“Still having a problem with reading?” tanong ni Janella na kakarating lang. “Paano mo nalaman?” takang tanong ko sa kaniya. “Your face says it all,” natatawang sabi niya at inayos na ang gamit niya dahil for sure parating na ang teacher naming in a while. I let out a heavy sigh at inuntog nag ulo ko sa libro na hawak ko. Sa loob niyon ay ang pocket book na binabasa ko. It’s been a week since wala na akong gana na magbasa ng libro dahil na-bored na ako. Hindi na ako nakakaramdam ng parehong excitement tuwing bumabasa ako noon ng libro. “Ganoon ba talaga ako kahalata?” nakangusong tanong ko. “Yup!” Janella said at humarap sa akin. “Why don’t you just write your own story? I mean if sawa ka na magbasa then maybe you should start creating a story that you think you want to read. “Hu

