Lucio's POV Hindi nakakain ng lunch si Skyla dahil napahaba ang tulog niya. Ako tuloy ang nag-enjoy sa mga masasarap na pagkain na kinain ko kaninang tanghali. Habang wala pa siyang tawag, ginamit ko na muna nang ginamit ang kotse sa may garden. Alas dos na ng hapon nang makatanggap ako ng tawag mula sa kaniya. Pinapatawag na niya ako kaya umakyat na agad ako sa itaas. Pagdating doon ay agad ko namang binuksan ang pintuan. Namilog na naman ang mga mata ko nang makita kong hubu't hubad siya. "Oh, bakit na naman po ganiyan ang itsura mo?" tanong ko sa kaniya. Nanlalaki na naman tuloy ang mga mata ko. "Akayin mo na ako papunta sa closet room. Magbibihis na ako at may pupuntahan tayo," sabi niya kaya nagulat ako. Sinunod ko naman ang inutos niya. Dinala ko na siya sa closet room niya. S

