasal tayo.”
"That's sweet."
"I know right! Hahaha, Ikaw Rain may tanong ako."
"What?"
"Paano kapag nawala or namatay ako, magmamahal ka ba ng ibang babae?" napatingin siya sakin, I can see panic in his eyes.
"Hey! Tanong lang naman eh."
"I don’t like the question."
"Sagutin mo na, please. .puhleassse!" Bumuntong hininga siya, tapos niyakap ako ng mahigpit. Patalikod na niyakap niya ako at isinubsob niya ang mukha niya sa balikat ko.
"I can’t love another woman if you're gone, I can’t see myself with any other person. Not like when I look at you, I can see now and I can also see our future."
"Parang ang pangit naman non, nawala lang ako hindi ka na magiging happy."
"What makes you think I'll be happy if I try to love someone else? Makakasakit lang ako. I'll just wait na magkita tayo ulit and maybe it won't take that long at susunod ako sayo."
Inangat ko ang mukha ko at hinalikan si Rain, napangiti siya ng maghiwalay ang mga labi namin.
"Wynter.."
"Yes?"
"I love you."
"I love you too, Rain. I love you with all my heart." Siguro kahit na mag-end na ang contract namin dito sa mundo. Maybe magkikita kami ulit, then kapag ibinababa na naman kami dito. I'm sure that destiny will bring us back again together, kasi makalimot man ang utak pero hindi ang puso. Especially our souls cause it will always find a way to each other. Soulmates, feeling ko ganoon kami ni Rain.
"Bakit natahimik ka na?"
"Wala naman, nagiging emo lang ako. Ganito pala kapag may nagpropose bigla, nakaka-emo."
"Balak ko nga sa dinner bukas ako magpo-propose. Ang kaso you sidetracked me."
" Ako pa may kasalanan? Ang sabihin mo eh naakit ka masyado sa aking delectable body." Natatawang hinila niya ako patayo, pagkatapos ay binuhat na naman niya ako.
"Saan tayo pupunta?" Ngumiti siya sakin, a very different smile. It’s a playful smile. Then nagsalita siya.
"Iche-check ko lang ang delectable body mo."
"Talaga naman ang haba talaga ng hair ko. At ikaw ah! Nagmamana ka na kay kuya Reese, mamaya niyan bigla na lang akong lumobo."
"Eh di masaya."
"Inggit ka lang ata kay ate Hurricane eh."
"Of course not. Pero promise mo sakin bibigyan mo ako ng triplets diba? Madaya ka nga kasi lumabas na tayo ng kwarto kaagad, usapan dapat may triplets na bago tayo lumabas."
OMG! Walang biro? Triplets talaga? Momma hindi ko kaya yon!