"Sumabay na kayo sa amin," alok ni Symond sa mag-asawa. "Pasensya na tinanghali kami ng gising. Grabe nalasing ako," napailing na sabi ni Peter. "Ikaw lang ba? Ayan, oh!" Sabay turo ng nguso ni Zandrie. "Kung hindi ko ginising hindi pa iyan babangon!" dagdag pa nito. Tumawa si Symond at bahagyang napatingin sa mag-asawa paglingon niya kay Zandra ay agad niyang nakita ang malaking pula sa leeg nito. "Zandra," sambit niya rito at itinuro ang nasa kaniyang leeg. "Nagtaka naman siya kung ano ang tinutukoy ng dati niyang katipan. Humarap siya siya sa asawa. "Anong meron, mahal?" "s**t!" Napakit si Peter ng kaniyang mata at bahagyang humawak sa kaniyang buhok. Na tila nahihiya ito sa kaniyang nagawa. "Ano ba iyan?" Lumapit si Zandrie at tiningnan ang leeg ng kaniyang kakambal. Nap

