CHAPTER 5

3903 Words
‘OH MY GOSH! ANONG GAGAWIN KO?!’   Kung pwede lang siguro akong magpalamon sa lupa ay kanina ko pa ginawa para lang makalayo sa kahihiyang sangkot ako ngayon. Bakit naman kasi sa dami ng taong pwede kong makabunggo si Luke pa talaga? Ang pogi ko na kaklase na parang walang pakealam sa iba kasi masyado siyang busy sa sarili niyang mundo. Pero kahit ganoon siya ay ang gwapo niya pa rin?   “You read that?” nagulat ako nang bigla na lamang siyang nagsalita sabay taas ng tingin sa akin. Marahas na sunobsob ko sa dibdib niya ang libro na nalaglag niya dala  ng pagkataranta at dali-daling pinulot ang mga pocket books ko.   “A-Ah? Ito ba?” kabadong tanong ko at niyakap iyon sa dibdib ko. “Kay Mama ito. Pinapabili niya sa akin. Bored kasi siya sa bahay eh!” katuwiran ko. Hindi ko alam kung kinagat ba ni Luke ang dahilan ko dahil ganoon pa rin ang expresyon sa mukha niya.   “I see,” tipid na sabi niya at yumukod. “I guess this is yours?” Nanlaki ang mata ko nang makita ko ang movie ticket na hindi ko napansin ay nahulog ko rin pala. Kinuha ko iyon sa kamay niya.   “Salamat,” mahinang sabi ko habang hindi makatingin sa kaniya. He didn’t say anything. He was just looking at me which made me feel more conscious. ‘Baka na-realize niya na ang pangit ko pala sa malapitan?’ I unconsciously tilted my head more to the side para hindi niya iyon makita. Nakahinga ako ng maluwag nang bigla na lang siyang umalis nang walang sinasabi. Sapo ang dibdib na humugot ako ng malalim na hininga. Mabuti na lang at hindi na siya nagtanong pa tungkol sa libro na hawak ko. ‘Ano kaya reaction niya kung malalaman niya na sa akin ito?’   “Syempre hindi ko malalaman ang reaction niya kasi wala naman akong planong sabihin!” Feeling ko tuloy ay para akong baliw na kinakausap ang sarili ko.   “Aish!” asar na sabi ko at mahina pang napapadyak. Babayaran ko na ngalang itong libro ko.   ‘Kung pinagtitripan ka nga naman’ I said to myself nang makita ko si Luke na nasa bantayan ng jeep. Sinadya ko pa naman kanina na magpahuli ng bayad para hindi ko na siya makita o maabutan sa counter tapos dito ko lang rin naman pala siya maabutan. ‘Teka, anong ginagawa niya dito? Nag-aabang din siya ng jeep? O baka hinihintay niya ako?’   ‘Teka! Masyado ka naman yatang feeler niyan?!’  sagot ko sa sarili kong isip. Gigil na napailing na lamang ako sa sarili ko dahan-dahang pumunta sa direksyon ng waiting shed para hindi ako mapansin ni Luke. Walang imik naman siyang nakatingin lang sa harap at nag-aabang sa dadaan na jeep. Feeling ko ay sinasakal ako sa bawat minutong lumilipas na katabi ko siya. He had this aura na makakaramdam ka na lang talaga ng kaba na ewan? Basta hindi ko ma-explain.   Lumiwanag ang mukha ko nang makita ko ang paparating na jeep, lalo na nang makita ko ang nakalagay na pangalan doon. Iyon ang jeep na sasakyan ko. Akmang itataas ko na sana ang kamay ko para ipara iyon nang bigla akong unahan ni Luke na ikinabigla ko. ‘Pareho kami ng jeep na sasakyan?!’ hindi makapaniwalang bulalas ko sa sarili ko.   Nakatitig lang ako sa likod niya. Standing beside Luke now made me realize na ang tangkad pala niya. Siguro his height is around 5’11? Or 5’10? My height is 5’3 kasi and matangkad na iyon sa average girls. Pero kung si Luke ang katabi ko ay para naman akong sinampal ng pagka pandak.   Tumigil ang jeep sa mismong harap naming. Maglalakad na sana ako papunta sa entrance ng jeep nang bigla na lamang dinumog ng mga tao ang entrance ng jeep. Gulat na napatitig na lamang ako dahil bigla na lang dumami ang bilang ng mga tao. Takang sinundan ko kung saan sila nanggaling at nakita na nanggaling sila sa loob ng mall. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang ginagawa nila pero ang alam ko lang ay pare-pareho silang nakasuot ng kulay asul na polo.   Nakangiwing tinignan ko si Luke at napansin na maging siya ay nagulat rin dahil sa biglang dami ng mga pasahero pero wala rin siyang magagawa. Parang naawa tuloy kami sa sitwasyon naming ngayon. Kami ang nauna pero dahil lang marami sila ay nauna sila. “Iyan din ba ang sasakyan niyo? Gusto niyong mauna na lang?” narinig kong tanong ng babaeng nakasuot din ng asul na polo sa tabi ko.   Sinilip ko at loob ng jeep at nakita na meron pa namang bakante doon. “No.” buo ang boses na sagot ni Luke. Nagulat ako nang bigla niya akong pukulin ng tingin.   Come to think of it, bakit naman ako sasakay ng jeep eh okupado na nilang lahat ang loob. Nakakahiya naman kung sasama pa ako. “Huwag na lang po. Kayo na lang po ang mauna,” nahihiyang sabi ko.   “Ay ganoon ba?” nanghihinayang na sabi ng babae pero saglit lang iyon dahil agad din naman siyang ngumiti. “Basta if gusto niyong mauna pwede niyo naman kausapin ang mga kasama ko ha? Nasira kasi ang bus na ni-rent naming kaya wala kaming choice kundi ang sumakay na lang ng jeep. Pagpasensyahan niyo na,” nahihiyang sabi niya.   “Okay lang po,” tipid na sabi ko. The woman smiled at me one more time bago nauna nang pumasok sa loob ng jeep. Nanghihinang napasunod na lang ako ng tignin sa papalayong jeep. Mahirap pa naman makahanap ng jeep na sasakyan ko dahil kaunti lang ang jeep na bumabyahe ng ganoon tapos kadalasan din ay puno. ‘Kung minamalas ka nga naman’.   Nilingon ko si Luke na walang emosyon na nakapamulsa lang sa tabi habang nakatitig sa kawalan. Alam ko na kahit hindi niya sabihin ay nakakaramdam din siya ng irita kagaya ko. Sino ba naman ang hindi? Lalo na at mabigat pa naman ang libro na bitbit niya.   Natigilan ako nang may bigla akong maalala. I took the ticket out of my pocket at tinignan ang dalawang piraso ng movie ticket na hindi pa rin nagagamit. Plano ko sana na umuwi na lang at sa susunod na lang panoorin ang movie. Pwede pa naman siguro iyon? Basta nabayaran na.   I looked at Luke and my heart immediately beat faster na feeling ko ay masusuka tuloy ako. ‘Papayag kaya siya?’ I asked to myself. ‘Well, hindi ko naman malalaman kung hindi ko siya tatanungin.’   “Luke,” mahinang tawag ko sa kaniya. Dumoble ang kaba ko nang lumingon siya sa akin and gave me a questioning look. Tinaas ko ang ticket na hawak ko. “Gusto mo bang manood ng movie?” bigla akong nataranta nang bumakas ang gulat sa mukha niya. Iyong tipo ng expresyon na alam mong jina-judge na niya ako. ‘Baka naman iniisip niya na type ko siya at nagpapasimple ako para mapansin niya!’   ‘Well, Luke is my type. Pero hindi ngalang ako nagpapapansin sa kaniya’   “Um- ano. Meron akong extra kasi manonood sana kami ni Janella kanina kaso may emergency siya. Ipapamigay ko na lang sana ang ticket kaso wala naman akong mabigyan!” mahabang litanya ko at tinignan ang mga taong nakasuot ng blue na polo. Sa bilang nila ay halos tatlong jeep pa ang kailangan para maubos sila. “Tsaka, kesa maghintay tayo na maubos sila ay pwede naman tayong manood muna. I mean, if gusto mo lang!” defensive na sabi ko.   Luke is just looking at me as if isa akong machine na mahirap intindihin. “Kung gusto mo lang naman,” awkward na dagdag ko. ‘Ugh! Sa lahat ng maling desisyon ko sa buhay ay ito ang pinakamalala! Bakit ko naman naisip na yayain si Luke na manood ng movie eh halata naman na hindi siya interesado?! Ni wala nga siyang pakealam sa iba eh! Pati professor nga naming ay tiklop sa kaniya.   “Alright.”   “Sige,” tipid na sagot ko at napapahiyang tumingin na lang sa dumadaan na mga jeep. ‘Sabi ko na ngaba! Dapat hindi ko na siya niyaya. Nakatanggap tuloy ako ng malutong na ‘Aright’   ‘Teka?! Alright?!’ Nanlalaki ang matang nilingon ko si Luke at nakita na nakatingin lang siya sa akin at hinihintay ang magiging reaction ko. “Alright? As in sasama ka?!” gulat na bulalas ko.   “Yes.” Tipid na sabi niya at tumango. Pinigilan ko ang sarili kong mapanganga dala ng pagkamangha. Tanga nan ga ako pero parang dumudoble iyon habang si Luke ang kasama ko.   “O-Okay. Tara!” nauna na akong maglakad sa kaniya. Naririnig ko naman ang mahina niyang yabag sa likod ko na nakasunod. Para akong tuod kung maglakad dala na rin ng discomfort na nakasunod sa likod ko si Luke. Tumigil ako sa harap ng Cinema 1 dahil doon kami naka-assign. “Dito tayo,” sabi ko sa kaniya and scanned one of the code at nauna nang pumasok. I scanned the second ticket’s code para makapasok rin siya. Papasok na sana ako sa pinto nang bigla siyang magsalita.   “Are you not going to buy a snack?”   “Uhh,” kakamot-kamot na sabi ko at nilingon siya na hinihintay ang sagot ko. Paano ko ba sasabihin sa kaniya na nakakain na ako at halos sasabog na ang tiyan ko sa dami ng baboy na nakain ko?   “I see. You already ate,” tipid na sabi niya bago pa man ako makasagot.   “Paano mo nalaman?!” gulat na sambit ko habang nakatitig sa kaniya.   “Your face says it all,” kibit balikat na sabi niya at nauna na sa pinto. Akala ko ay iiwan niya ako pero nagulat ako nang binuksan niya ang pinto para sa akin. “Let’s go.”   “Sige,” kalmadong sabi ko pero sa loob ko ay kanina pa ako humihiyaw dala ng kilig. Grabe, punyeta ang gwapo ni Luke! “Thank you!” kiming sabi ko habang sabay kami na naglalakad papunta sa upuan ng cinema.   “Sure.” Hindi ko mabilang kung pang-ilang beses ko na itong magulat dahil sinagot niya ako. Akala ko talaga ay hindi siya mamamansin dahil ganoon naman siya sa school. Ang hirap nga niyang pasalitain, kausapin pa kaya?   Nahirapan naman ang mga mata ko na maka-adjust sa ilaw ng daan dahil isang linya lang ng neon light ang tanging basehan ko para malaman na hagdan iyon. Mukhang sa taas yata ni Luke gustong maupo. ‘f**k!’ malutong na mura ko sa isip at pinanlakihan ang mata ko para maayos ko na makita ang daanan pero kahit lalabas na ang eyeballs ko sa mismong mata eye socket ko ay nag-adjust pa rin ang mata ko sa dilim.   “Here,” malakas akong napasinghap nang bigla na lamang hawakan ni Luke ang braso ko. Para akong tanga na nakatitig lang sa kaniya habang siya naman ay hindi aware na imbis sa daan ako tumingin ay nasa kaniya ang atensyon ko. Dahil kay Luke ako nakatingin imbis sa daanan ay muntik na tuloy akong humalik sa sahig when I suddenly missed a step. Sa bilis ng pangyayari ay natagpuan ko na lang ang sarili ko na unti-unting natutumba, pero bago pa man mangyari iyon ay mabilis akong hinila ni Luke pataas.   “Careful,” mahinang sabi niya. Nanlaki ang mata ko nang tumama ang hininga niya sa tenga ko, doon ko napagtanto na ganoon lang pala kami kalapit sa isa’t-isa.   “Thank you,” mahinang sabi ko habang hindi gumagalaw. Natatakot ako na baka isang maling galaw ko lang ay baka tumama ang labi ko sa kaniya. ‘Teka! Parang pocket book naman itong nangyayari! Iyong tipong sasaluin ng male lead ang babae na muntik nang sumubsob tapos gagalaw ang babae at magtatagpo ang labi nilang dalawa!’   Luke pulled me up to my feet. “Are you okay?” narinig kong tanong niya sa akin na ikinagulat ko. I didn’t expect Luke to be like this. To be someone who would ask a person if okay lang siya. Akala ko ay literal na wala siyang pakealam sa mundo pero siguro sa aming dalawa ay ako ang malala because I judged him without actually knowing him.   “I am okay, thank you.” I am embarrassed of myself dahil inisip ko ang mga ganoong bagay sa kaniya.   “Let’s go,” mahinang sabi niya at muling hinawakan ang braso ko hanggang sa makapili na kami ng upuan kung saan kami pupwesto.   “I’ll be right back,” mahinang sabi niya at akmang aalis na nang mabilis kong hinawakan ang braso niya. Natigilan si Luke at dahan-dahang nilingon ang kamay ko na nakahawak sa kaniya. Doon ko lang rin naman napagtanto ang ginawa ko at tila napapasong binitawan ang kamay niya.   “S-Sorry. Magtatanong lang sana ako kung saan ka pupunta,” mahinang sabi ko habang hindi makatingin sa kaniya. I am really hoping that the dark room will cover my burning cheeks dahil kung hindi ay saksakin niyo na lang ako! Kahit hindi ko kita ang mukha ko ay alam ko na para na akong hinog na kamatis sa sobrang pula.   “Don’t worry. I won’t leave you. I’ll just buy some snacks,” sagot naman ni Luke.   Napahawak na lamang ako sa dibdib ko nang maramdaman ko ang mabilis na t***k niyon habang nakatingin ako sa kaniya na naglalakad palayo. Ito ang unang pagkakataon na nakaramdam ako ng ganito maliban na lang kung tuwing nagbabasa ako ng libro. Luke is totally the opposite person of who I expected him to be. Akala ko ay malamig talaga siyang magsalita at walang pakealam sa mundo but the truth is, he is really nice. Lalo na kanina noong sinabi niya na ‘Don’t worry. I won’t leave you. I’ll just buy some snacks’ shuta mga bes! Ang lambot ng boses niya!   ‘Aiko, kalma! Kaklase mo iyan! Hindi ka pweden mahulog diyan kung ayaw mong maging kahihiyang ang pag-aaral mo! tandan mo! mahirap ma-in love sa kaklase!’ paalala ko sa sarili ko at pinakalma ang mabilis na t***k ng puso ko.   The movie had not yet started dahil puro trailer pa ang lumalabas. Mabuti na lang at second week of release na ng movie kaya naman hindi na ganoon kadami ang mga tao na nanonood. Nataranta ako nang ilang minuto ang lumipas pero hindi pa rin bumabalik si Luke. Nilabas ko ang phone ko at akmang kokontakin sana siya dahil nagsisimula na ang movie nang naalala ko na wala pala akong number sa kaniya.   “Should I chat him sa f*******:?” kagat labing sabi ko sa sarili ko and turned on my mobile data. Ang problema naman ngayon ay sobrang hina ng data sa loob ng cinema na sobrang tagal mag-load ng profile niya sa f*******:.   “Why are you not watching?” agad kong tinago ang cellphone ko nang marinig ko ang boses ni Luke na nagsalita sa tabi ko. Sakto kasi na nag-load ang profile ng f*******: niya nang dumating siya. Mamaya isipin niya na ini-stalk ko siya habang wala siya dito.   “Uy! Nandito ka na pala!” kabadong sambit ko. ‘Nakita kaya niyan?!’   Instead na sagutin ko ay umupo si Luke sa tabi ko at hinalungkat ang laman ng plastic na hawak niya. Nilabas niya ang isang coke float at nilagay iyon sa tabi ko. “I just thought that maybe you’ll get hungry. The movie have 3 hours duration,” kaswal na sabi niya at nilabas ang isang malaking bag ng shake-shake fries at binigay iyon sa akin. “I hope you like barbecue.”   “Hala! Luke!” gulat na sambit ko.   “Shh!” pagpapatahimik niya sa akin. Napapahiyang yumuko ako para itago ang mukha ko nang napalingon ang ibang tao sa direksyon ko dahil bigla na lamang tumaas ang boses ko.   “Magkano ang lahat ng ito?” mahinang bulong ko sa kaniya. ‘Nakakahiya pero at the same time ay hindi ko maiwasang ma-touch. Kahit parang sasabog na ang tiyan ko sa sobrang busog ay parang gusto ko na lang tuloy kainin ang binili ni Luke. Sayang naman if ever.’   “It’s my treat,” tipid na sabi niya at tinutok na ang tingin sa screen sa harap namin. Hindi ko maiwasang mapangiti habang nakatitig sa kaniya mula sa gilid. The place is dark but the light coming from the screen highlights the face of Luke and gave emphasis sa matangos niyang ilong. Parang kanina lang ay parang ang hirap niyang abutin habang nasa loob kami ng classroom, but who would have thought na ngayon ay makakasama ko siyang manood ng movie na kaming dalawa lang. Magkatabi pa! amoy na amoy ko tuloy ang pabango niya.   I immediately looked away when Luke turned to my side. Wala sa sariling nilagyan ko ng sangkatutak na fries ang bibig ko nang maramdaman kong nakatingin siya sa akin. Pareho kaming tahimik lang sa loob ng tatlong oras pero hindi siya iyong tipo ng tahimik na awkward. It’s the type of silence that we understand that we both need it because the movie is really good.   Ang hirap lang dahil kanina ko pa gustong humiyaw lalo na sa mga action scenes. Maingay kasi ako usually manood ng movie but for the sake of Luke ay nanahimik ako.   “That was good,” narinig kong kumento ni Luke nang nakalabas na kami ng cinema.   “Oo nga! Diba?! Maygash!” nanlalamig na sabi ko. Ramdam na ramdam ko pa rin ang panginginig ng katawan ko dala ng mga magagandang scenes.   “Why did you stop yourself?” kunot noong tanong ni Luke na ikinataka ko.   “What do you mean?”   “You obviously just stopping yourself from reacting.” I bit my lower lip when I suddenly felt embarrassed. ‘Ganoon ba ako kahalata kanina?!’   “Halata ba?” pilit ang tawang sagot ko at napakamot. “Nahihiya kasi ako. Baka madistorbo kita,” pag-amin ko.   “Don’t stop yourself next time. Feel free to be yourself around me,” tipid na sabi niya at tuluyan nang tumalikod sa akin. Napasunod na lamang ako ng tingin sa likod niya habang pinapakiramdaman ang mabilis na t***k ng puso ko. ‘Ibig ba niyang sabihin ay meron pang next time?!’   “Let’s go,” I shook my head nang nilingon ako ni Luke. Dali-dali akong lumapit sa kaniya at sinabayan ang lakad niya. “Where do you live? Our driver will pick me up. Maybe we can drop you home,” presenta niya.   “Ha?! Nako! Okay lang!” nahihiyang sabi ko at mariing umiling. ‘Jusme! Na-late na nga siya ng uwi dahil sa akin tapos dagdag hassle pa na magpapahatid ako sa kaniya uwi?’’ Nakita ko naman ang hesitancy sa itsura ni Luke but I was glad na hindi na siya nagpumilit pa.   “Alright. Let me at least escort you.”   “Um. Baka hassle sa iyo. Okay lang naman, kaya ko naman na pumunta sa waiting shed mag-isa,” natatawang sabi ko. “Tsaka, ang laki ko na para ihatid pa,” dagdag ko.   “I just want to make ensure your safety before we part ways. Mamaya may mangyari sa iyong masama kasalanan ko pa,” agad na nawala ang ngiti ko sa labi nang marinig ang sinabi niya. ‘Grabe ang harsh naman non! Iniisip ba niya na mamamatay ako ngayon?!’   ‘On second thought. Ayoko nang umuwi!’   “That was a joke,” walang emosyong sabi ni Luke na ikinangiwi ko. Hindi ko tuloy alam kung tatawa ba ako o ano sa sinabi niya dahil hindi naman iyon magandang biro. “I’m sorry. That was a bad joke,” mahinang sabi niya.   I can’t help but smile while looking at him. Kahit seryoso siya ay halata sa mukha niya na nahihiya siya sa sinabi niya. “Let’s go,” yaya niya at tumalikod na. Nakasunod lang naman ako sa likod niya hanggang sa makarating na kami sa waiting shed sa labas ng mall. Nakahinga ako ng maluwag nang makitang wala na ang mga tao doon at kakaunti na lang rin ang naghihintay ng jeep. Medyo gabi na kasi kaya kaunti na lang ang mga tao.   “Dito na lang ako, Luke. Thank you for this day,” mahinang sabi ko at nginitian siya.   “Are you sure you don’t want to come with us? It’s really o-“   “Yes. Okay lang no! Tsaka may dadaanan rin naman ako,” pagsisinungaling ko. Agad naman na kumunot ang noo ni Luke nang marinig ang sinabi ko.   “It’s late, Aiko. Go home.” Malamig na sabi niya. Umawang ang labi ko nang bigla niyang sinabi ang pangalan ko. Kanina pa kami magkasama pero ngayon niya lang sinabi ang pangalan ko. Akala ko nga ay sumasama lang siya sa akin kahit hindi niya ako kilala.   “O-Okay,” sabi ko nang maka-recover ako sa gulat. Sakto naman na may dumaan na jeep na sasakyan ko. “Mauuna na ako sa iyo, Luke! Babye!” paalam ko sa kaniya at kumaway.   Luke just nodded at pinanood ako na sumakay na ng sasakyan. I didn’t dare to look at him pero pasimple ko naman siyang sinilip mula sa gilid ng mga mata ko and was stunned when I saw him raised his phone. ‘Did he just took a photo of the plate number of the jeep that I am riding?!’ Para tuloy akong tanga na malapad na nakangiti sa buong byahe ko pauwi ng bahay.  Pabagsak akong nahiga sa kama ko nang makarating ako sa kwarto ko. Ngayon lang ako nakaramdam ng pagod mula sa lahat ng ginawa ko sa buong araw na ito. Inabot ko ang cellphone ko when I heard my phone made a sound. I unlocked my phone and saw that it was a notification from f*******:.   Janella Ramos sent you a friend request   I smiled when I saw Janella’s name on my f*******:. Pinindot ko ang f*******: application sa screen at biglang bumalandra sa harap ng mismong mata ko ang f*******: profile ni Luke. ‘Shet, nakalimutan ko na icha-chat ko pala siya kanina!’   Lalabas na sana ako sa profile niya nang bigla akong ma-curious kaya tinignan ko ang profile picture niya. It is a photo of him na nasa ibang bansa. Nasa loob siya ng café at may hawak na kape habang nakatingin sa snow sa labas ng glass window. Naka-side view siya doon kaya na emphasize ang matangos niyang ilong. Mamula-mula din ang labi niya dala ng lamig.   Mariin akong umiling nang matagpuan ko ang sarili ko na nakangiti. “Bakit ka ngumingiti? Ah?! Bawal! Bawal! Bawal!” sabi ko sa sarili ko at paulit-ulit na tinampal ang mukha ko. Humugot ako ng malalim na hininga at kinalma ang sarili ko bago muling tinignan ang cellphone ko. Lumuwa ang mata ko nang makita ko ang dami ng likes niyon. Higit 1 thousand likes lang naman!   Mahina akong napaigtad nang magulat ako sa biglang pagtunog na naman ng cellphone ko. Papatayin ko na sana ang notification sound ng phone ko nang lumabas ang notification sa taas ng screen ng phone ko.   Luke Bautista sent you a friend request -- ✘ R E A D ✘ ✘ C O M M E N T ✘ ✘ F O L L O W M E ✘
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD