“Dito na lang natin ilagay ‘to,”narinig kong sabi ng president namin na siyang nag-direct sa amin ng mga bagay na gagawin namin. Nandito kami ngayon sa gymnasium ng school naming at naglalagay ng mga dekorasyon para sa paparating na senior high school week naming which will be tomorrow. Opening bukas kaya tinatapos na namin ang pag-aayos ng paligid. “Aiko? Ready na ba ang torch naming for the lighting?” tanong naman ng isa naming kasama. Ako kasi ang naatasan na ihanda iyon. “Yes, okay na iyon. Kukunin ko na lang mamaya sa stockroom," sagot ko habang nagpipintura. "Sige, magpasama ka na lang kay Luke," tumango ako bilang sagot. Pinahiran ko ang ilang pawis na namuo sa noo ko at nilibot ang tingin ko sa paligid. 'Hayy salamat, malapit na rin kami matapos' I said to my mind nang mapans

