bc

I LOVE YOU MY FAKE WIFE (Tagalog)

book_age18+
20.1K
FOLLOW
93.6K
READ
billionaire
love-triangle
possessive
sex
drama
twisted
office/work place
betrayal
cheating
seductive
like
intro-logo
Blurb

BAHAGYANG natulala si Allezandrie sa sinabi ng lalaki na may amnesia siya. Napahawak siyang bigla sa kaniyang ulo dahil sumakit ito nang ipilit niyang isipin ang buong pangyayari.

"I know na wala akong amnesia. Pero sino si Allezandra? Bakit niya ako napagkamalang asawa niya? At magkahawig ang aming pangalan," mga tanong ni Allezandrie andrie sa kaniyang isip.

Lumaki ang mga mata ni Allezandrie nang makita niya ang picture.

"Ako ang nasa larawan?Paano nangyari na ako ito?" piping tanong niya sa sarili. Parang gusto na niyang maniwala na may amnesia nga siya.

Matuklasan kaya ni Symon na ang babaeng kaniyang kaharap ay, hindi ang totoo niyang pangalan?

chap-preview
Free preview
Episode 1- Wedding Symond & Allezandra
SIMULA "MABABANGGA TAYO!" sigaw ng bus driver. Ang kasunod noon ay ang daing ng mga pasaherong sugatan. "Boy, ang mga anak natin. Boy, gumising ka!" sambit ng isang inang sugatan at kandong ang isang sanggol na kakasilang pa lamang. "Lumabas na kayo diyan... sasabok na ang bus!" sigawan ng mga tao sa labas. "Halika na, Mrs.! Bilisan mo!" Boses ng isang babae na tumulong kay Evelyn. "Sandali ang asawa ko!" aniya sa mahinang boses. "Hon, bilisan mo!" tawag ni Neal na inalalayan ang nobya niya na si Janilla, upang makalabas mula sa loob ng bus. Bago pa man sila nakalabas ay narinig nila ang iyak ng sanggol. "Hon, may bata, hanapin mo!" utos ni Janilla sa nobyo. Patuloy ang iyak ng sanggol kaya agad itong nakita ni Neal. Yakap-yakap ito ng kaniyang ama na walang malay. Kinuha niya ang sanggol at sinubukan niyang sakluluhan ang ama ng sanggol. “Brad, gising!” yugyog niya rito. "Bilisan ninyo! Lumabas na kayo..." sigaw ng isang lalaki. "Hon—Hon, halika na! Bilisan mo." Sigaw ni Janilla at nagmadali naman ang nobyo sa paglabas at karga ni Neal ang sanggol, ngunit naiwan ang ama nito. At hindi niya alam kung buhay pa ba ang lalaki. Sumabog ang bus at tamang-tama namang nakalayo na si Neal. Maraming pasahero ang sugatan at dinala ito sa iba-ibang hospital. Sinubukan nilang hanapin ang ina ng sanggol ngunit hindi nila ito mahagilap Ilang minuto rin silang naghahanap subalit bigo ang mga ito. Dahil walang inang nag-claim sa sanggol kaya dinala nila ito sa hospital. Upang masuri ang kalagayan nito. Nang matanto nilang okay ang sanggol at walang injury. Isinama nila ito at sinubukan na hanapin sa loob ng hospital ang ina nito. Dahil hindi nila mahanap ay nagpasya na lamang silang umuwi at dinala nila ang sanggol sa kanilang bahay. "Hon, ampunin na lang natin itong bata," sabi ni Janilla. "Kung 'yan ang gusto mo ay okay lang naman sa akin. Pero paano ang tunay niyanag ina?" "Kung may maghahanap ay isasauli natin," tugon ni Janilla. "Kawawa ka naman, baby. Buti na lang super hero ang Papa Neal mo at iniligtas ka niya," sabi ni Janilla sa sanggol. "Tingnan mo, hon. Mayroong pangalan ang lampin niya. 'Allezandrie'. Wow! Ang ganda ng pangalan niya," masayang sabi ni Janilla. "Oo nga, kasing ganda niya ang pangalan. Zandrie, simula ngayon ay kami na ang iyong Mommy at Daddy, ha. Mamahalin ka namin bilang tunay mong mga magulang,” turan ni Nael. TWENTY-FIVE YEARS LATER "Baby, gusto kong magpakasal na tayo." Proposal ni Symond sa kaniyang nobya. "What?! Pero masyado pang maaga. Limang buwan pa lang tayo na mag-on. Gusto ko pang i-enjoy ang life na single." "Puwede mo namang gawin ang gusto mo kahit mag-asawa na tayo. Kaya kong ibigay ang lahat ng luho mo," pahayag ni Symond. Isang businessman ang lalaki at may sariling mga negosyo. Nag-iisang tagapagmana ni Mrs. Marites Cliff. "Tama! Kaya niyang maibigay ang lahat at hindi ko na kailangang magpakapagod sa aking trabaho bilang assistance secretary. Pero, paano na si Peter? Ah... bahala na! Siguro naman ay maintindihan niya ako," bulong niya sa kaniyang isip. "Baby, papayag ka ba?" Pag-uulit ni Symond. "Sige, papayag ako pero sa isang condition." "Anong condition ang gusto mo, baby?" "Ibigay mo sa akin ang lahat kong gusto." "Walang problema, baby. Thank you so much. I love you, baby." Masayang niyakap ni Symond ang nobya. Ngunit si Allezandra ay walang tugon sa kaniyang sinasabi. Ang plano ni Symond na kasal ay agad niyang sinabi sa kaniyang ina. "Are you sure that woman? Baka puwedeng kilalanin mo muna siyang maigi. Limang buwan pa lang kayo, Symond. Baka naman pabayaan ka lang niyan," sabi ng kaniyang ina. "Mom, my decision is final. Sigurado na ako sa kaniya, I know we love each other and she take good care of me." "Well. Kung 'yan na talaga ang desisyon mo ay wala na akong magagawa. At suportahan kita anak." "Thank you so much, Ma." Agad silang nagpa-schedule para sa kasal. Konti lang ang imbitado ngunit napakabongga nito. Ang pagpapakasal ni Allezandra ay inilihim niya sa kaniyang inang si Evelyn. At sa kaniyang nobyo na si Peter. Sumapit ang araw ng kanilang kasal. Na ang tanging tumayong ina ni Allezandra ay ang may-ari ng apartment na kaniyang tinitirhan. "I, SYMOND CLIFF, promise to love and support you Allezandra and live each day with kindness, understanding, truth, humor, and passion. With this ring I thee wed." "I, ALLEZANDRA NOVA, promise to love and support you SYMOND and live each day with kindness, understanding, truth, humor, and passion. With this ring I thee wed." "Now, I will pronounce you husband and wife. Puwede mo ng halikan ang iyong asawa," utos ng pari matapos niyang mabasbasan ang bagong kasal. Ito ang sumpaan ni Symond at Allezandra sa araw ng kanilang pag-iisang dibdib. Sobrang mahal ni Symond ang kaniyang asawa. Ngunit si Allezandra ay nagpapakasal lang kay Symond, dahil sa yaman nito. KAKAPASOK lang nila sa isang kuwarto ng 'Five Star Hotel'. Para sa kanilang honeymoon. "Masaya ka ba, baby?" tanong ni Symond sa asawa. "Oo naman, babb," tugon ni Allezandra. Ngunit napipilitan lang itong ngumiti. Dahil ang totoo ay lumilipad ang kaniyang isip. Sapagkat nakonsensiya siya sa ginawa niyang pagtataksil kay Peter. Dahil nakatakda na rin ang kanilang kasal sa probinsiya. "Hindi bali, Peter. Malaya pa rin naman tayong magpapakasal. Sa ngayon ay magpakasasa muna ako sa pera ni Symond," piping sabi ni Allezandra sa kaniyang sarili. "Cheers... baby," he said sabay abot niya sa isang basong red wine." "Cheers!" tugon ni Allezanda. Nang maubos ni Symond ang isang basong wine ay nagpaalam na ito para maligo. Tama namang nakapasok ang lalaki sa banyo ay tumawag si Peter. "Mahal, kahapon pa ako panay tawag sa'yo, hindi mo sinasagot," boses ni Peter sa kabilang linya. "Sorry, mahal. Naiwan ko kasi ang phone sa opisina." Pagsisinungaling niya sa nobyo. "Ganoon ba? Kumusta ka naman diyan?" tanong ni Peter. "Okay lang naman, mahal. Medyo stress lang sa trabaho," tugon niya. "Mag-iingat ka diyan, mahal. At huwag masyadong magpapagod. 'Yung gown mo pala ay tapos na, pati 'yung mga invitation. Sabi pala ni, Mama Evelyn ipamimigay na lang ito," pahayag ni Peter. Agad namang kinabahan si Allezandra, nang marinig niya ang mga iyon. "S-sige, mahal. Ikaw na ang bahala diyan," aniya. "Okay, mahal. Mag-iingat ka diyan, ha. I love you!" saad ni Peter. "I love you too, mahal. Bye na, kasi kakain pa ako." Paalam ni Allezandra. Pagkatapos nilang mag-usap ay dali-dali niyang ini-off ang kaniyang phone. "Baby, I'm done," sambit ni Symond nang makalabas siya ng banyo. "Okay, baby. Mag-shower lang ako." "Bilisan mo, ha." Humiga si Symond sa kama at nanonood ng balita habang hinihintay na lumabas ang asawa. Nang lumabas si Allezandra ay naka-nighties na ito. Napalunok naman siya nang makita niya ang katawan nito. "You're so beautiful, baby," aniya rito. Agad niyang pinahiga si Allezandra at tinitigan nang mabuti. "I love you, baby," Symond said, sabay halik sa asawa. "I-I love you too, baby," kinabahan niyang tugon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Falling for the Billionaire's Son: Dominic Ace Delavega

read
291.8K
bc

ZACH HOFFMAN

read
225.5K
bc

Mister Billionaire's Secret Wife [Tagalog/Filipino]

read
5.1M
bc

My Secret Agent's Mate

read
115.1K
bc

My Cold Husband(Tagalog)

read
852.5K
bc

SILENCE

read
381.2K
bc

MELISSE: The broken wife ( TAGALOG) (Completed)

read
216.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook