Chapter 4:Questions
ALEIXHA MEDLEY ALTARAZA-SULLIVAN'S POV
GUMISING ako nang maaga para ipaghanda ng breakfast ang asawa ko. Maaga? Or hindi lang talaga ako nakatulog kagabi dahil may bumabagabag sa isip ko?
Nakita ko naman na papasok na sa kusina si Laven.
"Good morning, honey," bati ko sa asawa ko at hinalikan siya sa labi.
"Morning," aniya at mabilis din siyang dumistansya sa akin kaya dahilan na kumirot bigla ang puso ko.
"Laven..."
Dumiretso lang siyang umupo at tumabi naman ako sa kanya.
I bit my lower lip and I took a breath saka ko kinuha ang fried rice at akmang lalagyan siya nito nang mabilis na nagsalita siya.
"You don't need to serve me, Aly. I can handle myself," malamig na sabi niya at sumikip na naman ang dibdib ko.
Nakakapanibago ang asawa ko ngayong umaga na ito kaya hindi ako nakak pag-isip nang maayos.
Hindi ko natatagalan ang galit sa akin ni Laven kaya madalas ako ang nagpapa-kumbaba sa kanya.
"Honey, are you still mad at me?" tanong ko sa kanya at napahinto siya.
"No, can you just eat your breakfast, Aly? I don't want to waste my time talking with nonsense. I have work to do and this morning I'll getting busy. " diretsong sabi niya at napayuko ako.
Nawawalan ako ng sasabihin kung ganyan siya kalamig makitungo sa akin. Nasasaktan ako, eh.
Simula nang ikasal kami ni Laven ay bihira ko na siyang nakikitang ganyan. Na malamig ang pakikitungo sa akin. Usually kasi ay sweet siya at mabait pero ngayon? Ibang-iba siya, hindi siya ang asawa ko.
"Laven, galit ka."
"Fvck! I am not!" Napapikit ako nang bigla siyang sumigaw at nagmura pa.
"Laven..."
My tears is started to fell from my eyes at binalot na ako ng takot at kaba sa dibdib.
Nabitawan ko ang platong may laman na fried rice at dumagundong ang ingay ng pagkabasag nito. Naramdaman ko naman ang paghapdi sa kanang paa ko. Pero nanatili pa rin akong nakatayo at parang wala sa sarili.
One thing I found it ay nasa mga bisig na ako ni Laven at pilit na inaalo ako.
"I'm sorry, wife, I'm so sorry."
Narinig ko na naman ang sariling hikbi ko at parang wala na itong bukas. Feeling ko kakapusin ako nang hininga.
"I'm so sorry, honey, I lose my control and shout you. I'm sorry, stop crying." Hinagod niya lang ang likod ko at masuyong hinahalikan ako sa noo.
"Don't cry please, wife, kumain na lang tayo." He cupped my jaw at pinunasan ang mga masaganang luha ko.
"Hindi na mauulit iyon, okay? I'm sorry, kumain na lang tayo, huh?" I'll stop crying and I nodded. Natakot ako kanina, nagkakaroon ako ng anxiety bigla-bigla.
Napapikit ako ulit ng maramdaman ang mainit na pagdampi ng mga labi ng asawa ko sa noo ko at ang higpit nang yakap niya sa akin.
Inalalayan niya akong umupo ulit at lumuhod siya sa harapan ko.
"You have wounds and that's because of me, nasaktan na naman kita," aniya at umiba na naman ang facial expression niya. Regrets.
"This is my fvcking fault," mahinang pagmumura niya at sapat na para marinig ko iyon.
Tiningnan ko ang sugat ko sa kanang paa ko.
"M-Maliit na sugat lang 'yan, Laven," sambit ko sa mahinang boses.
"No, kung maaari ay ayokong makakakita ng dugo mula sa 'yo. Kahit isang patak pa 'yan ay sugat pa rin at hindi mo pa rin maiiwasan na makaramdam ng sakit. I'm sorry, it was my fault. Stay here, kukunin ko lang ang first aid kit, honey, " aniya at hinalikan muna ako bago siya tumungo sa itaas.
By just his reaction ay nakahinga ako ng maluwag, "Bumalik na siya sa dati."
Bumalik si Laven na dala-dala ang first aid kid at mabilis na ginamot ang sugat ko.
Seryoso siya at walang emosyon ang mukha niya habang ginagamot ako.
"Can I ask you something, Laven?"
"Ask away," aniya nang hindi ako sinusulyapan.
"Saan ka ba nagpunta kahapon? At sino ang kasama mo?" natigilan siya sa tanong ko at saglit na sinulyapan ako.
"I was in a bar, yesterday. I'm with... k-kasama ko kagabi si Torry."
Hindi ko alam kung bakit nababahala ako sa sinagot ni Laven. Parang may mali, parang may tinatagong lihim si Laven sa akin. Hindi niya lang sinasabi.
