TEASER

297 Words
“Wala kang naintindihan sa mga sinabi ko, Miss Alvarez,” alingawngaw ng baritonong tinig ni Felipe habang pinagmamasdan niya ang brandy na nasa kanyang baso. “Simula sa araw na ‘to, pagmamay-ari na kita. Buhay mo, puso mo, kaluluwa mo, pati na rin katawan mo. Kaya naman susundin mo lahat ng utos ko hanggang sa mawalan ako ng interes sa’yo. Intiendes?” Matalim ang tingin na nilingon ni Mira ang lalaki. “Excuse me ho, Mr. Del Castillo, pero binili n’yo lang ang mga painting na may mukha ‘ko, pero hindi ako kasama sa nabayaran n’yo—” Sarkastikong tumawa si Felipe. Tumayo. Nilapag niya ang kopita sa side table bago naglakad papalapit sa kanya. Awtomatikong napaatras si Mira. Ngunit ang pagpapakita n’ya ng takot ay tila ikinasiya pa ng lalaki. “Mr. Del Castillo—” “Mira Alvarez, para sa isang matalino at madiskarteng babae, hindi ko inasahan na may pagka-dungo ka,” tudyo nito. “‘Yong limang milyon na pinadala sa ‘yo ng pintor na ‘yon ay paunang bayad pa lang. Iba pa ang komisyon n’ya, at mas lalong iba pa ang makukuha mo kung susunod ka—” “Pasensiya ka na rin, Mr. Del Castillo, pero ang pintor na ‘yon e nobyo ko.” Pilit na itinago ni Mira ang panginginig ng kanyang katawan. “Hinding-hindi ako kayang ibenta ni Arthur—” “Oh?” Humagalpak ng tawa si Felipe bago siya tinitigan, mata sa mata. Napalunok si Mira. Wala ‘ni gasinong awa ang naaaninag niya sa mga mata nito. Marahan siyang hinawakan nito sa baba para salubungin ang kanyang mga titig. “Gusto mo ba na tawagan ko siya para siya na mismo ang magsabi sa’yo na pinagbili ka na n’ya?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD