Ilang oras na lamang ay malapit ng lumubog ang araw na kanina ay tirik na tirik ang sikat sa kalangitan. Sa hindi malamang dahilan, para bang bang gusto na lamang ni Bisky na magpalamon sa lupa dahil sa hiya na kaniyang nararamdaman. Isama mo pa rito ang malakas na pintig ng kaniyang puso na para bang gusto nang kumawala sa dibdib niya. Samantalang, hindi naman maiwasan ni Bisky na manliit habang pinagmamasdan ang magarang lugar na hindi niya akalain na muli niyang mababalikan. Bakas man ang hiya na kaniyang nararamdaman, pinili na lamang ni Bisky na lakasan ang loob niya sapagkat alam niyang kailangan niyang kausapin ang taong makatutulong sa kanila ng anak niya. Bagamat nag-aalangan pang kumatok si Bisky ay nilakasan na lamang niya ang kaniyang loob. Ilang katok pa ang ginawa niya bago bumukas ang gintong pintuan at iniluwa nito ay si Haibara Sensei. Sa isang iglap lamang kaagad na bumulaga sa kanila ang isang sopistikada na babae na kapansin-pansin ang pagiging marangya nito batay pa lamang sa postura ng pananamit nito. Kagaya nang una, muli na namang nakaramdam ng hiya si Bisky sapagkat sa hitsura pa lang nila, mababakas na ang pagkakaiba ng estado nila sa buhay. Dahil dito, mas lalong nakaramdam ng hiya si Bisky habang nakatitig sa may katandaang babae ngunit kahit ganito mababakas pa rin ang pagkakaiba ng estado nila sa buhay.
"H-Haibara Sensie, magandang araw po." Nag-aalangang bati ni Bisky kay Haibara.
"Masaya akong nakita kang muli, Bisky." Nakangiting sagot naman ni Haibara kay Bisky.
Kaagad na napukaw ang atensyon ni Haibara sa batang si Berry na ngayon ay nakangiti na rin na nakatingin sa gawi nito. Dahil dito, hindi maipaliwanag ang sayang nararamdaman ni Haibara habang nakatitig sa batang si Berry. Samantalang nanatili naman ang alanganing ngiti ni Bisky habang nakatitig kay Haibara na ngayon ay nakikipagkulitan kay Berry. Habang pinagmamasdan niya sina Haibara at Berry hindi mapigilan ni Bisky na makaramdam ng tuwa nang makita niya ang matamis na ngiti ng kaniyang anak na siyang labis niyang ikinatuwa. Kung kaya't ang lahat ng pangamba na kaniyang nararamdaman ay bigla na lamang nawala na parang isang bula dahil sa senaryong nasa harapan niya na para bang ang sarap pagmasdan.
"Lola Ganda, na-miss po kita," masiglang bati ni Berry kay Haibara.
Isang malawak na ngiti muna ang pinakawalan ni Haibara bago sagutin ang batang si Berry. "Na-miss ko rin ang maganda kong apo."
Kasabay naman nito ay ang pagpugpog ng halik ni Haibara sa mukha ng batang si Berry. Dahilan upang mapahagikhik ng tawa ang batang si Berry dahil sa ginawa ni Haibara. Sa pangalawang pagkakataon, muli na namang nakaramdam ng tuwa si Bisky dahil sa hagikhik ng anak niya si Berry. Ang sunod naman niyang ginawa ay pinagmasdan niya si Haibara bago muling kausapin ang taong alam niyang makatutulong sa kanilang mag-ina. Sa isang iglap lamang ay bigla na namang nakaramdam ng hiya si Bisky kay Haibara dahil sa pabor na hihingi niya rito. Bagamat naghahalo ang kaba at hiya ni Bisky mas pinili pa rin niya na sabihin kay Haibara ang sadya niya rito.
"Nakakahiya man pong sabihin pero nandito po ako, Sensei, para kunin sana kahit ang isa kong painting."
"Hindi ba ang sabi ko ay huwag kang mahihiya sa akin. Ano bang gagawin mo sa painting mo?"
Kaagad na napayuko si Bisky habang may malungkot na ngiti ang nakapaskil sa labi niya. Ayaw man niyang ipagbili pero wala na siyang ibang paraan na maisip sapagkat kulang na kulang na ang perang nasa kaniya. Bukod dito, ayaw niya rin na may iba pang makaalam ng hilig niya na dati ay palagi niyang ginagawa. Isama mo pa rito na walang lakas ng loob si Bisky upang ipaalam sa iba ang hilig niya sa pagpipinta.
"Balak ko po sanang ipagbili kay Mr. Roman ang isa kong painting. Matagal na rin akong kinukulit ni Mr. Roman sa painting na 'yon."
"Sigurado ka na ba sa desisyon mo? Aling painting ba ang gusto niyang bilihin?
"Iyong 'Girl In The Rain' po ang nais niyang bilihin." Malungkot na pahayag ni Bisky sa matandang si Haibara.
Dahil sa narinig kaagad na nanlaki ang mata ng matandang si Haibara habang hindi ito makapaniwala na nakatingin kay Bisky. Bukod dito, alam nitong labis na iniingatan ni Bisky ang painting na 'yon. Kung kaya't hindi maiwasan ni Haibara na manghinayang dahil sa narinig nito kay Bisky. Gusto mang tulungan ni Haibara si Bisky, alam nitong hindi siya papayag lalo na't kung pera na ang usapan.
"Sigurado ka na ba diyan, Bisky? Hindi ba't mahalaga sa iyo ang likha mong iyon?"
"Sigurado na po ako, Sensei. Hindi lang naman para sa akin 'to, para na rin ito sa anak ko."
"Talaga bang ayaw mong ipaalam sa kaniya ang sitwasyon mo."
"Hindi na po siguro. Alam naman po natin na labis-labis ang galit niya sa akin. Baka nga isinusumpa na niya ako ngayon." Lumuluhang pahayag ni Bisky sa matandang si Haibara habang may malungkot na ngiti ang nakapaskil sa kaniyang mga labi.
Laking pasasalamat na lamang ni Bisky na abala ang anak niyang si Berry sa panonood ng cartoon. Kung kaya't hindi mapapansin ng anak niya na umiiyak na naman siya. Ilang minuto pa ang tinagal ng pag-uusap nina Haibara bago dinala ng assistant nito ang painting na kailangan ni Bisky. Nang matanggap ni Bisky ang likha na ginawa niya mismo, muling humingi ng pasensiya si Bisky sa matanda dahil sa pag-abala nilang dalawa ng anak niya dito. Bagamat may katandaan na si Haibara hindi pa rin maipagkakaila ang taglay nitong kagandahan. Habang ang mapuputi at makinis nitong kutis na nagpapakita na nagmula ito sa mayamang pamilya. Mababakas din sa mukha ni Haibara ang katarayan ngunit ang totoo ay may bukal itong kalooban.
"Alam ko pong kalabisan na pero maaari po bang iwanan ko muna sa inyo ang anak ko."
"Huwag kang mag-alala ako na muna ang bahala kay Berry."
Kaagad namang nagpaalam si Bisky kay Haibara upang pumunta sa lugar na pinag-usapan nila ni Mr. Roman. Ilang minuto pa ang nakalipas nang makarating si Bisky sa isang kilalang Restaurant sa Manila. Hindi pà nagtagal ay mabilis na kaagad na natanaw ni Bisky ang matandang si Mr. Roman. Sa edad na animnapu't walo, mababakas sa mukha ng matanda ang angkin nitong kagwapuhan ng kabataan nito. Bukod dito, nababalita rin ang matanda na mayroon daw itong kinakatagpo na kabit na siyang labis na usap-usapan sa mundo ng mga mayayaman. Ngunit ang totoo ay wala naman talaga itong babae. Mabilis namang lumapit si Bisky sa gawi ng matanda habang maingat niyang bitbit ang painting na labis na mahalaga sa kaniya. Kaya kahit masakit ay wala na siyang magagawa dahil kailangan na kailangan talaga niya ng pera.
"Good Evening, Mr. Roman. I'm sorry for being late." Nahihiyang pahayag ni Bisky sa matanda.
"It's okay, Ms. Bisky. Ang totoo, nagpapasalamat pa nga ako sa iyo dahil pumayag ka na sa kagustuhan ko."
Isang pilit na ngiti ang nagawa ni Bisky habang pinipigilan niyang lumuha na naman. Dahil aminin man niya o hindi lubos na mahalaga sa kaniya ang painting na 'yon. Kasabay nito ay ang paglapag niya ng parisukat na lalagyan na naglalaman ng isa sa mga likha niya. Ang mga likha niya na isa sa mga naging sandigan niya nang mga panahong nilalamon siya ng kaniyang matinding kalungkutan.
"Heto na po ang painting na nais ninyong bilihin. Kagaya ng usapan natin wala sanang makakaalam nito."
"Don't worry, Ms. Bisky. Your secret is safe with me." Mahinahon at may nagagalak na tonong saad ni Mr. Roman.
Akmang magsasalita na sanang muli si Bisky, nang makita niya ang taong ni minsan ay hindi niya naisip na muli niyang makikita. Nababakas sa mukha nito ang matinding pagkamuhi sa kaniya habang iiling-iling pa na para bang nadidismaya ito. Sa halip na magtagal pa si Bisky sa pakikipag-usap kay Mr. Roman. Mabilis siyang tumayo at kaagad na nagpaalam sa matanda. Mababakas man ang pagkalito sa mukha ng matanda sa biglang pag-alis ni Bisky. Hindi pa rin maiitanggi ang kislap ng saya sa mata ni Mr. Roman dahil pumayag na si Bisky sa kagustuhan nito.
***
Kasalukuyan ng naghihintay ng masasakyan si Bisky ng biglang may tumigil na magarang sasakyan sa harapan niya. Kaagad namang nakaramdam ng inis si Bisky dahil sa antipatikong driver ng magarang sasakyan. Gustuhin mang pagsabihan ni Bisky ang driver ay mas pinili na lamang niya na ikalma ang kaniyang sarili sa halip na makipagtalo pa sa driver ng sasakyan na bigla na lamang tumigil sa harapan niya.
"Ano ba naman 'yan! Paano ako makakasakay kung hinarangan nito ang sakayan ko?" naiinis na pahayag ni Bisky sa kaniyang sarili.
Kahit labag sa kalooban naglakad na lamang si Bisky upang lumipat ng lugar na pag-aabangan niya ng jeep. Kaya lang muli na namang umandar ang magarang sasakyan at tumigil muli sa harapan niya. Akmang kakatukin na sana ni Bisky ang bintana ng magarang sasakyan ng bigla na lamang itong bumukas. Kaagad na bumakas ang takot sa magandang mukha ni Bisky, nang makita niya kung sino ang sakay ng magarang sasakyan. Sa hindi malamang dahilan bigla na lamang siyang nanigas sa kabang nararamdaman.
"Tingnan mo nga naman! Buhay ka pa palang mukhang pera ka!"
Kaagad na nakaramdam ng kirot sa dibdib si Bisky dahil sa masakit na salitang binitawan ng babaeng kaharap niya. Bagamat hindi totoo ang sinasabi ng babaeng nasa harapan niya hindi pa rin maiwasan ni Bisky na hindi malungkot dahil sa kaniyang narinig. Isama mo pa rito ang tensyon na kaniyang nararamdaman dahil sa lalaking nagmamaneho ng magarang sasakyan.
"A-Ate, kumusta ka na?"
"Huwag mo akong matawag-tawag na ate. Wala akong kapatid na mukhang pera at mamamatay tao!"
Dahil sa sinabi ni Thalia mas lalong nasaktan si Bisky. Kung kaya't mas pinili na lamang niyang yumuko, habang pinipigilan niya ang kaniyang pagluha. Bakas naman sa mukha ni Thalia ang pagkatuwa sa nakikita nitong hitsura ni Bisky. Kagaya ni Bisky, mababakas din ang kagandahan ni Thalia. Mula sa mamula-mula nitong labi at matangos nitong ilong na siyang bumagay sa hugis ng mukha nito. Bukod doon, mapapansin din ang maputi nitong balat na hindi nalalayo sa kulay ng balat ni Snow White. Ngunit, kahit gaano kaganda ang mukha nito ay siya namang kabaliktaran ng ugali nito.
