CHAPTER 4
Nandito ako ngayon sa training area, unfortunately, hindi ako nabigyan ng bagong mission. Naibigay na kasi kay ate Hurricane at kay kuya Reese. Kaya magte-train na lang ako para hindi boring. Nasa gitna ako ng training area, pinindot na ni Kael ang button then tumaas na ang mga glass wall. Wala kasi ang darling Rain ko, nasa The Camp sila kasama si Autumn at Summer at ang mga parents nila. Nag decide kasi si tito Poseidon at Warren na makipag-merge sa The Camp. Since may dumadating sa amin na mga mission na pang-matagalan, and we're not used to play on that field. Ang pinakamahaba na ata ng gumawa ng cover at nag-disguise ay si Tita Mishy kay Tito Dale noon. Mas sanay kasi ang mga taga BHO na nananatiling sekreto kami, at hindi nagkakaroon ng kahit anong attachment sa client namin.
"Wynter. You need to kill all the hologram. May tatlong beses ka lang na chance incase na matamaan ka. You can use your gun, or kahit na matamaan mo lang sila then talo na ang matatamaan mo." Paliwanag ni Kael
"Got it." Nagsimula na. May apat na hologram. And I need to kill them, pero I decided na patagalin yung laban, I want to practice my trick. Yung iniiwasan ko yung mga bullet They called it Wynter’s trick. Hindi ko pa masyadong gamay yon, kaya nga nag-aalala sila Momma kapag ginagamit ko yon dahil bago ko pa lang nadiscover. Pero I have an excellent vision, isa pa I'm a sharp shooter. Bukod kay ate Hurricane, ay isa ako sa pinakamagaling na babaeng sharp shooter sa BHO. At saka lumaki na kami rito na halos puro baril at bullet ang nakikita namin. Kaya parang naging second nature na namin yon. Iniwasan ko lahat ng imaginary na bullet na tumatama sa akin. Kapag tumama iyon sakin may iilaw sa suot kong vest. Iniwasan ko lahat, shifting from side to side.
"Woah. Yan na namang trick na yan?"
Hindi ko siya pinansin, tuloy-tuloy lang ako sa ginagawa ko. Nakita kong nag paputok ang hologram sa likod ko, mabilis akong dumapa at gumulong. Because of that, I gained another step closer sa isa pang hologram na katabi ng kaninang target ko. Well... I think today is my luck day, dahil ng dumapa ako at nagpatama yung hologram sa likod ko. Natamaan niya ang original target ko. Hindi ako nag-aksaya ng panahon, umikot ako at binaril ang nasa likod ko. Then humarap ako sa isa pang hologram at nagsimula na naman ang Wynter's trick. Nang tama na ang distance ko, umikot ako then I give the hologram a flying kick. 3 down. . .1 to go. Tumakbo ako at hinanap ang isa, maya-maya nakita ko na ang isang hologram. Naningkit ang mga mata na tumingin ako sa kinaroroonan ni Kael.
"Kael ang daya mo!"
"Kaya mo yan."
"Hindi ko kaya!" Nasa harap ko si Rain, my darling Rain. Well, a hologram one, but still ang hirap.
"Ayoko, Kael! Baguhin mo yan!" Binago nga ni Kael, this time papa ko naman.
"Sapakin kaya kita Kael? Kay Rain nga hindi ko kaya, papa ko pa kaya?"
"Fine! Fine!"
"No. Do it, this is a good training for you Wynter. Dapat matutunan mong lumaban kahit na ang kalaban mo ay mahalaga sayo."
Si Papa! I pout, kakainis naman eh. I tried the Wynter's trick again, pero hindi ko magawa dahil mas mabilis ang pagpuputok niya ng bala. Tumakbo ako palayo, I can’t do a near shot. Masyadong mabilis, tumakbo ako at nagtago sa isang malaking boulder. Umakyat ako sa itaas, at sinubukan kong barilin ang hologram, but he dodged it. Sa galit ko binato ko yung baril, kaasar eh.
Nanlaki ang mga mata ko sa nakita kong nangyari. Nasabi ko na bang lucky day ko ngayon?
"Wooo! panalo ako!"
"Madaya ka."
"Wala namang usapan na hindi pwede yon." Tumama kasi dun sa hologram ang baril. Dapat pala kanina ko pa ginawa yon. Bumuba na ang glass wall. Lumabas na ako at sinalubong ko si Papa.
"Nakakatulong din pala ang kawalan mo ng pasensya no?"
"Ang haba po kaya ng pasensya ko."
"I'm your father Wynter, alam ko kung gaano kaikli ang pasensya mo. Sa iisang bagay ka lang nagpapasensya, yun ay ang panliligaw mo kay Rain." Narinig kong tumawa si Kael, sumimangot lang ako. Inaya na ako ni Papa na lumabas, may nakita akong lalake na pumasok sa lab nila Kael, napangiti ako.
"Pa, punta muna ako dun ha?" Tatakbo na sana ako kaso hinawakan ni papa ang buhok ko.
"San ka pupunta?"
"Sa darling Rain ko, bye Pa!" Pinigilan ulit ako ni papa, nakasimangot na nilingon ko siya.
"Papa nasa dining hall sigurado si Momma, mamaya makahanap yon ng mas bata at mas yummy sige ka.” Napangiti ako ng kumunot yung noo ni Papa.
"Mas gwapo ako sa mga yon, pero sige pupuntahan ko lang ang momma mo." Kumaway-kaway pa ako at inantay ko siyang makaalis. Pagkatapos ay kumaripas ako ng takbo sa lab ni Kael at Rain.
"Darling!" Napatakip sa tenga si Rain ng bigla akong sumigaw, nakakunot -noong nakatingin siya sakin.
"Ang ingay mo."
"Bestfriend na miss kita!"
"Hindi kita bestfriend."
"Hi boyfriend!"
"Hindi kita girlfriend."
"Ammm, ano na lang?"
"Childhood acquintance." Napasimangot ako, sana kung childhood friend na lang. Ang lupit talaga ng darling ko, pero okay lang.
"Anong ginagawa mo?"
"Ninanamnam ko ang katahimikan, pero dahil nandito ka na. Wala naring saysay yon."
"Sus! Alam ko namang na-miss mo ako ng super."
"Hindi."
"Oo."
"Hindi."
"Oo." Tumalikod na lang siya at kinuha yung tab niya. Dali-daling umupo ako sa harap niya at inagaw yung tab.
"Wala ka bang sariling tab?"
"Meron nandon sa bag ko." itinuro ko pa yung bag sa isang tabi.
"Yun na lang ang gamitin mo."
"Tinatamad akong kunin eh."
"Ang lapit-lapit lang tinatamad ka?"
"Ayoko magsasayang lang ako ng limang steps, kaya dito na lang ako." Binuksan ko yung tab at in-on ko yung tekken. Napabuntong hininga na nakipag-laro sakin si Rain. Talo talaga sa kakulitan ko ang darling ko.
"Rain?"
"O?"
"Tekken ka ba?"
"Hindi."
"Tekken ka ba?"
"Hindi."
"Tekken ka ba?"
Bumuntong hininga ulit siya. "Bakit?"
"Kasi kapag nakikita kita sumisipa ang puso ko, ayieeee!" Nakatingin lang siya sakin, tapos napa-iling.
"Rain?"
"What?"
"Anong english ng mahal kita?"
"Ano pa ba? Eh di I love you." sinundot ko siya sa tagiliran.
"Ayieee! I love you too, darling!" Napanganga siya, mukhang naisip na rin niya na naisahan ko siya. One point for Wynter! Awwwooooo!