CHAPTER 6

3816 Words
“Good morning, everyone!” lahat kami ay napatigil sa ginagawa naming nang bigla na lang pumasok ang isang babae na sa tingin ko ay professor naming. Hindi ko naman maiwasan na mapansin ang reaction ng mga kaklase kong lalaki habang nakatingin sa teacher naming. Well, I can’t blame them though. Kahit sino naman siguro ay ganoon din ang reaction. Our teacher is tall and slim. Nakasuot siya ng P.E attire and naka-high pony tail ang buhok niya. “Good morning!” “Good morning, Ma’am!” “Good morning, Miss!” “Good morning po!” Gusto ko tuloy mapatampal ng noo nang marinig ang mga kaklase ko. Hindi naman halatang hindi kami nakapag-practice. May iba na nauuna na mag-greet tapos may iba naman na nahuhuli. Our teacher smiled at inayos ang mga gamit niya sa mesa. “I am your teacher for physical education 1. My name is Fiona Magalona and you can call me Ms. Magalona,” pakilala niya sa sarili niya at sinulat ang pangalan niya sa board. “I assume that you still don’t have your P.E attire with you?” nagkatinginan kami ni Janella at sabay na umiling. Sa pagkakaalam ko ay meron sa may book store pero hindi pa kami nakakadaan doon para bumili. “Bili tayo mamaya?” yaya sa akin ni Janella. “Pwede rin,” sagot ko sa kaniya. May natitira pa naman akong 300 sa 500 nakuha ko sa karaoke. Hindi na lang ako hihingi kay Mama. Malamang pagagalitan naman ako non at sasabihin na meron naman akong pera. Minsan kasi may pagka kuripot din si Mama. Naalala ko tuloy noon, tinawag ko siyang kuripot dahil humingi ako ng pambaon tapos binigyan niya lang ako ng 20 pesos. Ayon, palo ang natanggap ko imbis na dagdag baon. Natigilan ako nang muli akong tumingin sa harap at naagaw ng pansin ko ang likod ni Luke na walang imik na nagbabasa pa rin ng libro. Adik talaga. Naalala ko tuloy ang nangyari kagabi pagkauwi ko. FLASHBACK Luke Bautista sent you a friend request Literal na nalaglag ang panga ko nang mabasa ko ang notification sa taas ng screen ng phone ko. Feeling ko ay pinagtitripan ako ng mga mata ko kaya kinusot ko iyon at nakita na nandoon pa rin ang notification galing sa f*******: na in-add ako ni Luke. Nanginginig ang kamay na ni-reload ko ang screen ng phone ko habang nasa profile ako ni Luke at totoo nga dahil nakita ko na nakalagay sa profile niya ang Respond button. “Shet!!!!” malakas na tili ko at tinakpan ang mukha ko ng unan. Ramdam na ramdam ko ang mabilis na t***k ng puso ko sa sobrang kilig. “Oi! Aiko! Ano nang nangyayari s aiyo diyan?! Bakit ka nagmumura ah?!” narinig kong sabi ni Mama mula sa labas ng kwarto ko at sunod-sunod na kumatok. “Wala po, Ma!” sagot ko. Mabuti na lang at naka-lock ang kwarto ko kaya hindi kaagad siya nakapasok. “Hayy nako. Ewan ko sa iyong bata ka. Hindi naman kita tinuruan na magmura. Bakit late ka umuwi ah? Lumabas ka nga diyan!” iritadong sabi ni Mama. Napipilitang lumabas ako ng kwarto ko at nag-explain kay Mama. Mabuti na lang at mukhang good mood si Melinda kaya hindi ako nakatanggap ng palo. Ni-ready ko pa naman na ang pang-upo ko. Sakto naman na dumating si Papa kaya sabay na kami na kumain ng dinner. “Toby, ikaw maghugas ng pinggan,” buo ang boses na sabi ni Mama. Malapad akong napangiit nang makita ko ang biglang pagyukot ng mukha ng kapatid ko. Halata sa itsura niya na labag sa loob niya ang sinabi ni Mama pero wala naman siyang magawa. Sinamaan ako ng tingin ng kapatid ko nang makita niya akong nakangiti sa kaniya. Trip ko naman na lalo siyang asarin kaya dinilaan ko siya. Kung wala lang siguro dito sina Mama at Papa ay baka kanina pa ako sinakal ni Toby sa sobrang asar niya. Tuwang-tuwa na tinapos ko na ang dinner ko ay nilagay ang pinagkainan ko sa lababo para mahugasan ng mabait at masunurin kong kapatid. “Ikaw na bahala sa mga pinggan ah?” sabi ko kay Toby at mahina pang pinat ang likod niya. Sinadya ko talagang dumaan sa likod niya para lang magawa iyon. Asar na nilayo niya ang likod sa akin at sinamaan ako ng tingin. Natatawang umakyat na lamang ako pabalik sa kwarto ko para makapaghanda. Syempre, hindi para matulog kundi magbasa ng libro. May bago kaya akong bili! I took a half bath at excited na sumampa sa taas ng kama ko at akmang bubuksan ang plastic kung saan nakalagay ang bagong pocket books na binili ko nang maalala ko ang friend request na natanggap ko mula kina Janella at Luke. Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ulit ang f*******: ko. I confirmed Janella as a friend tapos nang si Luke na ang tatanggapin ko as a friend at bumalik na naman ang bilis ng t***k ng puso ko. Hindi naman ako magpe-present pero feeling ko ay para akong sasayaw sa harap ng madla kung kabahan dahil sa simpleng pag-accept lang kay Luke. ‘Accept mo na lang! siya naman ang unang nag-add s aiyo!’ sabi ng isip ko. I shrugged my shoulders at pinindot ang accept. My mind was telling me to press the accept button pero mukhang nasa bakasyon yata ang neurons ng katawan ko at delete ang napindot ko. “PUNYETA!!!” malutong na mura ko nang makita ko na nawala ang friend request ni Luke sa akin. “AIKO! LUMABAS KA DIYAN!” narinig kong sabi ni Mama sa labas at sunod-sunod na kumatok sa kwarto ko. Nanlulumong lumabas na lamang ako at tinanggap ang delubyo na dala ni bagyong Melinda dahil sa pagmura ko. ‘Ang tanga ko masyado!’ END OF FLASHBACK “Aiko!” “Aray!” napalakas na sabi ko nang maramdaman kong may tumama sa pisngi ko. Nanlalaki ang matang nagtaas ako ng tingin at nakita si Janella na nag-aalalang nakatingin sa akin. “Sinampal mo ba ako?!” hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya. “Eh ikaw kasi eh! Kanina pa kita tinatawag hindi ka naman sumasagot. Tapos na ang class natin!” sabi niya. Nilibot ko ang tingin ko sa paligid at nakita na wala na nag doon ang teacher naming sa P.E kanina. Kakaunti na lang rin kami sa classroom. Even Luke is not there. ‘Teka! Anong nangyari? Parang kakasimula pa lang naman ng class naming ah?!’ “Ha? Anong nangyari? Bakit tapos na agad?” sabog na tanong ko. “Well, she just left some pointers for us to study tapos lumabas na rin siya. Sa Friday na lang daw tayo magsimula formally kung lahat meron nang P.E uniform. Wala din tayong pasok sa next 2 class natin mamaya which technically means na wala na tayong pasok ngayong araw,” ilang segundo pa akong natulala kay Janella habang in-absorb ang sinabi niya. ‘Ibig sabihin pumunta ako ng school, nag-effort na maligo at magsuot ng magandang damit para lang din umuwi?!’ “ANO?!” gigil na tanong ko at tinignan ang sarili ko. “Ginagago ba nila tayo? Nag-effort akong maligo ah?!” Janella bursted out laughing pati na rin ang iba kong mga kaklase na natira. “Same thought! Saying nga eh. Anyway. What do you want to do?” tanong niya sa akin habang inaayos ang gamit niya. Gigil na inayos ko na lang rin ang gamit ko. May magagawa pa ba ako? Edi wala. Alangan naman na pabalikin ko ang teacher naming at utusan na magklase siya, eh wala na nga halos may natira sa mga kaklase ko. “Hindi ko alam. Ikaw ba? Iyong hindi lang magastos ah? Wala na akong pera,” natatawang sabi ko na may kaunting kahihiyan. Mahirap kayang aminin na namumulubi ka! Si Melinda kasi eh! Senior Highschool na ako pero ang pabaon sa akin 200 pa rin. Hayy nako, lahat na ng bilihin tumaas pero ang baon ko mukhang hanggang maka-graduate ako ay ganito lang. “Hmm, want to come to my house?” natigilan ako at nilingon si Janella. “Seryoso?” “Yeah. At least we both can save money. Manood na lang tayo gn movies! Meron din naman kaming games and controllers sa bahay,” kibit balikat na sabi niya. “If you want, we can also swim,” dagdag niya. Mukhang hindi naman niya napapansin na manghang mangha na ako sa narinig ko. Sana all na lang talaga ay may pool ang bahay! We rode Janella’s car and arrive at her house around 10 am. “Ano gusto mong kainin for lunch?” tanong niya sa akin. “Kahit ano lang,”tipid na sagot ko habang amazed pa rin na nililibot ang tingin ko sa bahay nila. Simple lang kung tignan ang bahay nila sa labas pero ang ganda niyon sa loob. Sobrang lapad din niyon tapos ang gara pa ng paligid. Halatang mayaman talaga sila. “Nasaan parents mo?” takang tanong ko kay Janella nang ma-realize ko na kaming dalawa lang ang nandito maliban sa katulong nila. “Mommy have a clinic while Daddy have a surgery,” tipid na sagot ni Janella. “Here is my room,” sabi niya at binuksan ang pinto sa pinaka dulo ng corridor. “Wow!” bulalas ko nang makita ko ang kwarto niya. Ang laki niyon! parang sala na naming kalaki! The theme color if white and with pinch of wood style. Tapos puno rin ng mga designs ang paligid. Tanaw naman sa labas ng bintana niya ang pool. “You can come here any time you want to. You can even sleep here. Wala kasi usually parents ko,” I bit my lip when I heard sadness in Janella’s voice. Na-realize ko tuloy na hindi rin naman pala masaya kahit mayaman sila dahil wala naman ang physical need niya sa parents niya. I smiled widely at inakbayan si Janella. “Oo naman! Sa susunod! Dito ako matulog!” sabi ko. Bigla naman lumiwanag ang mukha ni Janella nang marinig ang sinabi ko. We spent the entire day watching movies, specifically ang Twilight. “So ano pala ang ginawa mo sa movie ticket natin?” bigla akong nabilaukan mula sa popcorn na kinakain ko nang marinig ang tanong ni Janella. “W-wala. Pinamigay ko lang,” pagsisinungaling ko dahil nahihiya akong sabihin na nanood ako kasama si Luke. Tsaka hindi ako sigurado kung maniniwala ba siya sa akin na kasama ko si Luke sungit. I bit my lip hard para pigilan ang sarili ko na iuntog ang sarili ko sa pader nang maalala ko naman ang kagagahan na ginawa ko kagabi. Sa daming oras na maging tanga ako iyon pa talaga na moment. ‘Kanino ko kaya namana pagkatanga ko?’ “Ahh. I see. Sayang no?” nanghihinayang na sabi ni Janella. Asus, if I know ay kakarampot lang iyon para sa kaniya. “Okay lang. At least may napasaya tayo,” kaswal na sabi ko. Feeling ko tuloy ay humahaba ang ilong ko sa pagsisinungaling ko. “Tama!” sang-ayon naman ni Janella. “Teka, CR lang ako,” paalam ko sa kaniya at tumayo na para pumunta sa banyo nang bigla na lamang niya akong unahan. “Mauuna na ako! Sa labas ka na lang!” nagmamadaling sabi niya at agad na sinarado ang pinto ng banyo. Humugot ako ng malalim na hininga para pigilan ang sarili ko na huwag sumigaw. ‘Tandaan mo, hindi mo bahay ito’ paalala ko sa sarili ko. Nagmamadaling lumabas na ako ng kwarto ni Janella para hanapin ang banyo. Feeling ko parang sasabog na ang pantog ko kung hindi ko pa ilalabas ang wiwi ko any time now. “Aish! Asan ba ang CR?!” gigil na tanong ko sa sarili ko. Nasa gitna ako ng hallway nang bigla na lamang bumukas ang pinto sa tabi ko. Gulat na natigilan ako at dahan-dahan na nilingon ang pinto at nakita ang lalaking nakahubot hubad. Nanlaki ang mga mata ko which reflects the man’s face as well. “N-Nasaan ang CR?” I managed to ask sa kabila ng pagkataranta na nararamdaman ko. The man pointed the door on the other side nang hindi pa rin inaalis ang tingin sa akin. The man looks so familiar, kahawig niya si Janella so I assume na magkapatid sila. “T-Thank you,” kalmadong sabi ko at mabilis na tumalikod na pumunta sa loob ng banyo. Nanghihinang napasandal ako sa pinto ng banyo. ‘Oh my gosh! Ang gwapo din ng kapatid ni Janella! Shuta may abs pa!’ para akong tanga na nakasandal lang sa pinto at tuluyan nang nakalimutan na umihi. Ilang segundo din ako na nasa ganoong pwesto bago ko naalala ang rason kung bakit ako nandito sa banyo. Ginawa ko na ang dapat kong gawin at tinignan muna ang sarili ko sa salamin. “Ang pula ko!” mahinang kumento ko nang mapansin ang namumula kong pisngi dahil sa nakita ko. Halata kasi masyado dahil maputi ako. Napagdesisyunan ko na maghilamos muna bago ako bumalik sa kwarto ni Janella. Sinilip ko pa ang labas ng hallway para tignan kung nandoon ba ang kuya niya. Nakahinga ako ng maluwag nang makitang walang tao doon. Walang ingay akong lumabas at dali-daling tinakbo ang kwarto ni Janella para hindi ko na muling makasalubong pa ang kuya niya. Habol ang hiningang pumasok ako sa kwarto niya at mabilis na sinarado ang pinto sa likod ko. “I see you met my older brother,” nakangising kumento niya habang nakatingin sa akin. Tinawanan pa ako ng bruha. “Paano mo nalaman?!” gulat na tanong ko. “Well, he just stormed into my room and gave me a good scolding,” natatawang sabi niya. Nagdikit ang kilay ko at inilang hakbang lang ang espasyo sa pagitan naming dalawa. “Ba’t hindi mo sinabi na may kuya ka pala? Na hindi tayo nag-iisa dito?!” gigil na tanong ko sa kaniya at niyugyog siya. Tumawa lang naman ang bruha at inalis ang pagkakahawak ko sa kaniya. “Pareho talaga kayo ng sinabi ni Kuya. Anyway, I am sorry!” natatawang sabi niya. Traumatized na tumahimik na lang ako sa tabi niya. Iyon ang unang beses na nakakita ako ng lalaking naka hubot hubad. Hindi naman kasi gumaganon si Papa maging si Toby. Sumapit ang gabi na hindi pa rin ako lumalabas ng kwarto ni Janella kahit anong yaya niya sa akin. Kahit nga ang pagkain na dapat sa hapag naming kainin at pinahatid na lang niya sa loob ng kwarto niya dahil sa akin. “I’m sorry, it seems like you are really traumatized by what you saw,” hindi ako sure kung sincere ba si Janella sa sinabi niya dahil para siyang natatawa. “Medyo lang,” tipid na sabi ko. Janella chuckled. “I’ll drive you home if you want to go already,” presenta niya. Agad ko na siyang niyaya na uuwi na ako and like she said ay hinatid nga niya ako. I arrived home around 7 pm ng gabi at dumeretso ako sa kwarto ko. Muntik na sana akong makatulog nang marinig kong tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ang cellphone ko sa tabi ko at tinignan kung ano iyon. Group chat pala naming ng mga kaklase ko noon. Nagyayaya sila na lumabas bukas at pumunta sa bahay ng kaibigan naming na si Kimberly dahil birthday niya. Mukha namang lahat sila ay excited at dadalo base na rin sa mga chat nila. “Sus, parang kelan lang naman kami nag-graduate miss na kaagad nila ang isa’t-isa. Tsk, mga plastic!” sabi ko sa sarili ko at akmang hindi na papansinin ang group chat naming nang bigla na lamang akong minention ni Kimberly mismo. Uy, punta ka ah?! Basa ko sa chat niya. Meron pa iynog smiley face na emoji. ‘Mukhang wala akong takas ah’ sabi ko sa sarili ko and typed a reply. Sige. See you! Nilagay ko na lang sa silent mode ang cellphone ko pagkatapos niyon. Ayokong makipag plastikan dahil totoo naman na pinapapuntalang niya ako bukas para may mapagtripan sila. Pero wala naman akong choice, kung hindi ako pupunta ay hindi rin naman nila ako titigilan. Malalim akong napabuntong hininga at pumikit ng mga mata ko. Hindi ko napansin na nakatulog na pala ako. Maaga tuloy akong nagising kinabukasan dahil doon. Holiday kasi ngayon kaya walang pasok. Napagdesisyunan ko na lang na magbasa ng pocket book habang wala pa ang oras ng alis ko. Bandang 10 am ako naghanda para umalis. Nakarating ako sa bahay ni Kimberly mga bandang 11:30 ng umaga at nakita na marami na ang mga kaklase ko na nandoon. May kaya kasi ang pamilya ni Kimberly kaya halos lahat ay sipsip sa kaniya. ‘Tsk, wala naman siya kung ikukumpara kay Janella’ sabi ko sa isip ko. “Happy birthday, Kim!” masayang bati ko sa kaniya nang tuluyan akong makapasok. Kimberly smiled and looked at me pero agad din na nawala ang ngiti sa labi niya nang mapansin na wala akong dal ana regalo. “Thank you!” plastic ang ngiti na sabi niya at tumalikod na sa akin. Hindi ko tuloy maiwasang manlumo. Bakit pa nila ako in-invite kung hindi lang rin naman nila ako papansinin? Ang malala ay hindi ko talaga maintindihan ay kung ano ang ginawa kong mali kay Kimberly at ganito na lang niya ako tratuhin. Marami akong kaibigan noon pero simula noong nagkausap sila ni Kim ay lumipat silang lahat sa grupo niya. Parang bata pakinggan no? pero iyon ang katotohanan. The celebration went on and wala akong choice kundi makihalubilo sa mga kaklase ko na plastic. Kahit kumain nga ay hirap na hirap akong lumunok dala na ring ng sama ng loob. ‘Hindi na talaga ko sasama sa kanila’ sabi ko sa sarili ko. Ilang oras din ang ininda ko na sumama sa kanila hanggang umabot ng 3 pm at nagyaya na silang lumabas. Plano kasi nilang gumala tapos mag-party mamayang gabi. 18 na kasi si Kim kaya legal na siyang pumunta sa bar. Karamihan din naman sa mga kaklase ko ay 18 na samantalang ako naman ay 17 pa lang. “Lahat ba sasama mamaya?” tanong ni Kimberly at nilibot ang tingin sa aming lahat. Bilang tumigil ang tingin niya sa akin sabay ngisi. “Oh, I forgot. 17 ka pa lang pala, Aiko,” mapang-asar na sabi niya na ikinatawa naman ng mga kaklase naming. Imbis na mainis at magalit ay tumawa na lang rin ako. ‘Gusto ko nang umalis’ “Oo nga eh,” pilit ang ngiting sabi ko. Nagkayayaan na sila na lumabas ng subdivision nina Kimberly. Wala kasing sasakyan ang mga kaklase ko kaya mag-jeep na lang kami. Nasa daan kami palabas at masaya silang nag-uusap nang bigla na lamang nagsalita si Kimberly. “Rinig ko meron ka daw boyfriend, Aiko,” nakangising kumento niya na ikinagulat ng mga kaklase ko. “H-Ha?” gulat ma sambit ko. “Yeah, I see it with my two eye,” sabi naman ng kaibigan ko noon na si Therese. I stopped myself from reacting sa wrong grammar niya. ‘Jusko naman, 17 years old na nga-nga pa rin sa basic english’ sabi ko sa sarili ko. “Baka naman namalik mata ka lang,” mapanuyang kumento ni Kimberly at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Feeling ko nga umabot iyon pati sa talampakan ko eh. “Si Aiko? Magkaka-boyfriend?” natatawang sabi niya. I clenched my teeth habang unti-unting namumuo ang galit sa loob ko. Hindi ko talaga maintindihan kung ano ang ginawa ko sa kanila at bakit ganito na lang nila ako tratuhin. “Alam niyo? Totoo iyon! May boyfriend ako! In fact diyan nga siya nakatira!” sabi ko at tinuro ang pinakamagandang bahay na nakita ko dito sa subdivision. Matagal na akong nagagandahan sa bahay na ito, ilang beses na rin kasi akong nakapunta dito tuwing may projects kami noon na ginagawa. Sa ilang beses na iyon ay ni isang beses ay hindi ko nakita na may tao dito sa bahay na ito. “Are you kidding?!” natatawang sabi ni Kimberly. “Kung totoo ng ana diyan nakatira boyfriend mo, mag-door bell ka nga!” panghahamon niya sa akin. Parang nalunok ko naman ang dila ko nang marinig ang sinabi niya. Hindi ko naisip na maari nilang ipagawa iyon sa akin. ‘Ano itong pinasok mo Aiko? Mukhang mas lalo mo lang ipinahiya ang sarili mo!’ pagalit na sabi ko sa isip ko. “Sige!” malakas ang loob na sabi ko. ‘AY ANG TANGA!’ react ng isip ko. Wala nang atrasan ito dahil nasabi ko. Ngayon ang dapat na gawin ko na lang ay tawagin ang lahat ng Santo sa langit at manalangin na walang tao sa loob ng bahay o di kaya ay walang bumukas. “Pero wala sila ngayon dito. Umalis kasi sila ng family niya,” pagrarason ko. Halata naman na hindi naniwala ang mga kaklase ko sa rason ko. “Nagsisinungaling ka lang eh. Aminin mo na lang kasi na wala kang jowa dahil walang papatol sa iyo!” parang gusto ko tuloy maiyak nang tumawa ang lahat ng mga kaklase ko. “Puro kasi pocket book eh!” sabi ng isa ko pang kaklase. Ito ang palagi kong nararanasan noong magkaklase pa kami. Kaya masaya ako na lumipat ako ng paaralan kasi malayo ako sa kanila. Ito ang senaryo na naging normal na sa akin noon. “Gagawin ko,” malamig na sabi ko at tumalikod na. Bago ko pa man maisip kung ano ang ginagawa ko ay mabilis ko nang pinindot ang doorbell ng bahay. Malakas ang kabog ng dibdib ko habang hinihintay naming na may lumabas mula doon. Ganoon na lang ang ginhawa na naramdaman ko nang ilang minuto ang lumipas at walang lumabas mula doon. “Do it again!” ayaw paawat na sabi ni Kimberly na hindi pa nakontento sa ginawa ko. Dikit ang kilay na nilingon ko siya. “Bakit ko naman gagawin iyon? Eh sabi ko nga sa inyo dito nakatira ang boyfriend ko!” sabi ko at tinuro ang bahay. “Kakasabi ko lang na wala dito ang boyfriend ko dahil umalis sila ng parents niya!” nagpipigil ng galit na sabi ko. Mabilis ang pagtaas baba ng dibdib ko nang matapos kong sabihin iyon. Sa tanang highschool life ko ay ngayon lang ako nag-burst out and I must say it kind of feels good. Nagtaka ako nang hindi manlang sumagot ang mga kaklase ko na nakangangang nakatingin sa likod ko. Para akong hihimatayin nang lumingon ako sa likod ko at nakita si Luke na nakatayo sa loob ng gate. -- ✘ R E A D ✘ ✘ C O M M E N T ✘ ✘ F O L L O W M E ✘
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD