Maingat silang pumapasok sa loob ng bahay at binuksan ang mga kuwarto ngunit wala doon. Nagsenyas si Mr. Guitche na sa underground. Sinubukan na buksan ni SPO2. Tugasin ang pinto ngunit naka-lock ito. Kaya nisisiguro nila na nasa loob ang mga ito. Ibinigay ni Mr. Guitche ang susi at maingat niya itong ginamit. Dahil sa malakas na pagbukas ng pinto ay nagising si Frexx at dali-daling kinapa ang kaniyang baril. "Huwag kang kikilos!" singhal ni SPO2. Tugasin. "Zandra! bulalas ni Peter at awang-awa siya sa asawa. "Peter!" Agad bumaha ang mga luha niya ng makita ang asawa. "Jesus!"Halos hindi makapaniwala si Mr. Guitche sa nagawa ng kaniyang anak. Dali-dali nitong hinubad ang jacket at inabot kay Peter. "Tanggalin n'yo ang posas!" tarantang utos ni Peter, dahil pulang-pula na ang
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


