2 ❤️

1227 Words
-MARCO- "Nag-123 ako," sabi ng babaeng kaharap ko. "Huh?" Anong sinasabi ng babaeng ito? "123." "123 what?" Naguguluhan ako sa sagot niya. "Ano?" Pati siya ay naguluhan na rin yata sa akin. "Ano ang 123? Bakit ka nagbibilang?" This girl is so weird. I thought to myself. "Nagtago, nakasakay, nakalibre ng pamasahe. Iyon ang ibig sabihin ng 123. Ang hina mo naman." Aba't! Ako pa ang sinabihan ng mahina. Sumilip siya sa labas ng bintana kaya napatingin din ako. Nakita ko na may papalapit ng driver sa bus. Mukhang iyon ang magmamaneho nitong sinakyan namin. Lagot na. Kinakabahan ako para sa madungis na babaing ito. Baka madamay pa ako sa kalokohan nito eh. "Sige, ililibre na kita ng pamasahe. Umupo ka na sa tabi ko." "A─ano?!" pasigaw niyang tanong. Naalarma naman ako nang maglingunan sa amin ang mga pasahero. Eskandalosa rin itong babaeng ito ah. "Ssshhh. Sabi mo huwag akong maingay? Ikaw itong magbubuking sa sarili mo eh," pang-aasar ko sa kaniya. "Baka kasi nagkakamali lang ako ng pagkakaiintindi eh." Nakaupo pa rin siya sa lapag ng bus habang nakatingala na nakatingin sa akin. Well, she look madungis but there's something in her that I can't explain right now. Tinapik ko ang upuan sa tabi ko. Pinauupo ko siya malapit sa bintana. "Move. Sit beside me. I will pay your transpo para makauwi ka na sa inyo." "Kaya lang ─ " The girl replied sighing. "Anong kaya lang?" I asked. "Pumunta ako rito para makita si Papa." Dama ko ang lungkot sa boses niya. "Umupo ka na nga muna rito sa tabi ko." Sumunod naman siya sa sinabi ko. Pinanood ko lang siya hanggang sa makaupo sa tabi ko. Magsasalita na sana ako nang may tumapik sa balikat ko. Iyong driver kanina na nakita ko ang tumapik sa akin. Seryoso ang mukha niya na nakatingin sa akin pati na rin sa babaeng katabi ko. "Marco?" "H-huh?'' Bigla ako nakaramdam ng kaba. ''W-why? Is... Is there something wrong? I'm gonna pay for two, she's with me so what's wrong?" I answered but deep inside, I felt so nervous. May ginawa ba kaming mali? Hindi naman kami mag-wa-one-two-three ah. "Ah, mukhang ikaw na nga iyong hinahanap niya. Sumama kayo sa akin," maawtoridad niyang utos. "Someone looking for me? Sino naman iyon?" I asked myself. "Sir Marco!" Nagulat ako nang makita ko si Mang Danny sa unahan ng sasakyan. Naku! Lagot na! Paano niya ako nasundan dito? 'Di ba tulog na siya kanina pa? "Papa?" Napatingin ako sa katabi ko nang bigla siyang tumayo. Siya ba iyong nagsalita ng papa? "R-Rita? A-anong ginagawa mo rito?" Mang Danny looked so surprised. Anong kaguluhan ang nangyayari rito? Bakit kilala ni Manong Danny ang katabi ko? At tinawag niya itong Rita. "Papa..." Napansin ko ang paglandas ng luha mula sa mata niya. ***** I still can't believe what's happening right now. Plantsado na sana ang pagtakas ko. Abot-kamay ko na sana ang Manila. Malapit ko na sana malanghap ang amoy ng QC. As in malaki na talaga ang tsansa ko na makabalik kung hindi dahil sa tadhana-tadhana na iyan. Biruin mo, nang dahil sa pinakinggan ko ang kantang iyon, literal na mangyayari ang tadhana sa paligid ko. Sa hindi inaasahang pagtatagpo namin ng babaeng iyon─ayon sa aking pagkakarinig ay tinawag siyang Rita, nalaman ko na ang tinutukoy niya pala na papa ay ang katiwala ng mga magulang ko dito sa beach house namin, si Mang Danny. Sa pagnanais na makita ang kaniyang ama na ilang linggo na rin hindi nakakauwi sa kanila ay tumakas siya sa bahay nang wala raw paalam. Labis kasi ang pag-aalala niya sa kaniyang ama kaya gumawa ito ng paraan na makarating dito kahit hindi alam ang tiyak na kinaroroonan nito. Basta ang alam lang daw niya ay nasa San Narciso daw ito. Napaka-suwerte niya dahil hindi siya pinabayaan ng tadhana. Wala na akong magawa nang yayain kami ni Mang Danny na umuwi na. Ayon sa kaniya, inutusan siya ng mga magulang ko na bantayan at alagaan ako habang nandito ako sa San Narciso. Bukod sa pangangalaga nitong bahay, responsibilidad na niya ngayon ang kapakanan ko kaya todo bantay talaga siya sa akin. Nang malaman niya na wala ako sa bahay, agad siyang dumiresto sa terminal ng bus. Mukhang hindi madaling takasan si Mang Danny ah. Tanaw ko mula sa terrace sa loob ng bahay sina Mang Danny at Rita. Seryoso sila ngayon na nag-uusap sa living room. Inobserbahan ko ngayon ang bagong paligo na dalaga. Nalaman ko sa tatay niya na 17 years old na ito. Dahil solong anak ako at wala akong kapatid na babae, pinahiram ko siya ng damit at short ko. Nakakahiya nga kasi pati brief ko ay pinahiram ko na rin sa kaniya. 'Di bale, mukhang uuwi rin naman si Rita bukas. At syempre aalis na rin ako rito. Kakausapin ko na lang si Mang Danny. Bibigyan ko na lang siya ng pera kapag hinayaan niya akong makaalis ng payapa. Tinitigan ko si Rita na dalagang-dalaga ang dating sa pagkakaupo. Patuloy lang sa pagsasalita si Mang Danny habang siya ay nakikinig lamang na nakatitig sa kawalan. Alam kong Badjao sila, si mommy na rin ang nagkuwento sa akin. Tubong-Zamboanga ang pamilya nila. Plano sana ng pamilya nila na manirahan sa Maynila, pero sa hindi ko malamang rason ay sa Lucena na sila tuluyang nanirahan. Sa totoo lang, wala akong alam sa Badjao. Ang sabi lang sa akin ng mga kaklase ko, sila raw iyong malimit na makita sa lansangan na namamalimos, umaakyat sa jeep, nagbibigay ng sobre sa mga pasahero, kumakanta sa lenggwahe nila. Mayroon pa raw na namamalimos na magulang habang karga ang anak nila na baby pa. May mga nakikita nga akong ganoong tao sa lansangan ng QC. Marami sila na namamalimos. Kinuwento nga rin sa akin ng iba ko pang kaklase, na kapag daw hindi ka nagbigay or naglagay ng pera sa sobre nila, ang mga Badjao pa raw ang nagagalit. Seriously?! Sila pa talaga ang may gana magalit kapag hindi nabigyan? Hindi naman kasi ako sumasakay sa mga public vehicle sa Manila. Hatid-sundo ako ng mga magulang ko sa school. Sabi sa akin ni daddy, kapag nakakuha ako ng average grade na 85% and above, bibilhan nila ako ng sarili kong kotse. Pero dahil sa grade ko na 81.9%, na kung tutuusin pasado pa iyan, tinapon nila ako dito sa beach house. Mananatili ako rito ng dalawang buwan, sa buong bakasyon na ako lang, kasama si Mang Danny. At wala raw akong matatanggap na kotse sa susunod na birthday ko! Sumakit ang ulo ko dahil sa isiping iyon. Nang dahil sa nangyari, hindi matutuloy ang plano namin nila Edmund at Hyacinth na makapag-tour outside the country. Matagal na kasi namin gusto makapunta sa Singapore. Pero wala eh, bumagsak ako ngayon dito sa liblib na lugar sa Quezon Province. Muli kong binalik ang tingin sa mag-ama. Nahuli kong nakatitig sa akin ang anak ni Mang Danny. Our gaze lasts for about 10 seconds. Nagbilang pa talaga ako. She smiled at me before she turned to her father who still talking. As I was looking at her, I noticed her eyes. Yes, she have pretty and attractive eyes. Great body curves, nice mouth and soft features. Parang nagbagong-anyo siya pagkatapos niyang maligo. So fresh, young and innocent. Tsktsk, what am I thinking? Marco, iligo mo na lang iyan kung ayaw mong magliyab.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD