Chapter One
"Daddy, please! Don't just leave me here again! Please!" pagsusumamo ng batang babae sa kanyang ama.
"No. You stay here, Arantxa," sabi ng kanyang ama. Pilit na pinipigilan ng kanyang ama ang mga luha na nagbabadya nang tumulo dahil sa labis na pighati.
Bago pa niya maiiyak ang mga luha niya ay naglakad na siya papalayo sa anak.
Sinundan naman siya ng batang babae at hinila sa braso gamit ang kaliwa niyang kamay. Hindi niya kasi pwedeng gamitin ang kanyang kanang kamay dahil may nakakabit na dextrose dito.
"Please, daddy. Just once. Please do listen to me. I don't want to live all my remaining days here!" muli niyang pakiusap sa kanyang ama. Nang walang kibo ang kanyang ama ay lumuhod siya sa harapan nito at nakiusap.
Ang kanyang ama ay nagulat ng sobra sa ginawa ng anak. Hindi siya kaagad nakakibo.
Pinagmasdan niya ang kanyang anak na nakaluhod sa harapan niya. Mula sa buhok nito hanggang sa talampakan ay alam na alam na niya ang itsura. Ang kaninang nagbabadyang tumulo na luha ay tuluyan nang tumulo. Pilit niyang iwinawaksi sa kanyang isipan ang maaaring mangyari sa kanyang anak.
Bago pa makita ng bata ang kanyang mukha na puno na ng luha ay pinunasan na niya ito.
"Please, daddy," pakiusap muli ng batang babae.
Napapikit ang kanyang ama. Hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin. Sa isip niya ay gusto na niyang iuwi ang kanyang kawawang anak ngunit nang pumasok sa kanyang isipan ang napag-usapan nila ng kanyang asawa ay natauhan siya.
Tiningnan niya ng seryoso ang kanyang anak. Lahat ng awang naramdaman niya ay naglaho na.
"Arantxa, stand. Go back to your room," utos niya sa anak. Ang boses niya ay puno ng awtoridad.
Hindi tumayo ang bata. Sa halip ay hinalikan niya lamang ang kamay ng kanyang ama at nagsumamong muli.
Dahil dito ay hindi na nakapagtimpi pa ang kanyang ama. Hinigit niya ang kamay mula sa kanyang anak at nilisan na ang lugar.
Hindi na niya nagawa pang tingnan man lang ang anak dahil baka kapag tiningnan niya ito ay maawa lamang siyang muli at maiuwi ito sa kanilang bahay.
ARANTXA QUIZON
"Malungkot ka na naman," malungkot na sabi ni ate Aazle, nurse dito sa hospital kung saan ako nakaconfine.
"Sino po ba kasi ang hindi malulungkot, ate, eh, naiwan na naman ako dito sa hospital kasama ang mga machines dito na toot toot nang toot toot. Hayst!" sabi ko sa kanya.
Matagal ko na siyang nurse dito. Three years na. Maganda siya. Hindi pa siya matanda. Twenty-three years old pa lang siya kaya naman ate ang tawag ko sa kanya. Well, I'm just fifteen years old.
And you know what? She's very nice. She visits me every time and tells me about how beautiful the world is. She always stays beside me whenever they inject me medicines. When I suffer from emotional pain because of my parents, she's always there to comfort me. She's like a real big sister to me.
"Hayaan mo na. Para din naman kasi sa ikabubuti mo ito, eh. Sige ka. Kapag nagpumilit ka pang umalis sa hospital, hindi na tayo bati," sabi niya saka nag-pout. Ang cute ni ate!
"Hala, ate! Sige na. Hindi na ako aalis para friends pa rin tayo," nakangiti ko nang sabi. Kahit masakit para sa akin na maiwang muli dito ay mas pipiliin ko na lamang na manatili dito upang hindi na ako makasakit pa ng iba.
"Good girl!" sabi niya habang ginugulo ang buhok ko.
"Hindi na ako aalis dito kahit imposible na namang gumaling pa ako. Hindi na ako aalis kahit alam kong mamamatay na din naman ako kahit turukan pa ako ng sangkatutak na gamot. Hindi na ako aalis kahit gustong-gusto kong makasama ang mga magulang ko na hindi ko pa kailan man nakatabing matulog, nakasabay na kumain at nakakwentuhan. Hindi na ako aalis kahit ang s-sakit-sakit n-na. H-Hindi na a-ak---"
Hindi ko na natapos pa ang nais kong sabihin dahil bigla na lamang bumuhos ang mga luha sa mata ko.
"Shh. Tahan na, Arantxa," pagpapatahan sa akin ni ate sabay yakap sa akin ng mahigpit.
"Ate, ang sakit na kasi. Ang sakit-sakit na! Alam mo 'yon, ate? 'Yong gusto mo silang makasama kahit saglit lang. Oras lang nila ang kailangan ko, eh, tapos hindi pa nila maibigay? What do they expect? That because there are nurses and doctors who accompany me and take care of me, I am fine? God, ate! I cannot!" sabi ko sabay hagulgol sa balikat niya.
"Shh. Tahan na," bulong niya sa akin.
Nanatili sa pagkakapatong ang ulo ko sa balikat niya. Hindi ako gumawa ng kahit na anong ingay. Pati ingay ng hikbi ko ay hindi ko pinahintulutang lumikha ng ingay.
Nang medyo nabawasan na ang lungkot ko ay humiwalay na ako sa pagkakayakap ni ate.
"Salamat, ate, ha? Gumaan na ang loob ko," sabi ko sa kanya. Hindi pa ako nakatingin sa kanya dahil tinutuyo ko pa ang luhang dumaloy sa mga pisngi ko.
Nang ilang segundo na ang lumipas at hindi pa rin siya umiimik ay tumingin na ako sa kanya. Nagulat ako nang makita siyang umiiyak. Bakas sa mata niya ang matinding kalungkutan.
"A-Ate," tawag-pansin ko sa kanya. Natauhan naman yata siya dahil napatingin na siya sa akin.
"Ha? Bakit?" tanong niya.
"Bakit po kayo umiiyak?" nagtatakang tanong ko.
"Ah, wala 'to," natatawa kunwaring aniya pero halata namang peke ang tawa niya tsaka niya pinunasan ang buo niyang mukha.
"Salamat, ate, ha? Sa pag-comfort na naman sa akin," nakangiting sabi ko.
"Wala 'yon. Pero ito ang tatandaan mo, Arantxa. Leukemia ang sakit mo. Mahirap 'yan gamutin. Oo, marami nang namamatay sa ganyang sakit pero sana, tibayan mo ang loob mo. Kung hahayaan mo lang na manalo ang sakit mo, aba! Eh, di mamamatay ka talaga! Pero kung lalabanan mo ito with all your might, you can survive. Huwag kang mag-co-conclude agad. Kesyo mamamatay ka, kesyo hindi mo na kaya... Huwag ganoon. Dapat lumaban ka hanggang sa kaya mo pa para hindi ka magsisi sa huli. The doctors and nurses in this hospital are trying their best to save you from dying so please. All you need to do is to cooperate," nakangiting aniya. May bahid pa rin ng pag-aalala at lungkot ang mga mata niya ngunit pilit niya itong itinatago sa pamamagitan ng pagngiti.
"Sige, ate. I'll try to eliminate the negative thoughts that are lingering in my mind, but please... do save me. I don't want to die yet. I am so young. Please... I want to live a normal life, too, just like those kids on my age," I pleaded.
"Don't worry. We will try our best," she said and smiled at me.
Pagkatapos niya akong painumin ng mga gamot ay umalis na rin siya. Ako naman ay humiga na sa kama at pumikit na.
Bago ako nakatulog ng tuluyan ay may narinig akong iyak na sa tingin ko ay malapit sa akin. Hindi na ako nag-abala pang imulat ang mata ko at lingunin kung sino iyon bagkus ay natulog na ako.
#