“Ugh!” I groaned habang nagababasa ng pocket book. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa sarili ko at kahit anong pocket book ang basahin ko ngayon ay parang ang corny na ng dating para sa akin. Iyong tipo na parang expected ko na nag anito at ganiyan ang mangayayari. Nasobrahan na ba ako sa pagbasa ng pocket book at nagsasawa na ako? O baka naubos ko nang basahin ang lahat ng mgagadang pocket books at puro baduy na lang ang natira?
“Ugh! Ang corny talaga!” dikit ang kilay na sabi ko sa sarili ko habang nagbabasa.
“Stop reading if you don’t want to. Corny na nga binabasa mo pa rin,” naiiling na sabi ni Janella na katabi ko ngayon. Nandito kami sa parang kubo ng university kung saan kami tumatambay. Gumagawa kasi siya ng assignment naming sa isang subject dahil tinamad daw siya na gawin kagabi kaya sinamahan ko na lang. Nagawa ko na kasi iyong sakin kaya chill na ako ngayon. Senior high school is actually chill kumpara sa mismong high school. Karamihan nga sa mga lessons naming ay napag-aralan na naming noon para parang refresh na lang talaga sa lahat ng naaral na naming noon.
Sometimes hindi ko maiwasang maisip na parang saying lang ang dalawang taon naming sa senior high school. Parang inulit lang kasi, imbis na college na sana kami we are stuck and delayed for 2 years. But oh well, wala naman akong magagawa kung hindi i-enjoy na lang ang dalawang taon ko dito. Para tutok na sa pag-aaral sa college. Promise ko kasi sa sarili ko na titigil na ako sa pagbasa ng pocket book pagnag-college na ako.
Bumalikwas ako ng bangon mula sa pagkakahiga sa upuan at sumimangot. “Para taalga akong baliw recently. Wala na akong pocket book na nagugustuhan,” pagda-drama ko sa kaniya.
“Just find another book that you think you will like. Or try exploring other genres,” sabi ni Janella nang hindi manlang akong pinukol ng tingin.
“Maliban sa pocket book ay Greek mythology lang naman ang hilig ko. Pero ang problema ay masyadong mahal ang ganoong mga libro. Hindi kaya ng budget ko,” masama ang loob ng kwento ko sa kaniya. Dati kasi nagpapabili ako ng mga libro kay Mama pero napansin niya na sangkatutak na ang mga libro ko sa bahay kaya hindi na ulit siya bumili para sa akin. Mabuti na lang at kahit naiinis na siya sa dami ng mga pocket books ko ay hindi niya tinapon ang mga iyon o hindi kaya ibinenta. Meron kasi akong kaibigan dati na mahilig din magbasa ng pocket book kagaya ko na nagising na lang na wala nang natira sa mga libro niya dahil binenta lahat ng Mama niya. Kung ako siguro sa ganoong sitwasyon ay umiyak na ako.
“Then, wag ka na lang magbasa,” natatawang sabi ni Janella att nag-inat ng katawan. Mukhang tapos na siyang gumawa ng assignment.
“Tara?” yaya ko sa kaniya. Janella fixed her things.
“Tara,” yaya niya at tumayo na. Binalik ko na ang pocket book sa bag ko at inipit iyon sa pagitan ng isa sa mga libro na nasa bag ko. Mahirap na ay may ibang makakita nito. Kay Janella lang ako may tiwala na makaalam na nagbabasa ako ng ganitong klase ng mga libro. Baka kasi pagmalaman ng iba ay iisipin nilang weirdo ako o ano. Ganoon kasi ang nangyari sa akin noong high school sa dati kong paaralan. Tapos sinumbong pa nila ako sa teacher namin, na-confiscate tuloy ang dalawa sa libro ko. Mabuti na lang at binalik din sa akin ng teacher ko pag-graduate namin.
All of our classmates were already settled to their seats pagkabalik naming ng classroom at ready na for the next class. It’s been more than a month na rin nang magsimula na ang actual class at palapit na ang prelim namin. One thing I love siguro being a senior high school and as an incoming college student ay tatlong test lang ang meron. Unlike sa high school na apat tapos sa finals kailangan mo pang pag-aralan ang lahat ng lessons from first quarter.
