“Aiko! Aiko! Gumising ka! May bisita ka!” napabalikwas ako nang wala sa oras mula sa mahimbing kong tulog. Naningkit ang mga mata ko nang magmulat ako ng mata at nakita ko si Mama na halatang excited. “Po?” wala sa sariling tanong ko sabay pahid ng laway ko na tumulo sa gilid ng baba ko habang natutulog ako kagabi. Mukhang napasarap yata ang tulog ko at naglaway ako ah. Napangiwi ako nang biglang rumehistro ang sakit sa braso ko nang bigla na lamang akong hampasin ni Mama. “Tumayo ka na diyan at puntahan mo na ang bisita mo!” “Aray naman! Eto na nga po oh!” iritadong sabi ko at agad nang tumayo bago pa man niya kunin ang tsinelas niya at ipalo sa akin. ’Ang aga-aga anong pinuputok ng butsi ng isang ‘to?’ I thought to myself habang ako palabas ng kwarto ko. ‘Teka, ano da

