1 ❤️
-MARCO-
Hindi ako makapaniwala na kayang-kaya gawin sa akin ng mga magulang ko ito. Nag-iisa nila akong anak pero kung ituring nila ako ay parang tau-tauhan lang nila. Just because I have the worst grade this school year, they decided to leave me here, all alone by myself for two months ─ with Mang Danny pala, ang katiwala namin dito sa beach house.
Oh yes, summer vacation is very important to all young teens like me. This is the season where my age need to have fun, have a break from a disaster class, from a terror teacher, from unexpected exam, at kung ano-anong project. Dapat ay nag-e-enjoy ako, nagsasaya kasama ng mga kaibigan ko. Pero nang dahil sa lecheng 81.9% over all grade ko, nagdesisyon sila na iwan akong mag-isa rito sa beach house namin na malayo sa kabihasnan, malayo sa Maynila!
Mahina ang signal ng telecommunications, malayo sa malls, no night life, no party with my friends, and I'm sure, no pretty girls live here. Syempre naman, ang mga magagandang babae ay nasa Maynila lang. Pero sa lugar na katulad nito na probinsyang-probinsya, paniguradong mga manang ang mga nakatira rito, mga mangmang, walang alam sa buhay, mga slow!
Ugh! Hindi ko kakayanin mabuhay sa ganitong lugar. Gusto ko nang bumalik sa Manila. I miss everything that I have there. Parang masisiraan na ako ng bait, to think na wala pa akong isang oras na iniwan ng magaling kong mga magulang.
Nakaupo lang ako rito sa kama. Pinagmamasdan ang dalawang maleta na nasa harap ko. Ano kaya kung bumiyahe rin ako pabalik ng Maynila? Kay Edmund na lang muna ako makikituloy. Kaya lang mahirap din, baka isumbong lang ako ng parents niya kapag nalaman nila na nasa bahay nila ako. Ano kaya kung mag-stay muna ako sa hotel? Kahit mumurahin na hotel lang, basta ang importante ay makabalik din ako agad sa kabihasnan. Pakiramdam ko kasi ay dadapuan ako ng malubhang sakit kapag nagtagal pa ako rito.
Naputol ang pagmumuni-muni ko nang may narinig akong kumatok mula sa labas ng kuwarto ko. "Sir Marco, nakahanda na ang hapunan."
Si Mang Danny iyon, ang katiwala nila mommy at daddy na matagal ng nangangalaga nitong beach house namin. Once a year kung umuwi kami rito. Usually, nananatili lang kami ng isang linggo para magbakasyon then babyahe na rin pabalik ng Maynila dahil na rin sa negosyong pinagkakaabalahan ng mga magulang ko. We're not that super rich, iyong sakto lang na hindi mahirap at hindi rin masyadong mayaman. Sapat lang na nasusunod ang lahat ng gusto ko dahil na rin sa solong anak ako. Malungkot ang walang kapatid, pero sanay na rin ako mag-isa. Isa pa, tinuturing ko naman na kapatid ang best friend ko na si Edmund.
"Thanks, Mang Danny. Bababa na lang po ako kapag nagutom!" pasigaw kong sagot mula sa loob ng kuwarto. Pagkatapos noon ay hindi na rin naman sumagot si Mang Danny.
*****
Pinalipas ko muna ng ilang oras bago ako lumabas ng kuwarto. It's already 8pm. Desidido na talaga akong bumiyahe ngayong gabi. Pagtataguan ko na lang muna pansamantala sila mommy at daddy. Wala na rin naman sila magagawa kapag nakabalik na ako ng Maynila. Kasalanan nila eh, nakalimutan nila kunin sa akin ang ATM ko.
Dahan-dahan akong naglakad sa hallway ng second floor. Maingat akong bumaba mula sa itaas. May mga ilang ilaw na nakasindi sa kabahayan. Hinanap ng mata ko si Mang Danny pero hindi ko siya nakita. Siguro ay nagpapahinga na iyon sa kuwarto niya.
Okay! Hindi ako mahihirapan na makatakas.
Hindi na ako kumuha ng maraming damit mula sa dalawang maleta ko. Sapat lang ang damit na kinuha ko para sa isang linggong pananatili sa bahay ni Edmund or sa pag-stay ko sa hotel. Mahihirapan lang ako kung dadalhin ko ang sangkaterbang damit na si mommy mismo ang naglagay sa mga maleta. Talagang gustong-gusto na nila ako palayasin sa bahay. Kulang na lang yata ay ilipat ang kuwarto ko papunta rito sa beach house eh. Pero 'di bale, makakabalik din ako sa aking teritoryo. Muling magiging masaya ang bakasyon ko. Makikita ko na rin sa wakas ang aking langit, si Hyacinth.
Malaya akong nakarating sa bayan ng San Narciso, dulo na ito ng Quezon kaya mahaba-habang biyahe ang mangyayari bago ako makabalik sa Maynila. Sinilip ko ang laman ng aking wallet. May 2,000 pa ako, sapat na siguro ito para sa pamasahe ko pauwi. Binalik ko sa back pocket ng jeans ko ang wallet.
"Kuya, saan po ang sakayan papuntang Manila?" magalang kong tanong sa ilang kalalakihan na nakita ko sa terminal. Tinuro naman nila sa akin ang sakayan at nagpasalamat ako sa kanila. Kabado pero nasasabik din ako sa adventure na gagawin ko. Ito kasi ang unang beses na babyahe akong mag-isa mula sa malayong lugar katulad nitong Quezon Province.
Naghanap ako ng air conditioned na bus pero halos lahat dito ay ordinary. Wala na akong mapagpipilian kung hindi ang sumakay na. Hindi ito ang oras para mag-inarte at mag-feeling rich kid kaya umakyat na ako at naghanap ng mapagpupuwestuhan. Pinili kong umupo sa pinakadulo ng bus kaya naman lumakad na ako hanggang sa marating ko ang dulo.
Napakunot-noo ako nang may makita akong kakaibang bagay sa dulo ng bus. Nababalutan iyon ng tela. Actually madungis iyong tela na ipinantakip sa bagay na iyon. Dahil gusto ko talagang umupo sa dulo kahit na kaunti pa lang ang mga pasahero ay umupo na rin ako. Sana lang ay hindi umabot ng isang oras ang ipaghihintay ko bago kami bumiyahe. Naiinip na talaga ako eh.
I picked my phone from my pocket and started to listen to random music in my playlist. Kinabit ko na rin ang headset sa tainga ko and closed my eyes to feel and embrace the meaning of the song. I chose Tadhana by Up Dharma Down. Actually, I'm not into tagalog songs but this really hit me. Narinig ko lang ito sa TV, sa mga singing contest. Suki kasi itong kanta sa mga contestant at na-hook talaga ako nang minsan pinakinggan ko ito kaya si-nearch ko ito sa Youtube. Malalim ang tagalog na ginamit.
Feel na feel ko ang kanta nang may maramdaman akong may dumausdos sa tuhod ko. Pagdilat ko ay nahagip ng mata ko ang paggalaw ng bagay na nasa tabi ko. Iyon ang bagay na nababalutan ng tela. Nilakasan ko ang loob ko na alamin kung ano ang bagay na iyon. Bahagya ko itong sinipa at nagulat ako nang marinig ko itong dumaing ng "Aray!"
Sukat sa narinig ay tinanggal ko ang telang iyon at bumulaga sa akin ay isang ─
"Tao?!"
Maski siya ay nagulat din nang makita ako. Pero syempre mas nakakagulat siya dahil sa maduming damit at hitsura niya. Kita ko sa mukha niya ang pag-aalala kaya naman agad siyang sumenyas ng "Ssshhh" habang nakalapat ang isa niyang daliri sa kaniyang labi. Ibig sabihin ay pinatatahimik niya ako.
"Bakit nandiyan ka?" pabulong kong tanong sa kaniya.
"W-wala akong pamasahe," tipid niyang sagot.
"Saan ka ba nakatira?"
"Sa Lucena."
"Lucena? Medyo malayo iyon dito sa San Narciso ah. Bakit ka ba napadpad dito kung wala ka palang pamasahe?"
Tinampal niya ang tuhod ko at sumimangot. "Huwag ka maingay, baka mahuli ako ng driver."
Tumingin naman ako sa kapaligiran. Medyo dumadami na rin ang pasahero. Nangangamba ako para sa babaing ito kapag nahuli siya ng bus driver at konduktor na nagtatago rito sa dulo ng sasakyan. "Bakit ba kasi wala kang pera? Pupunta-punta ka rito tapos iyon naman pala, wala kang pera pauwi sa inyo."
"Nag-123 ako."
"Huh?" Anong sinasabi ng babaeng ito?