“Good afternoon, Class!” natatarantang tinulak ko si Janella para bilisan niya ang paglalakad nang narinig kong nagsalita ang teacher namin sa likod ko.
“Ano ka ba?!” walang ingay na sabi sa akin ni Janella habang nakadikit ang kilay niya.
“Bilisan mo!” I mouthed to her at pasimpleng tinuro ang teacher naming sa likod ko. Parang doon lang naman natauhan ang bruha nang makita ang teacher naming at nagmamadaling maglakad papunta sa upuan namin. This is our last subject for this day and finally ay uwian na maya-maya. Kapagod, nakakapagod na tumambay lang buong araw dahil hindi naman pumapasok ang ilang mga teachers naming. Wiw! Tig 2-3 hours pa naman ang ilang subject namin.
“Good afternoon, Miss!” nakaramdam naman ako ng pagka-proud sa mga kaklase ko nang sa unang pagkakataon ay sabay na kaming bumati. Mukhang nasasanay na kami sa isa’t-isa ah?
“So this afternoon, we will be doing your activity and later on elect your classroom officers. We already have to choose the officers because there will be a general assembly after the class which is only for the elected officers because they will vote for the overall council of our department,” mahabang litanya ng teacher naming. Sa hindi inaasahan ay agad kong tinignan si Luke na nakatalikod sa akin. If there is someone I want to vote, it would be Luke.
Mukhang naramdaman naman ni Luke na nakatingin ako sa kaniya kaya lumingon siya sa akin. Akmang ittuturo ko sana siya nang mabilis siyang umiling at tumalikod na. Nanghahaba ang ngusong inirapan ko siya. Sabi ko na ngaba, may dual personality talaga ang lalaking ito. Ang bait niya kung kaming dalawa lang pero kung nasa school naman ay ang sungit. Imagine, akala ko ay magiging friends kami pero hindi manlang niya ako pinapansin!
“Is that understood everyone?” tanong ng teacher namin.
“Yes, Miss!” sabay-sabay na sabi namin.
“Alright then, if there is no more concern then let’s proceed to our activity.”
I bit my lip at pasimpleng tinignan ang mga kasama ko. They all look so serious habang tinitignan ang papel na binigay sa amin ng teacher namin. “So what’s the plan?” walang emosyon na tanong ni Luke at tinignan kaming lahat isa-isa.
‘Sa dami ba naman ng pwede kong magiging group mate siya pa talaga!’ I said to myself at umiwas ng tingin sa kaniya.
“Aiko,” parang sinilaban ang pwet ko nang bigla na lamang tawagin ni Luke ang pangalan ko.
“B-Bakit?” kabadong tanong ko at tinignan ang mga kasama ko na mabilis na umiwas ng tingin. Halatang lahat sila ay ilag at ayaw mapili ni Luke. L
“Do you have any suggestion?” tanong niya at inabot sa akin ang papel kung saan nakalagay ang instruction ng activity namin. This subject kasi is Religion and we have to create an activity wherein we showcase the religion that we are given.
“Umm,” kabadong sabi ko habang binabasa ang instruction sa papel. Hindi naman actually naka-specify kung ano ang dapat naming gawin. Nakalagay lang doon na we are free to be creative so kahit anong gawin naming ay ayos lang basta we can showcase the religion well and with respect of course. “How about video presentation?” suhestyon ko at tinignan si Luke.
“What about video presentation? Can you give us the details?” tanong niya at humalukipkip. Dumoble tuloy ang kaba na nararamdaman ko dahil baka hindi nila magustuhan ang ideya na naisip ko. I have an idea in mind but I am not sure if they will agree. Medyo tasky kasi ang idea na naisip ko.
“Um. Medyo tasky siya pero what if let’s make a travelogue type of video presentation? Aside from religion, we can use the countries where this religion is prominent as an introduction and stick to the main point which is the Islamic religion? We can base the story line sa mga dora or adventure time?” parang gusto ko tuloy sapukin ang sarili ko. Sa bawat sinasabi ko kasi ay mas lalong humihina ang boses ko.
“What do you think?” tanong ni Luke sa mga kasama naming at tinignan sila isa-isa.
“I think that’s a brilliant idea. But the problem is, is there anyone here that is good in video editing?” nag-aalangang tanong ng isa naming kassama na si Floryn. Oh diba? Angc ute ng pangalan niya. Ang cute din niya na tao. Ang liit niya kasi na babae.
Everyone remained silent after the question. I let out a heavy sigh and raised my hand. “Marunong ako,” presenta ko sa sarili ko. Syempre, hindi lang naman puro pocket book ang alam ko no? meron din akong hidden talent na tinatago ko lang. Ayokong ma-expose!
“Alright that’s it then. Let’s just pick our committee. I think we need a script writer, researcher, video editors and what more do you think we need?” tanong ni Luke habang tutok ang tingin niya sa papel at nagsusulat. Tinignan ko ang mga kasama ko na tumingin din sa akin. Napansin naman ni Luke ang pananahimik ng lahat kaya nagtaas siya ng tingin and gave us a questioning look. Nakaka-intimidate naman ‘tong maging kasama sa group work ang lalaking ito. Masyadong demanding!
“I think that’s it for now? Pwede naman nating pag-usapan and ibang details sa gabi. Let’s make a group chat na lang siguro for communication. For now, let’s think of other things that we can do?” suhestyon ko. Everyone nodded in agreement to me. Parang gusto ko tuloy i-pat ang likod ko. Never pa aking naging vocal sa mga suggestions na naisip ko noong high school dahil palagi akong binabara ng mga kaklase ko. Ngayon lang ako nakaramdam na pinapakinggan at tinanggap ang idea ko and I must say, it feels good. Thanks to Luke.
“Alright. Is everyone okay with that?” Luke asked and all of our members nodded. “If there is no other concerns and suggestions then I think that’s it guys. Thank you for your cooperation,” pormal na sabi ni Luke and dismissed everyone.
“Oh, group 5. Are you done planning out?” gulat na tanong ng teacher naming.
“Yes po, Miss,” magalang na sabi ng mga groupmate naming. Manghang nakatingin naman sa amin ang iba naming mga kaklase. Parang gusto ko tuloy mapa-hair flip dahil nauna kaming matapos.
“In my opinion, you should be the one running for president,” nagulat ako nang bigla na lang bumulong si Luke sa tabi ko.
“Para ka namang kabute!” sapo ang didbib na sabi ko sa kaniya. “Anong president? Ayoko nga! Diba sabi ko sa iyo ikaw ang bagay sa ganoong position. Mas firm ka magsalita kaya bagay ka don!” sabi ko sa kaniya.
“I will nominate you,” kaswal na sabi niya at nauna nang maglakad. Akmang hahabulin ko sana siya at pagsasabihan kaso natapos na ang ibang mga kaklase namin at nagsibalik na sa kanilang upuan. Nagpupuyos na bumalik ako sa upuan ko at pinukol ng masamang tingin ang pwesto ni Luke.
“You’re friends with your crush na pala,” natatawang kantyaw sa akin ni Janella.
Nandidiring tinignan ko siya. “Crush? Anong crush? Sino?!” kunyari ay walang ideya na sabi ko.
“Sino pa ba? Edi si Lu-“ mabilis kong tinakpan ang bibig ni Janella bago pa man niya masabi ng buo ang pangalan ni Luke.
“Kung mahal mo pa ang buhay mo ay mananahimik ka,” mahinang babala ko sa kaniya. Natatawang sinubukang alisin ni Janella ang kamay ko sa bibig niya ngunit hindi ko pa rin iyon binitawan. “Mangako ka!” gigil na sabi ko.
Janella nodded and so I finally let go of her mouth. Nataranta ako nang binuka niya ang bibig niya pero wala naman siyang sinabi. Inirapan ko na lamang siya nang mapagtanto ko na pinagtitripan lang ako ng bruha.
“So shall we proceed with the election of officers?” tanong ni teacher naming. Tumango na lang kaming lahat bilang sagot. “Alright. The position of the president is now open for nomination,” formal na sabi ng teacher namin. I looked around and saw that no one is raising their hand and so I raised mine. “Yes, Ms. Reyes?”
I stood up at nangiting tinignan si Luke na nakatalikod sa akin. “I nominate Luke Bautista for the position of the president,” mas lalong lumapad ang ngiti sa labi ko nang nilingon ako ni Luke at pinukol ng masamang tingin. Kemeng dinilaan ko siya dahil nakatingin ang teacher naming. ‘Pfft. Ano ka ngayon?!’
“Alright, Luke Bautista is nominated. Any more nomination?” tanong ng teacher namin. Masaya akong umupo dahil feeling ko ay nag-succeed ako sa plano ko.
“Yes, Mr. Bautista?” napabalikwas ako ng upo nang marinig kong tinawag ang pangalan ni Luke.
‘Don’t say it. Don’t say it!’ piping dalangin ko sa isip ko habang nakatingin sa likod ni Luke na tumayo na para sumagot.
“I nominate Aiko Reyes for the position of the president,” deretsong sabi niya at nilingon ako. Sinamaan ko siya ng tingin pero nginisihan lang ako hudyo.
“Bakit mo ako binoto?!” I mouthed at him. Imbis na sagutin ako ay dinilaan lang naman ako ng hudyo na ikinagulat ko. Hindi makapaniwalang nagpakawala ako ng malalim na hininga nang hindi na ulit ako nilingon ng baliw na hudyo.
“Alright. We now have 2 nominees for the position of the president. Anyone else?” tanong ng teacher naming pagkatapos niyang isulat ang pangalan naming dalawa ni Luke sa whiteboard. “Ms. Ramos?” marahas akong napalingon kay Janella nang marinig ko ang pangalan niya.
Janella stood up. “I Just want to ask Miss if the person with the second highest votes will be automatically the assistant?” tanong niya.
“Pwede rin naman to cut the time short. Is everyone amendable with that idea?” everyone nodded in response habang ako naman ay parang tanga na nakatingin lang kay Janella dahil medyo nag-lag ang utak ko at medyo hindi ko naintindihan ang sinabi niya. “That’s decided then, the nominee with second highest vote will automatically appointed as the assistant,” sabi ng teacher naming.
“Miss, if that is the case then I want to close the nomination for the president,” nakangiting sabi ni Janella at nilingon ako sabay kindat sa akin. Umawang ang labi ko nang ngayon ko lang napagtanto ang sinabi niya.
‘Ibig bang sabihin ay sinasarado na niya ang nomination? Parang kaming dalawa lang ni Luke ang nominee for president? Edi sure win kami dahil either sa amin magiging president and vice?!’
“I second the motion!” sagot naman ng isang kaklase naming na groupmate namin kanina sa school work. ‘Ganito kalaki ang tiwala nila sa akin? SA AKIN?!’
“The nomination for president is now closed. Who is in favor for Mr. Bautista for president?” I immediately raised my hand nang narinig ko ang pangalan ni Luke. Kabadong tinignan ko ang mga kaklase ko para tignan kung marami ba ang nag-raise ng kamay nila. Ganoon na lang ang kabog ng puso ko nang medyo kaunti lang ang nag-raise ng kamay nila.
Nanlaki ang mata ko nang lingunin ko si Janella at hindi siya nag-raise hand. “Huy! Itaas mo ang kamay mo! please! Ayokong maging president!” mangiyak-ngiyak na sabi ko.
“Kaya mo iyan!” naatatawang sabi ni Janella ang pat my back lightly. Parang gusto ko na lang maglupasay sa frustration nang binilang na ng teacher naming ang lahat ng nag-raise ng hand nila para kay Luke at hindi manlang iyon umabot sa kalahati.
“Okay, now for Ms. Reyes.”
‘Huwag mong sabihin na mas marami sa akin?!’
Bumagsak ang panga ko nang halos lahat ng mga kaklase naming ay tinaas ang kamay nila kabilang na si Luke at Janella. Alam ko sa sarili ko na ako na ang nanalo pero hindi ko pa rin matanggap. Hindi ko lubos maisip na ganito na lang kalaki ang tiwala nila sa akin para maging president, eh ni wala nga akong experience na maging ganoon! Never akong nagkaroon ng position!
“I guess that’s decided then, our class president is Ms. Reyes and for the position of vice president is Mr. Bautista. Congratulation! Is there anything you two would like to say?” tanong ng teacher naming.
Nanginginig na tinaas ko ang kamay ko. “Yes, Ms. Reyes?” nakangiting sabi ng teacher naming. Nahihiya akong tumayo.
“Miss, pwede po ba akong mag-back out? Sa tingin ko po kasi ay may ibang mas deserving kesa sa akin. Tsaka, hindi ko pa po naranasan na maging president kaya wala po akong ideya sa ganiyan,” mahinang sabi ko. Everyone was just staring at me including Luke and Janella.
Akala ko ay babawiin ng teacher naming ang position ko lalo na nang inamin ko na wala pa akong experience sa ganoon. Pero doon ako nagkamali. “I don’t think you are unfit for the position, just like what your classmates think. They wouldn’t vote for you if they don’t trust you,” gulat na nagtaas ako ng tingin nang marinig ang sabi ng teacher naming. My heart melted when I saw her face, iyong tipo ng expression sa mukha na parang sinasabi niya na naiintindihan niya ako at okay lang talaga na nakakaramdam ako ng ganito.
“Plus, if you still haven’t experienced being a leader then this is the opportunity coming after you,”pag-convince niya sa akin. I bit my lip when I suddenly felt torn. Totoo nga ang sabi ng teacher naming, magandang learning experience nga ang maging leader.
Nilingon ko si Janella nang maramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko. She smiled at me and nodded. Humugot ako ng malalim na hininga at pikit matang tumango. Narinig ko naman ang paghiyaw at palakpakan ng mga kaklase namin nang sa wakas ay pumayag ako. Nakaramdam naman ako ng init sa loob ko dahil sa reaction ng mga kaklase ko. Lahat sila ay mukhang masaya para sa akin. Natigilan ako nang mapansin ko si Luke na taimtim lang na nakatingin sa akin mula sa harap. Nagulat ako nang bigla niya akong nginitian at tumalikod. I was stunned for a moment pero naputol iyon nang hinila ako ni Janella paupo ulit.
“Dito ba iyon?” tanong ko kay Janella habang nakatingin kami sa labas ng isang room na puno ng mga tao. Tapos na ang class and we the newly elected classroom officers are headed to the assembly. ‘Naks! Feel na feel ang newly elected ah?!’ kantyaw ng isip ko.
“Feel ko,” sagot naman ni Janella na halatang nahihiya. Well, hindi naman ako papayag na ako lang maghihirap no? syempre sinama ko na rin si Janella na siyang secretary ng classroom namin.
“Let’s go,” malamig na sabi ni Luke at nauna nang pumasok sa loob. Nagkatinginan kami ni Janella at nagkibit balikat nang ma-realize namin na wala kaming choice. Kailangan namin na pumasok at um-attend kahit nakakahiya. Sumunod kami kay Luke at nakita siyang nakaupo. Tumabi na lang kami sa kaniya dahil maraming bakanteng upuan sa tabi niya. We waited for a few minutes and the nomination for overall council started. Nakahinga ako ng maluwag dahil never akong pinili habang si Luke naman ay ibang beses na naging nominee pero sinasamaan niya ng tingin ang mga taong bumuboto sa kaniya. Janella got the position of the treasurer.
Nakahinga ako ng maluwag nang nasa working committee na kami. They will still be a part of the official council pero wala lang silang position. Feeling ko kasi pagkatapos nito ay wala na.
“Alright guys! Last but not the least. For the muse and escort!” halos lahat ng mga tao ay humiyaw habang ako naman ay napangiwi. Hindi ko inaasahan na meron palang ganon. Parang wala naman kami non sa classroom kanina? “Let me just explain the role of the muse and escort. So these chosen people will be the representative of our department for the pageant for the University week and will also be the ambassador of our department. So the nomination for the muse and escort is now open.”
Agad kong sinamaan ng tingin si Janella nang nilingon niya ako at malapad na nginitian. “Pakiusap. Kung mahal mo ako bilang kaibigan ay hindi mo iyan gagawin,” mangiyak-ngiyak na sabi ko sa kaniya pero imbis na sundin ako ay sinunod niya talaga ang gusto niya.
“I nominate Ms. Reyes and Mr. Bautista as the muse and escort!”
--
✘ R E A D ✘
✘ C O M M E N T ✘
✘ F O L L O W M E ✘