CRIZEEL'S POV Maaga akong nagising, sabi ni Kuya 4 am byahe na daw kami ng umaga. Para maaga din kami makadating doon. Naka ready na din ako ng gamit kagabi pa. Excited talaga ako kasi dati ko pang gusto makapunta doon. Biglang kumatok si kuya, baka akala niya kasi di pa ako gising. Agad akong bumangon dahil nakahiga pa ako. Pero nakaligo na din ako. Ready na ready na ako! "Ready na ako Kuya." halos nagulat din siya nung nakita niya akong nakaligo na. Napansin ko ding nakaligo na din siya at naka bihis na. Bagay na bagay niya yung suot niya, naka vneck white siya tapos shorts. "Grabi ka, kunin ko na yung mga dadalhin mo.. Ilalagay ko na sa kotse." pagkasabi niya kinuha ko na yung bag ko. Isang malaking bag lang yung dinala ko. Nandon na lahat ang mga kailangan ko. "Alis naba tayo K

