Chapter 11: Meeting the in-laws. THIRD PERSON'S POV "Dad, can I talk to you?" habol na tanong ni Raven Oskey sa kanyang ama nang makitang pababa na ito mula sa hagdanan. Base pa lang sa ayos ng kanyang ama ay alam niyang ready na itong papasok sa trabaho nito. Pero naalala niya na ugali na nila ang kumain ng agahan ng sabay-sabay. Kahapon pa balak niyang kausapin ang daddy niya sa totoo lang pero hindi niya matiyempuhan lalo na't abala ito sa kompanya nila. Nang makauwi namin kagabi ay masyado ng malalim ang gabi para kausapin pa niya ito dahil halatang pagod na pagod ito. At ayaw niyang kausapin ito kung kasama nila ang kanyang ina. Alam niya ang ugali ng mommy niya. Matapobre at masama ang ugali. Pero wala siyang magagawa at hindi naman niya ito mapipigilan sa nais nito dahil ina n

