CRIZEEL'S POV After 5 years "Mommy let's go!" Napatingin ako sa anak ko. Oo si Crizelinn, at limang taon na siya ngayon. Kinuha ko yung bag niya sa ibabaw ng kama niya, nag aaral na kasi siya ngayon. Lumabas na ako ng kwarto at dumiretso sa kotse. "Mommy naman, malalate na ako sa school!" Pagrereklamo niya. "Huwag ng magalit pwede? Nandito na si Mommy." i said. "Kung nandito lang si daddy sigurado nahatid niya na ako ngayon." nagmana talaga siya sa tatay niya, reklamo always. Oo nga pala hindi ko pa nasasabi, wala ngayon si Flinn dito sa bahay maaga kasi siyang umaaalis, busy kasi siya sa kumpanya nila kasama ang kapatid niyang si Neil. Nasa kalagitnaan ako ng pagmamaneho ng biglang nag ring yung phone ko. (Bhe Calling) Kaya naman di na ako nag dalawang isip na da

