CHAPTER 3

1934 Words
“Wow” manghang bulalas ko habang nasa harap ako ng gate ng school. Hindi naman ito ang first ko na makapunta dito kasi nung nag apply ako ay kasama ko si Mama nun. Besides walang masyadong tao that time kasi summer break. This time ay punong puno na ng estudyanteng labas pasok sa gate tapos may mga banner na rin to welcome new students at isa na ako doon. I decided to transfer in a university here in Iloilo which is one of the top schools for aspiring nurses someday. This university always ranks first in Nursing licensure examination. Paano ba naman kasi. Aside sa 100% passing rate eh okupado ng students na mula sa university namin ang top 10 sa board. Kaya sobrang hirap na makapasok under the Nursing department kasi yung mga matatalino lang talaga ang makakapasa. Though I heard na merong plus points if you’re a graduate of the university already kaya lumipat na ako dito at nagbabakasakali.  Hindi ko alam kung saan ako pupunta kaya napagdesisyunan ko na sumunod na lang sa direksyon kung saan papunta ang karamihan ng mga students. Excitement filled my veins nang mula sa malayo ay makarinig ako ng bandang tumutugtog. Sumasabay din ang pagbilis ng t***k ng puso ko sa bawat tambol ng drums.  Now playing: First day high by Kamikazee Nasasabik sa unang araw ng eskwela, Taas kamay with confidence, Let's do the first day high. ‘OMG! I can’t believe na finally maririnig ko na ang kantang ‘yan na tinutugtog mismo ng live band at sa unang araw pa mismo ng school! Ugh! I’m loving my first day! “Hi!” I heard someone said from behind me habang naglalakad ako.  ‘Ako ba sinabihan ng Hi? Tunog malapit lang eh! Lilingon ba ako? Pero paano kung hindi ako tapos mapapahiya lang ako?’ Debate ko sa isip habang pasimpleng tumingin-tingin sa paligid para siguraduhin kung may iba pa bang tao ang nasa malapit sakin. Without turning my back ofcourse.  “Miss!” napapitlag ako nang bigla na lang ay may kung sinong kumalabit sa akin at nalingunan ko ang isang babaeng malapad na nakangiti sa akin. “Kanina pa kita tinatawag” natatawang dagdag niya.  Nahihiyang napakamot ako ng noo at tipid na ngumiti “Ay sorry. Hindi kasi ako sure kung ako ba talaga ang tinatawag mo” paliwanag ko.  “Mukha nga. Bigla ka nalang nanigas at tumingin-tingin sa paligid eh” natatawa paring kumento niya.  Muntik nang mawala ang ngiti sa labi ko dahil sa sinabi niya pero naalala ko na first day of school pala. ‘First impression lasts Aiko!’ Isip ko. Pero kasi naman. Kailangan ba talaga niyang i-mention ‘yon? Nakakahiya kaya. Kinikilabutan ako sa sarili ko kahit isipin ko pa lang ang itsura ko na biglang nanigas tapos parang tangang tumingin-tingin sa paligid sa gitna ng field. Huhu. “Anyway. We both are obviously a new student. So what strand are you in? College?” Panimula ng kausap ko habang naglalakad patungo kung saan nagmumula ang ingay ng banda.  “SHS. STEM. Ikaw?” tipid na sagot ko “OMG! We’re in the same strand! Anong section ka?” excited na tanong niya. Dali-dali ko namang inabot ang papers ko sa bag na nakasabit sa balikat ko at tiningnan ang section ko. “STEM F” agad na namilog ang mata niya at masayang tumalon talon.  “Magkaklase tayo!” Parang nakahinga naman ako ng maluwag sa narinig. At least kahit papaano ay may kilala na ako at hindi na ako lost dito dahil may kasama na ako. Hindi na rin ako maghihirap na makipagkilala sa iba ko pang kaklase.  “Hala wait” natigilan ako nang nilabas ni- teka. Ano nga pala pangalan ng babaeng 'to? Kanina pa kami nag-uusap.Nauna pa ang introduction of sectioning pero hindi ko pa rin alam ang pangalan niya. “STEM C pala ako” malungkot na sambit niya na dahilan para mawala ang ngiti ko sa labi.  Pakiramdam ko ay doble ang bigat na binalik sakin kumpara kanina. Nagsaya ako para sa wala!  “Joke lang!” nakangising sabi niya at tinulak pa ng mahina ang balikat ko. Nangati naman akong sapukin siya. Naku! Wait ka lang kung close na tayo! Hindi na talaga ako magpipigil!  Pilit naman akong tumawa habang nakatingin sa kaniya na tawa pa rin ng tawa habang paulit-ulit na sinasabing “Your face was epic” Tch! Makabag ka sana kakatawa!  Wala nga kasi akong future makihalubilo! Tsaka hindi ako sanay na kakakilala ko pa lang sa tao ay mag jojoke na agad sa akin. Hello! Introvert kaya ako! Finally she stopped laughing and offered her hand “I’m Janella by the way”  I smiled awkwardly and gave her my hand “Aiko” nahihiyang sambit ko and she shaked my hand. Nagulat ako nang bigla niyang kurutin ang isang pisngi ko “Grr! You’re so cute and adorable! You have a really cute name too!” nanggigigil na sabi niya habang hindi pa rin binibitawan ang pisngi ko.  “O-Owch!” Mahina kong tinapik ang kamay niya and thankfully binitawan niya naman ang pisngi ko.  “Sorry! I just can’t help it! You’re so adorable! And your cheek is so soft and fluffy!” hindi ako sure kung matutuwa or ma o-offend ba ako. Ba’t feeling ko bigla ay para akong tuta? Tsaka anong cute?! Hindi ako cute! Maganda ako! Bago pa man ako makasagot ay hinila na niya ako papunta sa mini stage sa dulo ng field kung saan nagkukumpulan ang mga students.  “Oh my gosh girl. Ang gwapo” narinig kong sigaw ng babaeng katabi ko habang deretso ang tingin sa taas ng stage “Oo nga! Ang ganda pa ng boses!” balik na sigaw ng kasama niyang babae.  Take note! Literal na sigaw talaga ang ginawa nila dahil sobrang ingay dito. For sure hindi lang ako ang nakarinig ng pinag-uusapan nila.  Nagtatakang sinunandan ko naman ng tingin ang tinitingnan nila. My eyes widened and lips formed a small O when I saw the guy they were pertaining to. Gosh he’s so handsome! He’s exactly like the man from my pocketbooks. He’s tall, fair in color and have this goofy smile plastered on his wet lips from licking habang kumakanta. Mind you! Hindi lang itsura ang maganda sa kaniya kundi pati na rin ang boses niya!  Natigilan ako nang biglang magtama ang tingin namin and his smile widened.  Did he just smile at me?! Mas lalong lumakas ang tili ng katabi kong babae nang mapansin iyon “He’s looking at me!” parang hihimataying sambit niya at nag wave pa sa lalaki.  “No! Ako kaya!” sagot naman ng kaibigan niya at sinubukang ibaba ang kamay na kumakaway ng kaibigan Parang gusto ko tuloy mapasapo ng mukha dahil sa second-hand embarrassment na nararamdaman ko para sa dalawang ‘to. But at the same time ay hindi ko maiwasang ma amaze. Everything seems like a story from a pocketbook. Ang kaibahan lang ay totoo ito and I am the one living it.  “Hayy. Kung sana talaga totoo na lang mundo ng pocketbook. Mag vo-volunteer talaga akong lumipat” sambit ko sa sarili.  “What did you say?” Mabilis akong umatras nang nilapit ni Janella ang mismong tenga niya sa itsura ko.  “W-wala!” Iiling-iling na sabi ko. Tumango naman siya at pinagpatuloy ang pakikinig ng music na tinutugtog ng banda. Shuta muntik ko nang makalimutan may kasama pala ako.  