Lucio’s POV “Bakit po, Don Simon?” tanong ko sa kaniya habang takot na takot. Nanginginig tuloy ang kamay ko habang hawak-hawak ang isang basket na puno ng strawberry, na iaabot ko dapat kay Donya Kyla. “I will kill you, Lucio! I don't like the smell of strawberries. I can't breathe!” galit niyang sabi habang namumula na ang mga mata. Kitang-kita rin sa mukha niya na halos mamula-mula na rin ‘yon. Dumating si Miss Isha, galing din siya sa itaas at nakita niya ang hawak-hawak kong basket na punong-puno ng strawberry. “Oh, my God, Lucio! Akin na nga ‘yan! Hindi mo ba alam na maamoy lang ni Don Simon ang presa ay ina-allergy na agad siya!” sigaw ni Miss Isha na agad namang inagaw sa akin ang basket ng strawberry para ilayo kay Don Simon. “Patawad, Don Simon. Wala ho akong alam na may al