"Stop it, Thalia! Huwag mong sayangin ang oras mo sa mga taong sinungaling!" Masungit na sabat naman ni Silver na siyang nagmamaneho ng magarang sasakyan.
"Okay fine, baby," malambing na pahayag ni Thalia kay Silver.
Dahil sa pagkapahiya mabilis na nilisan ni Bisky ang lugar, habang tuloy-tuloy na bumubuhos ang luhang kanina pa niyang pinipigilan. Nang makita ni Thalia na wala na sa harapan nito si Bisky isang matagumpay na ngiti ang pinakawalan nito na para bang nagagalak dahil sa nangyari. Ilang minuto pa ang lumipas bago muling pinaandar ni Silver ang magarang sasakyan upang makaalis na sa lugar, habang nababakas sa mukha ng binata ang pagkaiyamot sa hindi malamang dahilan. Hindi pa nagtatagal ang pagmamaneho ni Silver ng muli na namang itinigil ng binata ang sasakyan.
"Why did you stop the car?" naguguluhang tanong ni Thalia kay Silver.
"Get out!"
"What?"
"Bingi ka ba? Ang sabi ko bumaba ka na!"
Nang mga oras na 'yon kaagad na nalukot ang magandang mukha ni Thalia dahil sa sinabi ni Silver. Tila ba hindi maintindihan ni Thalia kung bakit bigla na lamang itong pinabababa ni Silver. Kung kaya't hindi maiwasan ni Thalia na mainis dahil sa naging pakikitungo ni Silver buhat nang makita nila si Bisky kani-kanina lang.
"Ano bang problema mo, Silver? Ayos pa naman tayo kanina."
"Wala akong problema! Bumaba ka na ngayon din!"
"What? Matitiis mo akong mag-isa sa gitna ng kalye!"
Hindi muna nagsalita si Silver sapagkat tila ba abala ito sa pagtingin sa cellphone nito. Kaagad na nagliwanag ang mukha ni Silver na tila ba may nakita itong maganda sa cellphone nito. Dahil dito, mas lalong nakaramdam ng inis si Thalia dahil sa naging akto ni Silver habang nakatingin pa rin ang binata sa cellphone habang may nakapaskil na kakaibang ngiti sa labi.
"Oo. Bakit naman hindi kita matitiis? Sino ka ba sa akala mo? Stop acting like you're my girlfriend because you're fvcking not! Pasalamat ka na lang at pinasakay kita sa sasakyan ko!"
"Pagsisisihan mo 'to!"
Dahil sa inis ni Thalia padabog itong bumaba sa sasakyan ni Silver. Habang nababakas naman sa labi ni Silver ang kakaiba nitong ngiti. Ngiti na tila ba may nakakatakot itong iniisip. Kung kaya't walang sinayang na oras si Silver at mabilis na nilisan ang lugar habang may kakaibang ngiti pa rin na nakapaskil sa labi ng binata.
Samantalang, nanginginig naman sa lamig si Bisky dahil hanggang ngayon ay naglalakad pa rin siya sa gilid ng kalye. Kasabay nito ay ang bigla pang pagbuhos ng ulan kaya bihira na lamang ang dumaraang sasakyan. Sa hindi malamang dahilan, pakiramdam ni Bisky ay bigla na lamang siyang pinagsakluban ng langit at lupa dahil sa kamalasang sinapit niya. Isama mo pa rito na hindi inaasahan ni Bisky na makikita niya ang lalaking kahit minsan ay hindi niya naisip na makikita niya ito. Dahil dito, pakiramdam ni Bisky ay bigla na lamang bumalik sa kaniya ang pait na dulot ng nakaraan na gusto na niyang makalimutan. Dahil sa basang-basa na siya sa ulan saglit na tumigil si Bisky sa isang saradong tindahan para magpatila sana ng ulan. Ngunit, naisip niya na malabo yatang tumila ang ulan. Sapagkat sa halip na humina ito ay mas lalo pa yata itong lumakas.
Sandali namang napatigil si Bisky sa kaniyang pangangatal dahil sa lamig nang makita niyang may dalawang lasing na tila papalapit sa gawi niya. Nang mga oras na iyon muli na naman siyang nakaramdam ng matinding takot. Tila ba bumalik siya sa nakaraan kung saan nagsimula ang bangungot na matagal na niyang gustong kalimutan.
"Wow naman! Tingnan mo nga naman, Dodong. Kapag sinuswerte ka nga naman."
"Mukhang magiging maganda ang gabi natin, Isko. Mukhang masarap pa naman ang babaeng ito."
"H-Huwag kayong lalapit! Hindi ako natatakot sa inyo!" matapang na pahayag ni Bisky ngunit mababakas pa rin sa boses nito ang takot.
Ngunit tila walang narinig ang dalawang lasing at patuloy pa rin sa paglapit sa gawi ni Bisky. Dahil sa takot na kaniyang nararamdaman tila nanigas siya sa kaniyang kinatatayuan. Hanggang sa mabilis siyang pinagtulungang hawakan ng dalawang lasing sa magkabila niyang kamay. Akmang hahalikan na sana ni Dodong si Bisky sa leeg, nang bigla na lamang tumilapon ng ubod ng lakas ang lasing na lalaki. Samantalang si Isko naman ay namimilipit sa sakit habang hawak-hawak ang tiyan nito dulot ng pagsuntok ng misteryosong lalaki na may suot na maskara. Sa isang iglap lang ay nawala ang lahat ng takot ni Bisky dahil sa taong nasa harapan niya. Sapagkat sa pangalawang pagkakataon muli na naman siyang iniligtas ng misteryosong lalaki na may suot na maskara.
"Did they f*****g hurt you?"
Hindi na nagawa pang sumagot ni Bisky sa tanong ng taong nasa harapan niya, nang bigla na lang siyang nawalan ng malay. Mabilis naman ang naging kilos ng taong nakamaskara at kaagad na sinalo ang nawalan ng malay na si Bisky. Kung kaya't mabilis nitong binuhat si Bisky at isinakay sa sasakyan nito. Kasabay naman nito ay mabilis na pinaandar ng taong nakamaskara ang sasakyan nito upang makaalis sa lugar na 'yon. Sa isang iglap, kaagad na sumilay ang ngiti sa labi ng taong nakamaskara, nang makita ang maamong mukha ni Bisky. Kasabay nito ay ang malambing nitong paghaplos sa mukha ng natutulog na si Bisky.
"Hinding-hindi ka na muling masasaktan, my princess." Mahinang saad ng taong nakasuot ng maskara.
Halos kahalating oras din ang binyahe nila bago marating sa mansyon ni Haibara. Malayo pa lang ay nakatanaw na kaagad ang matandang si Haibara sa paparating na sasakyan. Walang sinayang na oras si Haibara at mabilis na lumabas para salubungin ang taong may suot na maskara. Mababakas naman sa mukha ni Haibara ang matinding pag-aalala at kalituhan dahil sa sinapit ni Bisky na wala pa rin malay.
"What happen to her?" may pag-aalalang tanong ni Haibara.
"She's okay. Nahimatay lang siya dahil sa pagod. Change her clothes immediately," malamig na saad ng taong may suot na maskara.
Kaagad namang pinapasok ni Haibara ang lalaking may suot na maskara, habang buhat pa rin nito ang walang malay na dalaga. Nag-aalala man ay pinili muna ni Haibara na huwag magtanong, sapagkat kailangan muna nilang madala si Bisky sa kwarto upang mas makapagpahinga nang ayos at mapalitan ang basa niyang kasuotan.
"Are you sure she's okay, Akai?"
"She's okay."
"Salamat at hindi mo siya pinabayaan, Akai?"
"It's my duty to protect her. By the way, don't tell her my name. Hindi pa ito ang panahon para makilala niya ako, malamig at may pagbabantang saad ng lalaking nakasuot ng maskara na nagngangalang 'Akai.'
Naguguluhan man si Haibara dahil sa sinabi ni Akai ay mas pinili na lamang nitong manahimik. Laking pasasalamat na lamang ni Haibara na ligtas na sa kapahamakan ang natutulog na si Bisky. Dahil dito, ang lahat ng pangamba ni Haibara ay bigla na lamang nawala na parang isang bula nang malaman nito na ayos na ang kalagayan ni Bisky at ligtas na siya sa kapahamakan.