Lucio’s POV Mabuti na lang at hindi traffic sa mga daan. Natupad ko ‘yung gusto niya na tatlong oras lang ang biyahe papunta dito sa Purple beach sa may Zambales. Bababa na sana ako nang pigilan niya ako. “Wait, sinunod mo ba ‘yung sinabi kong kulay ng suot mong polo at short?” tanong niya bigla sa akin. “Opo, puting polo at skyblue na short, tama po ba ‘di ba?” “Oo, ganiyan nga.” “Teka, bakit po ba? May kulay po ba talaga ang attire kapag pumunta dito sa Purple Beach?” Tinignan ko naman siya. Naka-white dress siya at saka skyblue na headband kaya mukhang may color attire nga rito. “Wala, nabalitaan ko lang kasi na ‘yung ex-boyfriend kong may-ari na ng resort na ito ay nagbalik-bayan na. Gusto ko lang siyang pag-trip-an, gusto kong ipamukha sa kaniya na may iba na ako,” sagot niya