"Iyong totoo, Laven."
"You don't trust me, huh Aly? Mag-asawa tayo kaya huwag mo akong pagdududahan. Sa ganitong sitwasyon tayo ang magkasangga. Ako lang ang paniniwalaan mo at ikaw lang ang paniniwalaan ko. Kaya hindi tayo maglilihim sa isa't-isa."
"Pero galit ka."
"I'm not, hindi ako galit sa 'yo. Mahal kita kaya bakit ako magagalit sa 'yo?" Malamlam ang mga mata kong tiningnan ang asawa ko at mukha naman siyang nagsasabi ng totoo.
"Hindi ba kayo nagkita ni Alica?"
"No, sino ba ang nagsabi niyan sa 'yo na nagkita kami? Aly, I'm just with Torry. No one else."
"Okay," sabi ko na lamang iyon, tumahimik na lang ako at tumabi na nang upo sa akin si Laven. He held my hand at hinalikan niya ito.
"Ako naman ang magtatanong sa 'yo."
"S-Sige."
"I noticed this past few days, palagi kang emotional at nagiging iyakin. You are not usually do that. May problema ba, Aly? May nangyari bang masama sa 'yo?" nag-aalalang tanong niya sa akin at umiling ako.
"May nililihim ka sa akin."
"Wala! Wala naman," diretsong sabi ko at napatawa siya.
"Defensive masyado, alright I'll trust you. Kumain na lang tayo okay?" malambing na sabi niya at tumango na lang ako at nagsimula na kaming kumain.
Pero nasa isip ko pa rin ang mga sinabi sa akin ni Jullie at ang mga sagot ni Laven sa akin.
Sino ba ang paniniwalaan ko? Ang pinsan ko ba o ang asawa ko?
Pero tama si Laven dapat sa kanya lang ako nagtitiwala. Pinsan ko si Jullie pero tama naman si Laven ang paniniwalaan ko dahil asawa ko siya.
***
ALICA's RESTAURANT
"ALY! Ikaw pala! What brought you here, cousin?" Sinalubong ako agad ni Alica at marahang hinila sa may bakanteng table.
Maganda ang resto ni Alica. Malawak at maayos ang arrangement ng mga chairs and tables. Marami ring mga customer ang kumakain sa loob. May soft music pa ang pinapatugtog nila. Malamig na buhat ng airconditioner.
"Na miss kita, ah. The last time we saw each other ay noong nakaraang buwan pa. Busy ka ba sa Publishing House niyo, Aly?" tanong niya at tiningnan ko siya nang mabuti.
Mabait at mahinhin kung kumilos si Alica, kaya napaka-imposible naman mangyari ang mga sinasabi ni Jullie. Dahil hindi siya ganoong uri ng babae. Saka hindi siya pumupunta sa bar. Para lang mag-enjoy.
"Oo nga, busy kasi ako sa pagtatapos ng manuscript ko. Alica, may itatanong lang ako sa 'yo," panimula ko. Kinakabahan ako, to be honest.
"Sure cousin, what is it?" nakangiting tanong niya sa akin. She looks innocent.
"N-Nagkita ba kayo ni...ng asawa ko kagabi?" tanong ko at kitang-kita ko sa mukha niya ang pagkagulat pero mabilis din iyong umiba. Nginitian niya ako at hinawakan sa kamay.
"Hindi, bakit namin kami magkikita? Busy ako kagabi sa pagluluto ng bago kong ingredients. So, buong magdamag ako rito kagabi. Matagal ko na ring hindi nakikita si Kuya Laven, ano?" Parang nawala rin ang tinik sa puso ko at nakahinga ako nang maluwag.
I just smiled at her.
"May itatanong din ako sa 'yo, Aly," aniya at sumeryoso siya bigla.
"Sige, ano naman iyon, Alica?"
"Kailan kayo magkakaanak ni Kuya Laven, Aly? I heard from Tita Gaith na gustong-gusto na raw ng asawa mo na magkaanak," napahinto ako sa sinabi niya.
"H-Hindi pa sa ngayon, Alica," sagot ko. Kinabahan na naman ako.
"Bakit? Ilang taon na rin kayong magkasama, Aly, dapat magkakaroon na kayo ng anak. Kailangan ni kuya Laven ng taga-pagmana. Kilala mo naman ang bruha mong mother-in-law, 'di ba? Dapat bigyan mo na sila ng apo at sa tingin ko mas matutuwa pa ang asawa mo, Aly."
"Ang totoo niyan Alica..."
"Ano?"
"Ang totoo niyan ay..."
"Ano iyon, Aly? Sabihin mo." Tila interesado siyang malaman ang sasabihin ko. Halatang-halata iyon sa mukha niya.
"Ang totoo niyan ay..."
"There you are, Aly! Kanina pa ako naghahanap sa 'yo, eh. Oy, Alica long time no see," biglang singit ni Jullie.
"Jullie, hi," bati ni Alica kay Jullie.
"May cousin bonding kayo, huh? You didn't invited me. Nakakatampo pero Alica, can I borrow our beautiful cousin? May pupuntahan pa kasi kami, eh," ngiting-ngiting saad ng pinsan ko at hinawakan ako ni Jullie sa balikat kaya napatayo ako.
"Saan naman kayo pupunta?" tanong ni Alica.
"Sekretong malupit, kami lang ang dapat makakaalam n'on. Joke lang, magpapatulong lang ako kay Aly sa pagbili ng bago kong unit. Sige, Alica see you later," pagpapaalam ni Jullie at hinila na niya ako pero bago pa kami makalayo ay agad na nagsalita si Alica.
"Pero Aly, may sasabihin ka sana sa akin, hindi ba? Ano ba iyon?" tanong niya at kinabahan na naman ako.
"Ah...iyon ba? Kasi ano, tungkol sa pagkakaroon namin ng anak ni Laven. Kasi..."
"Aly, tara na. Later mo ng sabihin sa kanya kung ano man ang sasabihin mo. Hindi ba, Alica?"
"Huh? Ah...kasi..."
"Ang totoo niyan kasi Alica...hindi ako--"
"Aly is pregnant, Alica," putol ni Jullie sa sasabihin ko at nagulat ako sa sinabi niya.
"H-Huh? Totoo ba iyon, Aly?" Bigla namang umiba ang facial expression ni Alica. Gulat at takot pero bakit naman?
"That was true Alica, buntis siya. Dapat hindi ganyan ang reaction mo. Dapat maging masaya ka para sa pinsan natin kasi finally magkakaroon na tayo ng pamangkin," ani Jullie.
"H-Huh? Ah, congrats, Aly. I'm happy for you," aniya at niyakap ako.
"T-Thank you, Alica."
***
"JULLIE, bakit mo iyon sinabi sa kanya?" walang emosyon na tanong ko sa kanya nang makalabas na kami sa loob ng restaurant ni Alica.
Nabahala ako sa mga sinabi niya kasi baka...
"What? Aly, are you out of your mind? Do you want to tell her that you can't be pregnant because you are fertility?! Hindi kayo magkakaanak Aly, kaya sa tingin mo ba kung sasabihin mo kay Alica na baog ka ay hindi niya ito sasabihin sa asawa mo?! God, Aleixha! Mag-isip ka naman ng mabuti!" pangangaral sa akin ni Jullie. Sabay hawak sa sentido niya, tila na-stress siya bigla sa akin.
"Jullie, hindi nga magagawa iyon ni Alica sa akin. Alam mo naman na sobrang mahinhin siya sa mga ganyan. Mabait siya at hindi siya pumupunta sa bar. Hindi niya iyon ugali. Kaya napaka-imposible naman na mangyari na magkasama sila ng asawa ko!" saad ko. Ipinaglalaban na hindi iyon totoo.
"Iyan! 'Yan ang akala mo, Aly, hindi lahat ng mababait ay totoo sa 'yo!" galit na galit na wika niya sa akin, sinabayan pa niya nang pagduro sa akin.
"Kung ganoon ay hindi ka rin totoo sa akin?!" pasigaw na tanong ko sa kanya.
"Aly!"
"Bakit ka nagsinungaling na buntis ako? Paano kung malalaman ni Laven iyon? Anong gagawin ko?" nababahalang tanong ko.
"Mas mabuti ang ganoon, Aly. Mas mabuting sa 'yo magmumula ang mga salitang baog ka. Na hindi mo siya mabibigyan ng anak," aniya at bumaba na ang tono ng boses niya.
"Kaya sinabi mo na lang na buntis ako?" parang maiiyak na saad ko.
"Sinong buntis?" Natigilan ako at kinabahan nang marinig ang boses ni Laven.
"H-Honey..." Tila pareho kami ni Jullie na nakakita ng multo at napako sa kinatatayuan.
"Sinong buntis? Huh, Aly?" Lumapit sa akin si Laven at hinawakan ako sa kamay.
"Buntis ka? K-Kung ganoon magkakaanak na tayo, Aly?" Naiinis ako, naiinis ako sa sarili ko at gusto kong sumigaw.
Gusto kong sabihin ang totoo pero hindi kaya ng puso ko ang saktan siya. Dahil napakasaya niya ngayon. Ayokong maglaho iyon.
"God! We should celebrate, at last magiging daddy na rin ako," masayang sambit niya at may luha ang naglandas mula sa mga mata niya. Niyakap ako ni Laven at bumagsak na naman ang mga luha ko sa aking pisngi.
Tiningnan ko si Jullie na halata rin sa mukha niya ang takot at kaba.
"L-Laven..."
"Sana sinabi mo kaagad na buntis ka, wife." Nasa boses niya ang kasiyahan.
I'm sorry Laven, I'm so sorry...honey.