CHAPTER 2

1701 Words
“Nako. Aiko ikaw na ba ‘yan?” Palihim akong napangiwi nang ‘yon agad ang salubong sakin ni Tita mismong pagkapasok namin ng gate. Napunta tuloy sa amin ang atensyon ng lahat ng bisitang nasa loob ‘Parang last month lang naman ang huling pagkikita namin ah?’ takang tanong ko sa isip. “Kiss ka kay tita mo” may babalang bulong ni Mama at mahina pa akong tinulak kaya kakamot-kamot na sinalubong ko si Tita at hinalikan sa pisngi.  “Happy fiesta Tita” Akward na sabi ko habang plastado pa rin ang pekeng ngiti sa labi ko. Mygosh. Pinaka ayaw ko talaga sa lahat ang pumunta sa mga parties lalong lalo na kung family events.Tsaka kapag fiesta ba gini-greet pa? Diba hindi naman? Parang gusto ko tuloy mapatampal sa sinabi ko.  “Aber patingin nga” Napatayo ako ng tuwid nang suyurin niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Hindi pa nakuntento at pinaikot niya pa ako. Parang gusto ko na lang umuwi nang mapansing nakisuyod din ng tingin ang mga bisita na nanghahaba ang leeg kakasilip mula sa loob.  “Aba! Mukhang gumaganda ka lalo ah. Dalagang-dalaga na ang unica hija mo Melinda! Hindi mo alam mayamaya may boyprend na ‘to” Napakagat ako ng labi para pigilan ang sariling ngumiti ng malapad at nahihiyang inipit ang buhok sa likod ng tenga.  ‘Sana sinabi mo na kanina pa Tita. ‘Yon lang naman pala eh. Maliit na bagay.' “Nako si Tita. Binola pa ako. Eto po pala ang salad oh” Kimeng sabi ko at nahihiyang nagbaba ng tingin habang inaabot sa kaniya ang dala naming salad. Malapad ang ngiting inabot naman ‘yon ni Tita “Wow! Ikaw ba gumawa nito Aiko? Mukhang masarap ah” giliw na sabi niya at binigay ‘yon sa katulong. “Ah. Si Mama po” narinig ko naman ang mahinang tawa ni Toby kaya nilingon ko siya at sinamaan ng tingin.  “Ganda yern?” Nang-aasar na bulong niya nang tumapat sakin at dumeretso na sa loob ng bahay pagkatapos bumeso kay Tita.   “Aiko, pakidala muna ng bag ko” Utos sakin ni Mama at inabot ang bag niyang pwedeng dalhin pang camping. Paano ba naman kasi. Sobrang laki niyon tapos ang ibang laman hindi naman kailangan. Minsan nagugulat na lang ako sa mga laman at kung paano niya napagkasya ang lahat ng iyon.  Napamura ako sa isip nang inabot ko ang bag niya at muntik nang bumagsak iyon sa sahig dahil sa bigat. Mukhang mas mabigat pa yata ang bag ni Mama kesa sa timbang ko. Patpatin kasi ako. Mabuti na lang at bumawi sa height ko na 5’4. Pinagpapawisang nagtaas ako ng tingin para tingnan kung nakita ba iyon ni Mama. Alam mo naman ang mga nanay, mas mahal pa nila ang mga tupperware at gamit nila kesa sa sarili nilang anak.  Nakahinga naman ako ng maluwag nang makita ko siyang busy sa pagtingin ng mga bagong halaman ni Tita na fini-flex nito. “Asan na pala si Carlo?” Rinig kong tanong ni Tita bago ako tuluyang makapasok sa bahay.  “Ah. Nasa trabaho. Try niya lang daw sumunod mamayang gabi”  Carlo is my stepdad.  Toby is my step-brother kay Papa Carlo. Matagal na din noong naging sila ni Mama at kinasal sila. Almost 8 years na yata? Kaya naging close na rin kami kahit papaano ni Toby kahit hindi halata dahil kinalakihan na namin ang isa’t isa. My dad died when I was 4 years old. He was a Japanese whom Mama met when she was working in Japan. Ilang beses ko nang narinig ang love story nina Mama at Papa pero every time ay nagpapa-kwento pa rin ako kay Mama. You see. Despite the many love stories that I read, theirs is my favorite.  They were each other’s first love. They met when mom was working in Japan. Mama is a nurse and dad was once her patient. He suffered a head injury and was unable to use his feet after a huge traffic accident. All throughout Mama was there to provide all the care that he needed and eventually he was able to recover. Soon after he was discharged from the hospital, he came back with a bouquet of flowers and a new set of stethoscopes instead of chocolates in his hand.  “Mahirap” kung si Mama pa ang tatanungin dahil unang-una ay magkaiba ang lenggwahe nila pero imbis na panghinaan ng loob ay nag-aral si Papa ng english para magkausap sila ng maayos ni Mama. Dad was really patient, understanding and loving kung kaya naman nahulog sa kanya ang pakipot na si Mama. Finally they had me. Their little bundle of joy. Everything was going smooth. Not until they found out that there’s a hemorrhage that developed in dad’s brain due to the accident years before. And that was it.  “Huy! Tulala ka diyan” ilang beses akong napakurap when Mama snapped her fingers twice in front of me. Doon ko lang napansin na nandito na pala ako sa kusina at kaharap si Mama. “Ay. Anong ginagawa ko dito?” sabog na tanong ko nang napagtanto ang pangyayari. Naiiling na binuksan ni Mama ang ref at naglabas ng coke.  “Alam kong ayaw mong makihalubilo lalung-lalo na sa mga party at kasama pa ang pamilya natin” panimula ng Mama na hindi ko naman masyadongz marinig dahil pinupulpog niya ang ice sa dingding “Ano po?” nagkusa nalamang akon lumapit sa tabi niya para mas marinig ko siya ng maayos.  “Alam kong mas gusto mong tumambay na lang sa kwarto mo at magbasa buong araw ng pocketbook. Pero ‘nak kahit ngayon lang subukan mo rin mag-enjoy kasama mga pinsan mo. Kailangan mo rin ‘yan. Diba kukuha ka ng BSN? Paano mo aalagaan ng maayos pasyente mo kung hindi ka marunong makihalubilo? Diba?” tahimik lang akong nakikinig kay Mama.  Ngayon lang namin napag-usapan ang ganitong bagay dahil kung hindi sigawan ay away ang ginagawa namin. Hindi ko rin alam pero kahit turning 17 years old na ako ay feel ko talaga ay bata pa ako. Hindi ko nga masikmura na tinatawag ako na ate ng mga mas nakakabata sakin which by the way mas magaling pang mag-ayos ng sarili kesa sakin.  For sure ganoon din ang tingin sa'kin ni Mama.  Dahan dahan akong tumango nang napagtanto kong tama ang sinabi ni Mama “I’ll try” tipid na sabi ko.  “You’ll make a good nurse ‘nak” malambing na sabi ni Mama at mahinang tinapik ang balikat ko habang nakangiti. Hindi ko tuloy maiwasang makaramdam ng init sa kaloob-looban ko dahil sa sinabi niya. Ito lang yung unang beses na naramdaman ko na ‘finally eto na talaga. Adulting stage na talaga’ lalung-lalo na sa paraan kung paano ako kausapin ni Mama.  “May senior high school pa po” natatawang paalala ko sa kanya.  “Parang college ka na rin naman niyan. Anyways I heard hindi naman ganoon kahirap kaya i-enjoy mo muna ang dalawang taon mo sa senior high school bago ka mag seryoso sa college. Yun yung importante” kibit balikat na sagot niya at tinungga ang isang baso ng coke. Naks. Pro lasenggera talaga si Mama. Naalala ko tuloy kwento ni Auntie Krizel na araw-araw daw tumatagay si Mama noong kamamatay lang ni Papa.  She must really felt so broken.  “KAINAN NA!” malakas na sigaw ni Tita na naging hudyat samin ni Mama na lumabas na ng kusina.  Kasalukuyan akong kumakain sa terrace kasama ang mga pamangkin ko at ilang bisita nang biglang nang-aya si Tita ng karaoke at nilabas ang karaoke machine niyang makintab pa dahil bagong bili. Hindi naman halatang gusto niyang i-flex no? “GG na. Naglabas na ng karaoke” naiiling na komento ni Ashley na pinsan ko habang nginunguya ang spaghetti.  “Bilisan niyo nang kumain para makaalis tayo dito!” natatarantang sabi ni Nate at sunod-sunod na inilalagay sa loob ng baba ang natitirang tatlong lumpia sa plato niya. Parang sinelaban naman ang pwet ko nang mapansin na madami pang pagkain ang natira sa plato ko. “Huy teka lang hintayin niyo ko! Tulungan niyo ako dito!” desperadong sabi ko at nilagay sa plato nila ang ilang siomai at cheese stick.  “OI ANO YAN WAG KANG MADAYA!”  “AYOKO NA BUSOG NA AKO!”  Magkapanabay nilang reklamo habang sinusubukang ilayo ang plato nila sakin. “Dali na konti lang” pagpupumilit ko.  “Aiko! My bery beautiful niece. Why don’t you come here and sing for us?” parang pinagbagsakan ako nang marinig ko ang pangalan kong tinawag ni Tita. Malademonyo naman ang ngiti sa labi ng dalawa kong pinsan at nakicheer pa.  “Nako Tita. Kumakain pa po ako” pagrarason ko.  “Pwede mo namang balikan ‘yan. Halikana” pagpupumilit pa rin niya. Parang gusto ko tuloy umiyak at magwalk out pero nakasalubong ko ang tingin si Mama at pinanlakihan niya ako ng mata.  “Sino ang gustong marinig si Aiko na kumanta?!” bibong dagdag pa ni Tita na kinuntsaba pa talaga ang mga bisita na nakicheer na rin. Napangiwi ako nang mapansin na may iilang tambay sa labas na nakasilip na rin samin sa loob. Mas mataas kasi ang daan sa labas kumpara dito sa loob at hindi rin ganoon kataas ang bakod nina Tita kaya kitang-kita talaga kami sa loob.  “Ay ayaw pala ah” natigilan ang lahat nang bumunot si tita sa bulsa niya at itinaas ang 500 “Oh eto payb hundred ayaw pa rin?” walang pagdadalawang-isip akong tumayo na ikinangiti ni Tita. Naiiling naman si Mama sa gilid at alam ko kung bakit.  Malapad ang ngiting inabot ko ang 500 at ang mic mula kay Tita habang sa isip ko naman ay iniisa-isa ko na ang pocketbooks na sunod ko namang bibilhin.  I love family reunion! -- ✘ R E A D ✘ ✘ C O M M E N T ✘ ✘ F O L L O W M E ✘
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD