Chapter 2: Girls Everywhere

1482 Words
Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Silver ng makababa siya ng eroplanong sinasakyan niya. Sa loob ng halos anim na taong pamamalagi niya sa America, kahit minsan ay wala pa ulit siyang sineryosong babae sa buhay niya. Maangas siyang naglakad sa loob ng Airport at ganoon na lamang ang tuwa niya, nang mapansin ng binata na sa kaniya ang tingin ng lahat ng kababaihan. May kasama man o wala hindi makakaligtas sa tingin ni Silver ang pagnanasa sa kaniya ng ilang kababaihan.   "Ang hirap talagang maging gwapo." Iiling-iling na saad ni Silver sa kaniyang sarili.   Habang palinga-linga siya sa paligid mabilis na natanaw ni Silver si Aurora. Bagamat matagal-tagal din silang hindi nagkita hindi niya makakalimutan ang maamo at magandang ngiting nakapaskil sa mukha nito. Mas pang lalong lumapad ang ngiti niya nang makita ni Silver ang anak ng kaniyang kaibigan. Kaagad na napakunot ng noo si Silver, nang makita niyang may kasama pa itong batang babae. Dahil dito, hindi maiwasan ni Silver na maguluhan sapagkat ang pagkakaalam niya ay isa pa lamang ang anak nina Xenon at Aurora. Kung kaya’t mabilis pa sa kidlat na lumapit si Silver sa gawi nina Aurora. Pagkalapit na pagkalapit pa lang niya ay kaagad na siyang dinamba ng yakap ni Gavin, ang anak ng kaibigan niyang si Xenon. Dahil may meeting si Xenon sa bagong investor ng kompanya nito kaya hindi ito nakasama sa pagsundo sa kaniya.   "You're here, ninong pogi. Where's my pasalubong po?" Magalang na tanong ng batang si Gavin habang may malapad na ngiti na nakapaskil sa labi nito.   Isang halakhak muna ang pinakawalan ni Silver bago sagutin ang inaanak niyang si Gavin. "Don't worry, pogi kong inaanak may pasalubong sa iyo si ninong pogi."   Kaagad namang nagtatalon sa tuwa ang batang si Gavin dahil sa sinabi ni Silver. Habang ang batang babae naman na kasama nito ay tahimik lang na nakayuko. Sa hindi malamang dahilan bigla na lamang kumalabog ang puso ni Silver sa hindi niya malamang dahilan. Tila ba gusto niyang yakapin ang batang babae na nakayuko pa rin. Napukaw lamang ang atensyon ni Silver ng tapikin siya sa balikat ni Aurora.   "Long time no see, Silver. Kumusta buhay sa America?" Nakangiti namang tanong ni Aurora habang pinagmamasdan ang kabuuan ni Silver.   "Long time no see, Aurora. Kagaya nang dati magulo pa rin ang buhay ko."   "Bakit kasi hindi ka pa humanap ng mapapangasawa mo?" Akmang magsasalita na sana ulit si Silver ng marinig niya ang sinabi ng batang babae sa inaanak niyang si Gavin. Sa hindi malamang dahilan, natagpuan na lamang ni Silver ang sarili niya na nakangiti habang nakatitig sa batang babae na kausap si Gavin.   "Gavin, 'di ba sabi mo kapag galing ibang bansa palaging may dalang pasalubong?" Pabulong na tanong ng batang babae.   "Oo. Iyon ang sabi sa akin ni ninong pogi. Bakit gusto mo rin ba ng pasalubong?"   "Y-Yes. Kaya lang baka wala siyang dalang doll kasi boy naman siya e!"   Muli na lamang na napangiti si Silver dahil sa kaniyang narinig. Bagamat alam niyang nahihiya pa ang batang babae hindi maipagkakaila na may taglay na kakulitan ang bata. Dahil sa nakasuot ng sumbrero at naka-shades si Silver kaya hindi gaanong pansin ng batang babae ang hitsura niya. Bagamat ganoon ang porma niya hindi pa rin mawawala ang taglay na kagwapuhan ni Silver. Napukaw lamang ang pagtitig ni Silver sa batang babae nang kalabitin siya ni Aurora.   "Ang cute niya 'di ba? She's Berry kaklase siya ni Gavin."   "Nasaan ba ang mommy niya? Bakit kasama ninyo siya?" Takang tanong ni Silver kay Aurora.   "May trabaho pa kasi ang mommy niya kaya ako na muna ang sumundo sa kaniya," paliwanag naman ni Aurora kay Silver.   Kaagad na napakunot ang noo ni Silver dahil sa kaniyang narinig. Dahil kung tutuusin pwede naman na ang daddy nito ang sumundo sa bata. "Nasaan ba ang ama ng batang 'yan? Hindi naman sa ayaw ko siyang kasama nagtataka lang talaga ako."   Magsasalita na sana si Aurora ng biglang sumabat ang batang babae sa kanilang pag-uusap. "Nasa malayong place po kasi daddy ko iyon ang sabi ni mommy ko." Nakayukong usal naman ng batang si Berry sa harapan ng nagtatakang si Silver.   Dahil sa naglalakad sila kaagad na napatigil si Silver dahil sa sinabi ni Berry. Kung kaya't kaagad siyang yumuko sa harapan ni Berry. "Ganoon ba. Kailan ba raw uuwi daddy mo?" Malambing na tanong ni Silver kay Berry.   "Hindi ko po alam e! Basta sabi ni mommy ko matagal pa raw bago dumating si daddy ko." Dahil sa sinabi ng bata kaagad na nakaramdam ng awa si Silver. Sapagkat nakikita niya sa bata na sabik ito sa kalinga ng isang ama. Hanggang sa nagpatuloy na ulit sila sa paglalakad palabas ng Airport. Lulan na sila ng sasakyan ni Aurora pero hanggang ngayon ay malalim pa rin ang iniisip ni Silver. Nang lumingon siya sa likod kita niya ang kasiyahan ng batang si Berry habang kumakain ng binili nila sa Jollibee.   "Thank you po, tita Aurora." Masayang sambitla ni Berry habang abala sa pagkain sa hawak nitong fries.   Sa halip na sumagot si Aurora isang matamis na lamang na ngiti ang isinukli nito sa bata. Dahil sa may meeting pa nga si Xenon sa bago nitong investor naisip nilang doon na muna dumeretso. Samantalang ang batang si Berry naman ay ihahatid na nila sa Coffee Shop malapit sa kompanya ni Xenon. Ayon sa bata roon daw nagta-trabaho ang mommy nito. Kaya sa halip na sa bahay nito ihatid ang bata ay nakiusap sa kanila si Berry na roon na ito ihatid. Pagkahatid na pagkahatid nila kay Berry ay kaagad silang nagtungo sa kompanya ni Xenon. Pagkapasok pa lang nila sa kompanya ay kaagad na narinig ni Silver ang bulungan ng mga empleyadong babae tungkol sa kaniya.   "Shocks! 'Di ba si Silver Dimayuga 'yon?"   "Bumalik na pala siya."   "Totoo kaya ang balitang magpapakasal na siya?"   Lihim na lamang na napatawa si Silver sa kaniyang narinig sa mga babaeng empleyado ni Xenon. Sapagkat sinong mag-aakala na pati naman pagbalik niya sa Pilipinas ay big deal na para sa mga ito. Sa halip na pansinin pa ni Silver ang mga ito, nagpatuloy na lamang siya sa kaniyang paglalakad patungo sa opisina ni Xenon.   Samantalang sa kabilang dako naman, saktong katatapos lang ng oras ng trabaho ni Bisky ay siyang pagdating ng anak nitong si Berry. Malayo pa lang ay tanaw na ni Bisky ang malapad na ngiti ni Berry, habang may bitbit itong pagkain na binili sa Jollibee.   "Mommy ko, may pasalubong po ako sa iyo!" Nakangiting saad ng batang si Berry habang patalon-talon pa ito sa harapan ni Bisky.   "Ang bait naman ng baby ko. Paano ka nga pala nakabili nito?" may pagtatakang tanong ni Bisky sa anak nitong si Berry.   "Bigay po sa akin 'yan ni ninong pogi ni Gavin. Nag-request po kasi ako sa kaniya na bilihan ka rin niya. Mabuti na lang talaga mommy mabait siya kaya lang hindi ko gaanong nakita ang face niya e!" Mahinhin na lamang na napatawa si Bisky dahil sa bibong si Berry. Kung kaya't tila ba nawala ang lahat ng pagod na nararamdaman ni Bisky, nang makita nitong masaya ang anak na si Berry. Mabilis naman nitong binuhat si Berry upang makauwi na sila sa inuupahan nilang tirahan. Habang lulan ang mag-ina sa pampasaherong jeep hindi maiwasan ni Bisky na mapaisip dahil sa nangyari kanina. Dahil hindi akalain ni Bisky na muli nitong makikita ang pamilyang nagparanas ng sakit sa buhay nito. Mabilis namang pinahid ni Bisky ang luhang dumaloy sa mga mata nito upang hindi mapansin ni Berry na malungkot ito. Ilang minuto pa ang nakalipas nang makarating sila sa lugar kung saan sila nangungupahang mag-ina. Malayo pa lang ay natatanaw na ni Bisky na tila nagkakagulo ang mga tao sa paligid. Dahilan upang mapakunot ito ng noo dahil sa nangyayari. Hanggang sa nakita ni Bisky si Aling Bebang na papalapit sa gawi nito habang napupuno ng mga luha ang mata ng matanda.   "Maawa't mahabagin! Mabuti na lang at dumating ka na, Bisky."   "Ano po bang nangyayari, Aling Bebang?"   "Pinapalayas na tayo sa lugar na ito. Gagawin na raw itong Mall sabi nang nagmamay-ari ng lupang ito. Pasensiya na ineng pero kailangan ko nang umalis."   Dahil sa narinig ni Bisky bigla na lamang itong napaiyak dahil sa kamalasang nangyayari sa buhay nilang mag-ina. Akmang pupunta sana si Bisky sa bahay nila upang kumuha ng mga gamit nilang mag-ina ng makita na lamang ni Bisky na unti-unti nang winawasak ang munti nilang tahanan.   "Mommy ko, wala na po tayong house. Saan na po tayo titira?" Umiiyak na tanong ng batang si Berry sa inang lumuluha.   Sa halip na sagutin ni Bisky ang tanong ng anak na si Berry, maingat nitong binuhat ang anak upang puntahan ang taong labis nitong pinagkakatiwalaan. "Mukhang kailangan ko na yatang ibenta ang iba kong painting," piping saad ni Bisky sa sarili kasabay ang malalim nitong pagbuntong-hininga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD