“Hayy, sana all!” mahinang sabi ko sa sarili ko habang pinapanood ang t****k video sa cellphone ko. Bakit pakiramdam ko ay pinanganak ako ni God sa mundo na ito hindi para gawin ang utos niya na mag multiple kungdi tagangiti na lang talaga sa relasyon ng iba. Pangalawang ulit ko nang pinanood ang video nan aka-play sa phone ko pero nakangiti pa rin ko. Video kasi iyon ng babae na nagkaroon ng love life mula sa mga chatroom at ka-video call niya. “Hayy, sana all talaga!” nailing na sabi ko habang pinigipigilan ang sarili ko na mapangiti. Pagkatapos kasi ng isang taon na puro chat at tawag lang sila ay sa wakas nagkita na rin sila dahil pumunta ng Pilipinas ang lalaki at sinorpersa ang babae. Hindi ko tuloy maiwasang mainggit. Imbis dalawa lang sila ang nakangiti, tatlo na ngayon dahil kab