The song ended and their band left the stage at pinalitan ng Emcee.  “Well I guess your Morning is already good, am I right ladies?!” Pabirong panimula nito na sinagot naman ng malakas na “YES!” ng mga babae at may kasama pang tili. Syempre hindi ako kasama sa kanila. Dapat attitude tayo mga bes. Hindi dapat halatang type natin para kunyari girl with class and high standards tayo.  “Wow! That’s Disciples for you! Don’t worry girls kung na bitin man kayo sa performance nila. Because I assure you! Their band always play on every events”  A short orientation was given as a whole before we all dispersed para pumunta na sa respective auditorium kung saan ang general orientation namin per department.  “Why did you decided to study here pala?” Janella asked out of nowhere.  "Because I’m gonna take up Nursing” straight to the point na sagot ko.  Natigilan siya at namimilog ang matang nilingon ako “Wait don’t tell me ikaw din?!” bulalas ko habang hindi maiwasang ma excite. Napatakip ako ng bibig nang sunod sunod siyang tumango.  “OMG!” magkapanabay naming sigaw at tumalon talon pa. Grabe! Parang destiny talaga na pinagtagpo kami kasi pareho kami ng plans. I know madami rito ang pareho rin ang plano sa amin.  Binitawan namin ang isa’t isa at determinadong tinaas ang kamao “Simula ngayon gagawin natin ang best natin para makapasa tayo!” dikit ang kilay na sabi ni Janella. “P-pero sabi ni Mama ko chill lang daw tayo sa Senior Highschool kasi dapat college daw tayo bumawi” natigilan naman siya sa sinabi ko at napaisip. “Oo nga no?” tumatango-tangong sabi niya pero agad ding tinaas ulit ang kamao.  “Pero kahit na! Dapat gawin natin ang best natin para mataas ang grades natin! Pa good shot na rin sa department of Nursing kapag mag-apply na tayo!” Ako naman ngayon ang napaisip when I realized na tama nga siya. Oo nga no? Ang ranking kasi is consist of grades and scores from their entrance exam. I was about to agree with her when a deep voice coming from the side interupted us. “Hey Miss” I heard someone said. Nagkatinginan kaming dalawa ni Janella at nag-usap gamit ang mga mata. She signaled for me to look to the side pero umiling ako and signed her to do it. Hello! Hindi ako sure kung ako or kami ba talaga ang kausap! Our thoughts were confirmed when I felt someone tap me. Pakiramdam ko ay parang nag slow motion bigla ang paligid nang makaharap ko ang lalaking tumapik sakin. “You dropped this” My gaze fixated on his pink and plump lips when they moved as he spoke. “T-thank you” parang gusto ko tuloy suntukin ang sarili ko nang mautal ako sa harap niya. But I really can’t help it! This man is absolutely gorgeous! Matangkad ako pero mas matangkad siya. Naka tanga pa nga ako sa kaniya eh.  He has these hazy brown eyes which was emphasized by the stray of sun and I can see myself reflected in his Iris.  Agad kong sinarado ng bibig ko nang makita ko rin ang repleksyon kong nakanganga sa mga mata niya at agad na kinuha ang papel na nilahad niya. Mygosh Aiko! Nakakahiya ka!  But to my surprise he didn’t say a word. Instead he walked past me at nauna nang pumasok sa loob ng auditorium.  “Mygosh girl. Hindi naman masyadong halata na nagwapuhan ka sa kaniya no? Kulang na lang ng tulo laway effect”  Hindi na ako nagdalawang isip at sinapok si Janella nang marinig ang sinabi niya.  -- ✘ R E A D ✘ ✘ C O M M E N T ✘ ✘ F O L L O W M E ✘
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD