WARNING: This chapter contains story fillers only since I am sick right now and needs rest. I will make it up for everyone. - Malalim akong napabuntong hininga at nilingon ang bakanteng upuan ni Janella. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kaniya at hanggang ngayon ay wala pa rin siya. Patagong nilabas ko ang cellphone ko mula sa bulsa ko at tinignan kung nag-reply ba siya sa message ko sa kaniya pero wala. "Nasaan na kaya ang bruha na iyon?" mahinang sambit ko sa sarili ko tinago na ulit ang cellphone ko para sana makinig na teacher namin nang maagaw ang pansin ko nang kung anong bagay na gumagalaw mula sa gilid ng pananaw ko. 'What the hell?!' literal akong napanganga nang mapagtanto ko kung ano iyong bagay na gumagalaw. Hindi pala iyon bagay kundi si Janella na kumakaway mula

