Chapter 1: Mr. Filomeno

1359 Words
Alas-kwarto pa lamang ng madaling araw pero gising na gising na ang diwa ni Silver. Sa edad niyang dalawampu’t siyam, maihahanay si Silver sa isa sa pinakamayaman sa buong Pilipinas kagaya ng kaibigan ng binata na si Xenon Caasi. Bukod dito, hindi rin maipagkakaila ang angking kagwapuhan ni Silver na siyang labis na kinahuhumalingan ng mga kababaihan. Isama mo pa rito ang matangos na ilong, mamula-mulang labi, at namumutok niyang pandesal na aakalain mong isang modelo si Silver. Kung pagmamasdan naman ang mata ni Silver, tila ba magyeyelo ka sa lamig tumingin ng binata. Ngunit, kung pagmamasdan mong mabuti ang mata ng binata, hindi maipagkakaila ang lungkot na nakakubli rito. Nang matapos magbihis ni Silver, mabilis niyang nilisan ang kaniyang penthouse upang magtungo sa lugar na tagpuan nila ng kaibigang si Xenon.   Kung kaya’t walang sinayang na oras si Silver at kaagad na pinaharurot ang sasakyan niya na akala mo’y nasa isang karera ang binata sa bilis ng pagpapatakbo niya. Hindi pa nagtagal ay nakarating na si Silver sa E-Hotel na pagmamay-ari pa niya mismo. Hindi na nagsayang pa ng oras si Silver at kaagad na nagtungo sa palapag kung saan naghihintay sa kaniya si Xenon. Pagkabukas na pagkabukas pa lamang ni Silver ng kwarto na may numerong 204, kaagad na bumungad sa mukha ng binata ang inip na inip na si Xenon na tahimik lamang na nakaupo habang humihithit ito ng sigarilyo.   “Dumating ka pa!” inis na bungad ni Xenon.   “Chill, Xenon! Pasalamat ka pa nga dumating pa ako,” may pang-aasar na sagot naman ni Silver kay Xenon.   Sa halip na magtalo pa ang magkaibigan mabilis nilang inayos ang mga armas na gagamitin nila mamaya para sa kanilang misyon. Hindi pa nagtagal ay nilisan na nina Silver at Xenon ang lugar upang maisagawa na nila ang misyon nila na pinagplanuhan pa talaga nilang mabuti. Bukod dito, hindi na rin makapaghintay pa si Silver na turuan ng leksyon ang taong puntirya nila ni Xenon.   “Sino bang target natin ngayon?” Mahinang tanong ni Xenon habang naglalakad sila patungo sa elevator.   “Si Mr. Filomeno, singkwenta’y singko, isang drug lord,” nababagot na sagot ni Silver kay Xenon.   Hindi pa nagtagal ay nakarating na sila sa rooftop ng pagmamay-ari niyang hotel. Wala namang pagdadalawang-isip na isinaayos nina Silver at Xenon ang sniper gun na gagamitin nila para kay Mr. Filomeno. Kasabay naman nito ay ang pagsilay ng ngisi sa labi ni Silver na para bang may naiisip na namang plano ang binata.   “Ako ba ang babaril sa kaniya o ikaw na?” tamad na tanong pa ni Xenon kay Silver. “Ako na! Hindi ko pa nakalilimutan ang atraso ng matandang ‘yan sa akin!’   Wala namang nagawa si Xenon kung ‘di ang hayaan na lamang si Silver sa kagustuhan niya. Samantalang wala namang pag-aalinlangan na dumapa si Silver upang sipatin sa sniper gun ang taong misyon nila. Bagamat, malayo ang pwesto nila kung saan naroon ang matanda, malinaw na malinaw pa rin itong natatanaw ni Silver. Mahina na lamang na napailing si Silver nang matanaw niya na may kasamang babae si Mr. Filomeno na double ang edad sa tanda nito. Akmang kakalabitin na sana ni Silver ang gatilyo ng sniper gun nang may makita ang binata na pamilyar na pamilyar sa kaniya. Sa halip na ipagpatuloy ang gagawin niya, mabilis na tumayo si Silver at isinuot ang maskarang nakasabit sa gilid ng beywang niya.   “Akala ko ba ikaw ang papatay kay Mr. Filomeno?” naguguluhang tanong ni Xenon.   “May nakita akong asungot sa lugar. Ikaw na ang bahala sa misyon natin, aalisin ko lang sa lugar na ‘yon ang asungot na nakita ko.”   Hindi na hinintay pa ni Silver ang sagot ni Xenon at mabilis na tumalon ang binata sa mataas na gusali kung saan nila tinatanaw si Mr. Filomeno. Gamit ang parachute, nakangising nagpalutang-lutang sa ere si Silver na para bang hindi man lang kababakasan ng takot ang gwapo niyang mukha.   ---   Sa kabilang dako, kanina pang nakararamdam ng pagod si Bisky sa walang katapusang trabaho nito. Sa edad na dalawampu’t lima, mas pinili na lamang ni Bisky Freecs na mamuhay mag-isa. Dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nakalilimutan ni Bisky ang mapait na sinapit nito sa nakaraan. Akmang papalapit na sana si Bisky sa gawi ni Mr. Filomeno upang ibigay ang order ng matanda, nang magulat na lamang ito dahil sa taong bigla na lamang sumulpot at walang pag-aatubiling binuhat na parang sako ang dalaga. Kasabay naman nito ay ang pagkakagulo sa loob ng restaurant na pinagtatrabahuhan ni Bisky.   “W-Who are you? Saan mo ba ako dadalhin?” nahihintakutang tanong ni Bisky.   “You don’t need to know! Just shut your mouth and listen to me!”   Sa kalituhan ni Bisky, hindi nito namamalayan na nakalabas na pala sila sa lugar na pinagtatrabahuhan nito. Samantalang wala namang tigil ang kaguluhang nangyayari sa lugar na kanina lamang ay nababalutan ng katahimikan. Dahil dito, hindi maiwasan ni Bisky na hindi makaramdam ng takot dahil sa gulong nangyayari sa pinagtatrabahuhan nito.   “Sino ka ba? Bakit mo ako iniligtas?” muli pang tanong ni Bisky.   “Hindi mo na kailangang malaman kung sino ako. Ang mahalaga ay buhay ka ngayon dahil sa tulong ko!”   Dahil sa narinig na sagot ng lalaki, kaagad na malungkot na napangiti si Bisky habang nakahawak sa naninikip nitong dibdib. Gusto mang malaman ni Bisky kung sino ang lalaking nagligtas dito, ngunit malabong malaman ito ng dalaga dahil sa nakasuot ng maskara ang binatang nagligtas dito. Isama mo pa rito na gumagamit ng voice changer ang taong nagligtas sa dalaga na siyang dahilan upang mas lalong mawalan ng pag-asa si Bisky na makilala ang taong nagligtas dito. Sa halip na bumalik pa sa trabaho nito si Bisky nagpasiya na lamang ang dalaga na umuwi sapagkat may sunod pa itong trabaho. Nababakas man ang matinding pagod sa mukha ni Bisky hindi maipagkakaila ang angking kagandahan ng dalaga na siyang hinahangan ng iba nitong katrabaho.   Kapansin-pansin din kay Bisky ang matangos nitong ilong habang ang mala-niyebeng kutis naman ng dalaga ay tila kumikislap kapag nasisinagan ito ng araw. Dahil sa malalim na iniisip ni Bisky hindi nito namamalayan na nakaalis na pala ang lalaking nagligtas dito. May pagod mang nararamdaman may ngiti sa labi na nilisan ni Bisky ang lugar at nagtungo pauwi sa bahay nito.   Samantalang wala namang paglagyan ang ngiti sa labi ni Silver dahil sa nagtagumpay sila sa misyon nila ni Xenon. Nang masiguro ni Silver na ligtas na ang babaeng basta na lamang niya binuhat, walang sinayang na oras ang binata at kaagad na nagtungo sa lugar na pinag-iwanan niya kay Xenon. Malayo pa lamang ay natatanaw na ni Silver si Xenon sa labas ng gusali habang may bitbit itong malaki at itim na bag na naglalaman ng sniper gun na ginamit nila sa pagpatay kay Mr. Filomeno.   “Mukhang ito na ang huling araw na makakasama kita sa ganitong uri ng trabaho.” Pakamot-kamot sa ulo na litanya ni Silver kay Xenon.   “Ayoko lang mapahamak ang mapapangasawa ko.”   “From now on, I will call you, my UNDERstanding best friend. Huwag kang mag-alala, Xenon, ako na ang bahala sa organisasyon natin. Ipangako mo lang na hindi mo sasaktan si Aurora.” Nakangising saad ni Silver sa kaibigang si Xenon.   “Huwag kang mag-alala, Silver, wala akong balak na saktan si Aurora.”   Isang tango na lamang ang nagawa ni Silver bago magpaalam kay Xenon. Bago sila tuluyang maghiwalay ng landas, isang maliit na flash drive ang ibinigay ni Xenon kay Silver. Wala namang pagdadalawang-isip na tinanggap ito ni Silver sapagkat kahit walang sabihin sa kaniya si Xenon, alam ng binata na naglalaman ng mahahalagang dokumento ang flash drive kagaya na lamang ng mga pangalan ng mga taong sangkot sa ilegal na gawain. Bukod dito, nakalagay rin sa flash drive ang lahat ng ilegal na transakyon ni Mr. Filomeno patungkol sa lahat ng mga kadalagahang bigla na lamang nawawala na parang isang bula upang gawing alila ng mga mayayamang tao na may halang na kaluluwa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD