“Kakasabi ko lang na wala dito ang boyfriend ko dahil umalis sila ng parents niya!” nakakuyom ang kamao na sabi ko habang mabilis na nagtaas-baba ang dibdib ko. Nagtaka ako nang mapagtanto ko na wala sa akin ang pansin nila kung hindi ay nasa likod ko.
‘Teka, huwag mong sabihin na-‘
Marahas akong napahugot ng malalim na hininga nang lumingon ako at nakita ko ang napakapamilyar na itsura ng kaklase ko. To be specific ay nakita ko si Luke na nakatayo sa mismong pinto ng bahay na tinuro ko. He has this surprised look on his face and I know I reflect the same reaction on mine as well.
“L-Luke?!” bulalas ko at kabadong nilingon ang mga kaklase ko. Nakita ko naman si Kimberly na halatang natulala at type si Luke. Who wouldn’t? kahit ako nga ay nagagwapuhan sa kaniya.
“Aiko,” buo ang boses na sambit ni Luke sa pangalan ko at sinuyod ng tingin ang mga kaklase ko.
Kung minamalas ka nga naman ngayon. Sa dami ng bahay na nandito, ito ang sa tingin ko ay pinaka-safe na ituro pero dito pa pala nabulilyaso ang plano ko. At sa dami ng bahay na pwede si Luke na tumira ay dito pa talaga!
“K-Kanina ka pa ba diyan?” mabilis ang t***k ng puso ng tanong ko sa kaniya. Nararamdaman ko na ang unti-unting paghilo at pagsusuka ko dala na rin ng kaba. Kaba dahil alam ko na dodoble ang panunukso sa akin ng mga kaklase ko lalo na ni Kimberly kung malalaman nila ang katotohanan na gawa-gawa ko lang ang sinasabi ko kanina na may boyfriend ako.
“Yes,” tipid na sagot ni Luke. Kumabog ang puso ko nang dahan-dahan siyang lumapit sa akin. Nagbaba ako ng tingin nang hindi ko nakayanan na labanan ang tingin niya.
Ganoon na lamang ang gulat ko nang maramdaman ko ang braso ni Luke sa bewang ko. Nanlalaki ang matang tinignan ko ang bewang ko at hindi nga ako nag-iimbento lang ng pangyayari sa isip ko dahil totoo ngang nangyayari iyon. I gave Luke a questioning look.
“Babe.” Sabi niya habang titig na titig sa akin kaya alam ko na nakita niya ang paglaki lalo ng mga mata ko.
“Babe?!” narinig kong sabi ng isa sa mga kaklase ko sa likod.
“Whut da hell? Totoo pala iyon?!”
“Sana all!”
narinig kong sabi ng isa sa mga kaklase ko sa likod. Parang gusto ko tuloy mapa-hair flip sa mga reaction na narinig ko mula sa kanila pero masyado pa rin akong gulat sa ginawa ni Luke na hindi pa rin ako maka-recover.
“I’m sorry if I wasn’t able to tell you I am home. I don’t want to make you worry that I didn’t come with my parents,” malambing ang boses na sabi ni Luke habang ako naman ay hindi na maipinta ang mukha. Mabuti na lang at nakatalikod ako sa mga kaklase ko. Walang ingay akong napahiyaw nang bigla na lang kurutin ni Luke ang gilid ko.
“A-Ah! Nako babe, okay lang! sana kanina mo pa sinabi para pinuntahan na kita dito kanina pa at hindi sumama sa isang party!” may halong sarkasmo na sabi ko. Narinig ko naman ang pagsinghap ng mga kaklase ko sa likod ko.
“It’s alright babe. I want you to enjoy,” kung nagulat ako sa pagsakay ni Luke sa katangahan na ginawa ko ay dumoble ang gulat ko nang bigla na lamang siyang ngumiti. Feeling ko tuloy ay biglang bumukas ang langit at narinig ko na nag-awitan ang mga anghel dahil sa ngiti na iyon. ‘How can someone be this handsome dahil lang ngumiti?’ gwapo na nga siya kahit nakangiti tapos dumoble pa iyon noong ngumiti siya.
‘Minsan may favorite din si Lord eh.’
“Ahh!” parang tanga na sagot ko at tumango na lang.
“Are these your friends?” tanong niya at binaling ang tingin sa mga kaklase ko na kanina pa nanonood sa amin.
‘Friends? Lol. Hindi ko sila kaibigan.’
“Oo,” mahinang sagot ko. Napansin naman ni Luke ang biglang pag-iba ng boses ko.
“We were about to go out when the topic about Aiko’s boyfriend was raised and she said that you live here,” biglang sabi ni Kimberly at unti-unting lumapit sa direksyon namin ni Luke habang nakapaskil sa labi niya ang isang mapang-akit na ngiti. “I am glad it’s true,” dagdag niya sa nauna niyang sinabi at pinukol ako ng makahulugang tingin.
Agad akong nagbaba ng tingin nang maramdaman ko na nanuot iyon sa kaibituran ko. May pakiramdam ako na hindi pa rin siya kumbinsido. ‘Ganoon na ba talaga ako kapangit sa paningin niya na ayaw niyang maniwala sakaling totoo man ito?’
“I see,” tipid na sagot ni Luke habang walang emosyong na nakatingin kay Kimberly.
“Anyway, we are going out to have fun. You know, drink and all. You should come,” malanding sabi ni Kimberly at hinawakan pa ang balikat ni Luke.
Ramdam ko naman ang biglang paglalim ng hininga ko habang masama ang tingin ko sa kamay niya na nasa balikat ni Luke. Parang gusto kong kunin ang kamay niya pero nahihiya ako na gawin iyon. Feeling ko ay wala akong lakas na gawin ang kung ano man ang nasa isip ko dahil natatakot ako sa kung ano ang mangyayari pagkatapos. Gaya nito, dahil sa pagturo ko sa bahay ni Luke kaya nandito kami sa ganitong sitwasyon.
“I didn’t come along with my parents. What made you think I’ll join you?” malamig na tanong ni Luke na ikinagulat ko.
Pasimple akong umiwas ng tingin at tinakpan ang bibig ko nang bigla akong matawa. Kung ako ay meron pa na respeto kay Kimberly na hindi ipakita sa kaniya na natatawa ako ay kasalungat naman niyon ang mga kaklase ko na harapan pang tumawa. Agad na sumama ang mukha niya nang marinig ang mga kaklase naming na tumatawa.
“It’s my debut!” nagulat ako nang biglang tumaas ang boses niya kay Luke. Para siyang desperado.
“So?” taas kilay na tanong ni Luke. Umawang ang labi ko nang bigla na lamang siyang napapadyak sa sobrang inis.
“Whatever!” maldita na sagot niya kay Luke at pinukol ako ng masamang tingin. Natulala na lamang ako sa likod ni Luke nang mabilis naman niya akong tinago sa likod niya. Pabadog na nagmartsa si Kimberly pabalik sa grupo ng mga kaklase naming at hindi na muling lumingon.
“Let’s go!” malakas na sabi niya at nagpupuyos na nauna nang maglakad. Sumunod naman sa kaniya ang mga loyal alipores niya habang may iilan naman sa kaklase naming ang lumingon sa akin. Hindi naman lahat sa mga kaklase ko ay masama, may ilang lang talaga na sinasabayan si Kimberly dahli ayaw nilang maging target. For me, kahit wala silang ginagawa ay pareho na din silang guilty dahil tino-tolerate nila ang ginagawa ni Kimberly.
“Aiko? Hindi ka sasama?” tanong ng isang kaklase ko.
“I will drive Aiko home,” mariin na sagot ni Luke. Nagkatinginan naman ang mga kaklase ko at halatang kinilig sa sinabi ni Luke.
‘Hayy, kung alam niyo lang ang totoo’ I said to my mind at lumabas na mula sa pagtatago sa likod ni Luke.
“Bye guys! Magpapaiwan na ako,” paalam ko sa kanila at pilit na ngumiti. Tumango lamang sila at tuluyan nang umalis. Ito na talaga ang huling beses na sasama ako sa outing. Hindi ko na kaya pa na makipag sabayan sa pagkaplastic ni Kimberly at iba kong mga kaklase na natutuwa kung may inaapakan silang tao.
Nakatanaw lang ako sa mga kaklase ko na papalayo. Hang tumatagala ay parang nagsisi ako sa desisyon ko na magpaiwan dito, lalo na at ramdam na ramdam ko ngayon ang tingin sa akin ni Luke. “Now what?” tanong niya sa akin nang kaming dalawa na lang ang maiwan.
“Thank you so much, Luke. Hindi ko inaaasahan na marinig mo ang lahat ng kasinungalingang sinabi ko kanina,” mahina ng boses na sabi ko at nagtaas ng tingin sa kaniya. “Pero kahit ganoon ay salamat sa pag-save mo sa akin. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung wala ka,” madamdamin na sabi ko sa kaniya. Kung wala siguro si Luke ay paniguradong inulanan na ako ng tukso ng mga kaklase ko dahil sa pagsisinungaling ko.
“No problem,” kaswal na sabi niya. Doon ko lang siya tuloy natitigan ng maayos. Ito ang unang pagkakataon na nakita ko siyang nakasuot ng pambahay. Luke is just wearing a simple white shirt and a short pero may dating pa rin tignan sa kaniya.
“Thank you ulit!” sincere na sabi ko nang hindi ko na alam kung ano ang sasabihin ko.
“Okay,” tipid pa rin na sagot niya at namulsa. Pakiramdam ko naman ay biglang tumunog ang kwago sa sobrang tahimik at awkward sa pagitan naming dalawa. Magpapaalam na sana ako sa kaniya na uuwi na lang ako nang maunahan niya akong magsalita.
“Wait here,” naapsunod na lamang ako ng tingin sa kaniya nang mabilis siyang tumalikod at pumunto sa likod ng bahay nila. I stared ta the entire house of Luke. Kung maganda siya sa malayo ay mas maganda naman siya sa malapitan. Their house if mostly made of glass pero hindi iyong see through. Siguro kita kami nila sa loob pero hindi naming nakikita ang nasa loob.
Looking at Luke’s house now made me wonder kung ano kaya ang trabaho ng parents niya.
“Ay itlog ng kambing!” gulat na bulalas ko sa sinapo ang dibdib ko nang bigla na lamang may bumusina sa likod ko. Nanlalaki ang matang lumingon ako at nakita ang isang sasakyan na nakaparada. Mabilis akong tumabi dahil akala ko ay dadaan iyon o ano nang bumaba ang binatana sa may driver’s seat at nakita ko na si Luke pala ang nagmamaneho niyon.
“Let’s go!” yaya niya sa akin at binuksan ang pinto sa passenger’s seat. Masyado naman akong namangha na makita siyang nagmamaneho na muntik na akong umalis nang hindi manlang sinasarado ang gate nila. Mabuti na lang at sinabihan niya ako.
“18 ka na?” takang tanong ko sa kaniya nang makasakay na ako ng sasakyan niya.
“Yes. My birthday was last February 14.” Manghang nilingon ko si Luke na seryoso lang na nakatigin sa daan habang nagmamaneho.
“Seryoso? Valentines baby ka?!”
“Yes.”
“Amazing. Pareho pala kayo ni Janella. Ang kaibahan lang ay siya hindi pa legal tapos nagmamaneho na!” natatawang kwento ko sa kaniya. I saw the corner of Luke’s lips raised with what I said. Ang hirap sigurong pangitiin ng lalaking ito. Pero infairness, nginitian niya ako kanina.
“I see. Hindi naman siya mahuhuli kung hindi siya magpapahuli.” Pinukol ko si Luke ng hindi makapaniwalang tingin. Hindi ko inaasahan na maririnig ko ang ganiyang kataga mula sa kaniya.
“Gawain mo rin ano?!” tukso ko sa kaniya.
“Of course, what do you think of me? Saint?” sarkastiko na sabi niya. I burst out laughing instead na ma-offend sa sinabi niya o ano. Nakakatawa lang kasi akala ko puro isang salita lang ang alam ni Luke na isagot pero marunong din pala siyang maging sarcastic.
“Sino pala natira sa bahay niyo?” pag-iba ko ng usapan. Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit hindi ako nahihiya kay Luke. Noong una ko siyang nakaharap ay parang natatakot akong magsalita na gusto ko na lang ilunok ang dila ko para hindi na ako magkaroon ng rason na kausapin siya pero ngayon na-realize ko na hindi naman masama o masungit si Luke. Ganiyan lang talaga ang personality niya.
“No one,” akala ko ay iyon lang ang isasagot niya pero bigla siyang nagsalita. “Both of my parents were outside the country. I neither don’t have a siblings because I am an only child so I live alone,” kwento niya sa akin. Parang kinurot naman ang puso ko nang marinig ang sinabi niya. Nakakalungkot siguro kung ganon.
“Paano kung mga Christmas?! New year?!” hindi ko maiwasang itanong.
“I go to them or sometimes I celebrate it alone dahil tinatamad ako na lumabas ng bansa,” tipid na sabi niya at nagkibit balikat pa. “Anyway, where’s your place? Kanina pa tayo paikot-ikot,” nagulat ako nang tumingin ako sa labas at napagtanto na totoo nga. Kanina pa kami nagbabyahe pero nandito pa rin kami sa subdivision nila. Jusme.
“Hala, sorry! Turo ko na lang sa iyo!” sabi ko and gave Luke the direction to my house. Kaya pala pareho kami ng jeep na sasakyan noong kelan dahil dadaanan pala muna ang bahay niya bago sa amin. Hindi lang naman magkalayo ang bahay naming dalawa actually.
“Ngapala, sino pala ang sumundo sa iyo noong kelan?” takang tanong ko sa kaniya nang maalala ko na in-offer niya ako noong kelan na ihahatid niya sa mismong bahay ko.
“Oh, that was the driver. They went grocery shopping with the helper so I couldn’t ask them to pick me up so I decided to just go home through a public transportation. But then you invited me to a movie,” sabi niya. I bit my lip when I suddenly felt shy when I remember that time. Pero mas okay na lang ang pagkakataon na iyon kumpara naman ngayon na walang kaparehong kahihiyan ang naranasan ko.
‘Bakit ba sa lahat ng kahihiyan ko ay si Luke ang nandoon?!’ Hindi naman ako nagrereklamo. Nagtataka lang talaga ako.
“Diyan lang ako.” Tinuro ko ang dulo ng daan kung saan ang bahay naming. Guso ko sana na hanggang dito lang kami at huwag isakto sa mismong harap ng bahay namin dahil baka makita ni Mama o hindi kaya ni Toby, pero hindi naman alam iyon ni Luke na pumarada talaga sa mismong harap ng bahay naming.
‘Mukhang kailangan ko nang maghana na igisa ah?’ I said to myself at tinignan ang bahay naming. Malayo pa lang ay nakikita ko na ang itsura ni Mama na nakadikit sa likod ng kurtina habang nakatingin sa amin sa labas.
“Thank you, Luke,” sabi ko sa kaniya at nginitian siya.
Luke casually shrugged his shoulders. “Sure.” Tipid na sagot niya na mas lalong ikinalapad ng ngiti ko.
“Mabait ka rin pala no?” hindi ko maiwasang sabihin sa kaniya.
Luke scowled. “I don’t think I ever gave you a reason to think of me as a vile person.”
I burst out laughing one more time. Seryoso naman ang pagkakasabi niyon ni Luke pero hindi ko alam kung bakit ako natawa. Pero feeling ko hindi ito simpleng tawa lang kundi ay kinikilig na reaction. “Baliw! Ang ibig kong sabihin ay kung ano ka sa school. Sobrang tahimik mo kasi tapos tipid magsalita. Akala tuloy ng lahat ay masungit ka at hindi approachable,” pag-amin ko sa kaniya. Well, I know that sounds mean pero iyon ang totoo. Mas mabuti na alam na niya ngayon pa lang.
“Why would I talk to someone who is not talking to me?” kunot-noong tanong niya na tila isang napakahirap na tanong ang sinabi ko.
“Ang ibig kong sabihin ay subukan mo rin na makihalubilo sa mga kaklase natin. Mabait naman sila,” pag-convince ko sa kaniya. Ayoko lang kasi na isipin ng lahat na mga kaklase ko na ganoon si Luke. I don’t want him to have a wrong impression of him that’s why I am telling him this. Kakasimula pa lang ng klase, pwede pa itong ma-correct. Ayoko lang siya na maging loner is ever dahil lang sa maling impression na hindi siya approachable at masungit.
“Your point is gladly appreciated. Thank you for bringing that up,” formal na sabi ni Luke na ikinatawa ko.
“Tumakbo ka na lang kayang president ng council. Masyado kang formal. Bagay ka don!” natatawang biro ko sa kaniya at binuksan na ang pinto sa tabi ko. “Anyway, thank you so much for saving me! I owe you this one! Thank you rin sa paghatid!” sabi ko nang tuluyan na akong bumaba.
“Don’t you owe me two?” kunot-noong tanong niya.
Maging ako ay natigilan din at napaisip. Tama nga naman siya. Sinalba nan ga niya ako sa mga kaklase ko tapos hinatid pa niya ako sa bahay naming. Edi diba dapat dalawa na?
“Sige na nga!” napipilitang sabi ko at muling kumaway sa kaniya. “Mauuna na ako! Babye! Ingat sa byahe pauwi!” paalam ko at tuluyan nang tumalikod. I can hear Luke’s car roaring behind me pero hindi na ako muling lumingon. Nanginginig ang kamay na nilabas ko ang susi ng bahay namin at binuksan ang gate. Humugot ako ng malalim na hininga bago ako tuluyang pumasok.
I almost laughed when Mama opened the door quickly for me. ‘Isa talagang napakalaking marites si Mama!’ I said to my mind.
“Hi, Ma!” bati ko sa kaniya.
“Sino iyon?” nakataas ang kilay na tanong niya sa akin at nginuso ang daan.
“Ah, iyon ba? Kaklase ko po,” kaswal na paliwanag ko. For sure hindi naman niya nakita ang itsura ni Luke dahil heavy tinted iyong sasakyan niya.
“Babae o lalaki?” ayaw paawat na tanong niya at sumunod pa talaga sa akin sa kwarto ko.
Hmm, ano ngaba ang dapat kong isagot? Aaminin ko ba na lalaki? O magsisinungaling na babae? Kaso kung magsisinungaling ako ay baka malaman lang rin naman ni Mama sa huli na si Luke iyon. Hindi naman sa feeler ako pero paano na lang kung ihatid niya ako ulit? Diba? Tsaka, may trauma na ako sa pagsisinungaling.
“Sagutin mo ako kung kinakausap kita, Aiko,” demand ni Mama sa akin na ngayon ay nakakrus ang kamay sa dibdib niya habang nakatingin sa akin na nakaupo sa kama. Nakangiwing napakamot ako ng ulo. ‘Chismosa ka talaga, Melinda!’ I said to my mind habang nakatingin kay Mama na mukhang hindi ako tatantanan hanggang sa malaman niya kung sino ang naghatid sa akin.
“Lalaki po,” pag-amin ko.
“ANO?! LALAKI?! ITO NA NGABA ANG SINASABI KO!” OA na react ni Mama.
“Mama kumalma ka naman! Feeling ko tuloy ang ganda-ganda ko kung ganiyan ka!” natatawang biro ko sa kaniya. Kung iniisip niya na boyfriend ko na agad si Luke o magkaka-boyfriend ako. Ibig sabihin ay ganoon na lang kalaki ang tiwala niya sa itsura ko na may papatol sa akin.
“Bakit? Pangit ka ba?! Huwag kang magsasabi ng ganiyang salita ah? Respeto naman sa itsura ko!” nanlalaki ang matang sabi niya sa akin at nilagay ang ilang hibla ng buhok niya sa likod ng tenga niya sabay flaunt sa akin ng makinis niyang mukha. Kahit kasi may edad na sa Mama ay ang ganda pa rin niyang tignan at parang bata. Alam niya kasi ang mga skin care sa Japan dahil doon siya nanggaling.
“Oo na! Oo na! Hindi ko boyfriend ang kasama ko kanina ah? Kinaklaro ko lang sa iyo. Kaklase ko lang siya!” mariing paliwanag ko sa kaniya pero halata naman na hindi pa rin siya naniniwala.
“Asus! Di daw boyfriend. Tapos magkaklase pa sila. Ganiyan din nangyayari sa akin noon, tapos ano? Sa huli magiging boyfriend ko lang rin pala. Asus! Wag ka nang magdahilan sa akin, naging bata rin naman ako once,” confident na sabi ni Mama at natatawang umiling pa habang nakatulala sa kawalan at tila may sinasariwa sa isip niya.
Nakangiwing pasimple ko na lamang siya tinulak palabas ng kwarto ko dahil hindi ko na talaga masikmura na nakikita si Melinda nag anito. Mas okay na sa akin na makita siyang nagsusungit kesa sa mahangin. “Oo na, Ma! Maganda ka na! kaya nga dalawang beses kang nag-asawa eh,” naiiling na sabi ko.
“Maliit na bagay,” malakas ang tawa na sabi niya habang tinutulak ko pa rin siya palayo. Tsaka lang ako nakahinga ng maluwag nang tuluyan nang makalabas si Mama ng kwarto ko. Nanghihinang pinahiran ko ang pawis na namuo sa noo ko dahil sa pagtulak ko kay Mama. Ang payat naman niya pero ang bigat.
‘Sakaling magtaka man ako kung magiging mahangin ako sa huli, tatandaan ko talaga na kay Mama ko nakuha iyon’ I thought at naiilnig na nagpalit na ng damit. Mismong kakatapos kong magbihis nang malakas na tumunog ang cellphone ko. Basing from the sound of it ay mukhang galing iyon sa f*******:. Kinuha ko ang cellphone ko mula sa bag at tinignan kung ano ang notification.
Sa pangalawang pagkakataon ay nagulat na naman ako nang makita ang pamilyar na notification.
Luke Bautista sent you’re a friend request
“Shet! Nakita niya na dinelete ko friend request niya?!” natatarantang tanong ko sa sarili ko at kinagat ang kuko ko sa kamay. Iniisip ko pa lang ang reaction ni Luke nang malaman niya na dinelete ko ang friend request niya ay nahihiya na ako. Baka isipin non na ang gandang-ganda ako sa sarili ko.
“Ugh! Nakakahiya!” nakangiwing sabi ko at paulit-ulit na sinapok ang sarili ko. Bago ko pa man makalimutan na i-confirm siya o ma-delete ulit ang friend request niya ay mabilis ko nang pinindot ang accept button and immediately went out from f*******:. Nnaginginig ang kamay na pinatay ko rin ang notification ng f*******: o messenger dahil nahihiya ako sa kaniya.
“Bahala na bukas. Mag-explain na lang ako kung magtatanong siya,” buo ang boses na sabi ko at tumango sa sarili ko para lang rin mapangiwi dahil nahihiya talaga ako sa sarili ko. “Nakakahiya!”
--
✘ R E A D ✘
✘ C O M M E N T ✘
✘ F O L L O W M E ✘