FLINN'S POV Tinawagan ko muna si Crizeel bago ako dumalo sa meeting excited nga akong umuwi dahil meron akong ibabalita sa kaniya, natawa pa nga ako dahil mukhang hindi niya magets yung sinasabi ko sa kaniya. Nasa kalagitnaan na kami ng meeting ng biglang mag ring yung phone ko. Nung una di ko pinansin dahil number lang naman iyon, pero ng mag ring ulit iyon ay nag excuse na muna ako at agad na sinagot yung tawag. "Hello, who's this?" Tanong ko agad. ("Good day Mr. Ortaleza, this is Crizelinn's teacher.") Pagpapakilala niya kaya naman nagtaka agad ako kung bakit ito tumawag. "Good day din po Ma'am, bakit po kayo napatawag?" I Asked. ("Pasensya na po kung na abala ko kayo, kasi po si Crizelinn until now wala paring sundo, anong oras narin po kasi.") Pagpapaliwanag niya. WHAT?

