Chapter 4

1200 Words
CRIZEEL'S POV Di ako nakatulog kagabi, bangag ako ngayon. Halo-halo ang nararamdaman ko ngayon. Yung sinabi ni Kuya Flinn na magpapaka Rebound siya sa akin. Ayaw kong pumayag don' beside magkapatid na kami. Hindi pwedi yon' Nandito na ako sa school, dito sa canteen. Dahil napaaga ang pasok ko ngayon. Tinignan ko kung anong oras na sa phone ko. But im shook when i read his text. Hinahanap niya lang naman ako para mag s*x. Thats our story. Nakailang missed calls siya at text. Pero di ko na binasa lahat, binura ko na lang agad. Habang nagkakape ako dito sa canteen, nagulat ako ng lapitan ako ng haliparot na ex ni Neil. Aga-aga nakakasira ng araw. "Hi, i just want to talk to you." alam ko na kung anong paguusapan namin. "Kung tungkol to kay Neil, wag na." nakita kong nainis siya sa sinabi ko. "Gusto ko sabihin sayo na layuan mo na siya. Kami na ulit, di kana niya kailangan." ang bilis naman? Sabagay. Di naman naging kami at the first place eh. "Sayong-sayo na." pagkasabi ko tatayo na ako ng hinatak niya yung buhok ko at sinabunutan. "Kinakausap pa kita, tumatalikod kna." natawa ako sa sinabi niyang yon. "Ano kaba? Reyna? Nanay ba kita? Bitawan mo ako kung ayaw mong mabali yang kamay mo." bigla niyang inalis agad yung kamay niya sa ulo ko. Takot naman pala siya, kailangan pang takutin. "Sino ka para sabiha-" i cut her out. "Ikaw nauna, tinapos ko lang." sabi ko sa kanya, akmang sasampalin niya ako pero pinigilan ko kaagad. Sinampal ko siya ng malakas, kaya nagmarka yung palad ko sa mukha niya. Sa kanya ko na lang ilalabas lahat ng galit ko. Di naman mangyayari to kapag di siya bumalik. Sinugod nanaman niya ako at sasabunutan niya. Gago ba siya? Nasa kanya na nga yung tao kailangan pa niyang sabihan ako. Lahat ng tao nakatingin na sa amin pero wala akong pake. Once na inilabas ko ang galit ko, mawawala na ng parang bula. Once again, I slap her very hard. Pero laking gulat ko na may kasama na siya agad. Kaya hinawakan nila ako at pinagtulungan. Pilit akong kumakawala sa mga hawak nila. Buong lakas kong tinulak yung dalawa niyang kasama. Kaya bumagsak sila sa sahig. Binalikan ko ulit si haliparot at akmang tatakbo siya pero sa kasamaan palad nadulas siya. May pa heels heels pa siyang nalaman, pilay tuloy aabutin niya. "Stop it!" may boses na nagpatigil ng diwa ko. Boses ni Neil. Nakita ko siyang tinulungan niya si Kyline na tumayo. Natawa na lang ako, "Babe! She push me. Kaya ako natumba." nagulat ako sa sinabi ni Haliparot. Paanong tinulak? Ang layo ng distansya ko sa kanya. Tapos nag iiyak iyakan siya. Ang arti ng haliparot. "Anong ginawa mo Crizeel!" bigla akong sinigawan ni Neil. This is the first time na sigawan niya ako. Gusto kong umiyak pero piniligilan ko lang. "Mag usap tayo." hinila agad ako ni Neil palabas ng canteen. Yung hawak niya sa pulso ko ay masakit. Kaya pinilit kong kumawala sa kamay niya. "Bitawan mo ako!" sigaw ko sa kanya. Laking gulat din niya sa ginawa ko. "Tama na Neil! Ayaw ko na. Itigil na natin tong kagaguhang to. Wag ka ng magpaparamdam sa akin. Ayaw na kitang makita. Lumayo ka na sa akin, please!" di ko na napigilang umiyak, hinawakan niya yung kamay ko pero tinabil ko yon. "B-but w-why?" kunwari pa siya, anong gusto niya? Dalawa kami ni Kyline ang tinitira niya? Ganon na ba siya kauhaw sa s*x? "Basta. Ayaw ko na. Yung away namin ng ex mo, kung gusto mong malaman kong sino ang nauna. Kumuha ka ng record sa cctv." di ko na siya hinintay mag salita pa. Tumakbo na lang ako papuntang labas ng school. Hindi ko alam kong san ako ipupunta ng paa ko. Tanghaling tapat na at nandito ako sa ice cream parlor na favorite kong puntahan. Lalo na kapag nalulungkot ako. Nakailang ice cream na ako, kaya medyo busog na. Medyo okay na din ako dahil nalamigan na ako. Nagulat ako ng makita kong wala yung bag ko. Sht naman. Naiwan ko sa canteen pati yung phone ko nasa bag. Tatayo na sana ako ng makita ko si Kuya Flinn na hawak yung bag ko. Tapos yinakap agad niya ako, ang bilis ng t***k ng puso ni Kuya. "Sobra mo akong pinag alala Criz!" sabi niya sa akin, pero napawi yung pag alala niya ng ngumiti ako. "I-im sorry." pagkasabi ko umupo kaming parehas. Nakatingin lang si Kuya sa akin. "Nandito ka lang pala." mahina niyang sabi. "Nabalitaan ko yung nangyari sayo. Okay ka lang ba?" tinignan niya yung mukha ko at mga braso ko. "Buti na lang wala kang galos." he said, and he smiled. Nginitian ko lang din siya. "I have something to tell you." seryoso niyang sabi sa akin. "Punta tayo sa Baguio." nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Baguio? Gustong-gusto ko mamasyal don. "Seryoso ka kuya?" tanong ko, baka kasi nag jojoke lang siya. "Yes, im serious." and he smiled again, ang gwapo niya pala. "Kailan tayo pupunta Kuya?" tanong ko agad sa kanya. Di naman halatang excited ako. "Bukas." naexcite ako sa sinabi ni Kuya. Bukas talaga as in? Natuwa tuloy ako sa sinabi ni Kuya. "Kasi icha-change oil ko yung Kotse ni Daddy. Tapos nakapag paalam na ako sa kanila pumayag naman sila." napayakap ako kay Kuya dahil sa saya. Okay na ito, para maka recover na ako sa sakit ng ginawa nong Lalaking yon. "Balikan lang tayo Kuya?" tanong ko muli sa kanya. Sobrang excited lang po ako talaga. "3 Days tayo." kyahhhhhhh. Seryoso ba siya?? Huhuhu. "Talaga kuya? Alam mo bang bata pa ako nung huling namasyal kami don?" kasama pa namin si Tatay nun, pero bata pa ako. "Sakto." mahina niyang sabi tapos ngumiti siya sa akin. "Lets go? Para maayos ko na yung car na sasakyan natin." aya ni Kuya sa akin. I nooded.. Kahit sa ginitong paraan hindi na naging awkward yung sinabi niya na magiging Rebound siya. Naisip niya siguro kung bat di ako pumayag. Kaya hindi niya na iopen na pagusapin namin yon. Sabay kaming lumabas ni Kuya at sumakay sa motor niya. Syempre di namin makakalimutan yung helmet. - Pagdating namin dito sa bahay, agad niyang inayos yung kotse. At ako naman naisipan ko magluto dahil di pa kami nag Lu-lunch ni Kuya. Nagsaing na ako sa rice cooker at nagsimulang mag ready para sa lulutin kong Adobo. Yes, favorite ko ang Adobo. :) Habang nagsisimula akong magluto, nagpasound muna ako. Medyo tahimik tong' bahay namin. Wala pang isang oras, naluto na at nakaready na ako sa kainan. Tatawagin ko na lang si Kuya. Sakto iinom siya ng tubig. "Tara kuya, kain na." sabi ko sa kanya, nagulat siya kasi may nakahain na. "Wow. First time mo yata magluto?" napalo ko siya sa braso niya, naramdaman ko tuloy yung matigas na braso niya. Umupo na kami at nagsimulang kumain. Tahimik lang kami habang kumain. Napansin kong subo ng subo si Kuya. Gutom siguro siya, kaya ganyan. Hanggang sa napatitig ako kay Kuya. Bakit ginito nararamdaman ko twing kasama ko siya? Napaka komportable.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD