bc

Hotshots 4: The Reason

book_age16+
1.1K
FOLLOW
2.6K
READ
doctor
sweet
bxg
lighthearted
city
office/work place
colleagues to lovers
office lady
passionate
like
intro-logo
Blurb

"A few months ago, ikaw lang si Doctor Noah, ang anesthesiologist na hindi makuha-kuha ang buong pangalan ko na Cristina. Ang guwapong gas man na tinatawag ako sa palayaw na Cristine na sa palagay ko ay hindi angkop sa akin. Then you became the man-the friendly man who pushed me to reveal my feelings for my best friend. You were the guy who comforted me when I was hurting. Then very soon after that, you became the gorgeous guy whom I kissed. Pagkatapos ay ikaw ang lalaking nagpakita ng interes, ang lalaking masigasig akong kinilala. Ikaw ang lalaking nagparamdam sa akin ng kakaibang ligaya. Naging ikaw ang lalaking laman ng isipan ko, laman ng ilang pantasya ko. lyong lalaking hindi makuha-kuha ang buong pangalan ko ay naging boyfriend ko. "You were the amazing boyfriend I thought I'd never have. Maraming pagkakataon na naitanong ko kung ako ba talaga, kung talaga bang naging isa ang mundo nating dalawa. Maraming pagkakataon na naguluhan ako, nagduda. Nasiguro ko ang nararamdaman ko, naging malinaw ang mga bagay na gusto ko. Because you've been patient and kind and lovely and perfect. You were the man that made me so happy and so alive."

"Were?"

"You've become the man who breaks my heart."

chap-preview
Free preview
1
“What would I do without you? Thank you, Tinay.” Cristina beamed. Mahigit tatlong taon na siyang nagtatrabaho kay Dr. Mathias Mendoza, ang chief of surgery ng Dr. Rizalino Mendoza Memorial Hospital, ngunit labis pa rin niyang ikinatutuwang marinig ang mga papuri mula sa amo. Kung tutuusin ay inayos lang niya sa desk nito ang lahat ng papeles na kailangan nitong basahin, pag-aralan, at pirmahan. Pinagbukod niya ang mga urgent at less urgent. Nakakataba ng puso na makita ang gratitude sa mga mata ng boss. Ang nais talaga ni Dr. Mendoza ay maayos ang lahat. Nais nitong nakakatipid ng oras hanggang maaari dahil masyadong mahalaga ang oras nito. Masyado itong maraming pinagkakaabalahan. “Die. You’re gonna die without me,” nagbibirong tugon ni Cristina sa tanong ni Dr. Mendoza kahit na alam naman niyang rhetorical question lang iyon. Kahit na mukhang seryoso at intense ang chief, nabibiro at nakikipagbiruan din naman ito. Cristina had been the chief’s administrative assistant and she loved every minute of working for him. Nasaksihan niya ang kahusayan nito hindi lang sa loob ng operating room, maging sa labas niyon. Maging sa boardroom. Some good doctors were not made to do administrative work, but Dr. Mathias Mendoza was never one of them. He was a good leader. He was firm and strict but he was also kind and friendly. He was a very passionate doctor. Labis na hinahangaan ni Cristina ang marubdob na kagustuhan ng doktor na makatulong. Ginagawa nito ang lahat para makatulong sa napakaraming pasyente na nangangailangan ng operasyon ngunit walang perang pampaospital o pambayad sa siruhano. Dr. Mendoza was one of the highest paid heart surgeons in the country. Ngunit mas madalas kaysa sa hindi nitong nakaraang isang taon, libre ang ginagawa nitong operasyon. “You have a brunch meeting with Senator Alonzo’s wife tomorrow,” pagpapaalala ni Cristina. “Nag-confirm na sa akin si Doctor Torres na masasamahan ka niya.” Ang asawa ng senador na kanyang tinutukoy ay isa sa mga major donor ng indigent program ng DRMMH. Napapabalitang kurakot ang asawa nito at may biro siyang narinig minsan na binabayaran ng ginang ang mga kasalanan ng asawa nito sa pamamagitan ng pagbibigay ng malaking halaga sa charity. Ang sabi naman ng ilan, pinababango nito ang pangalan ng asawa. Sinubukan niya na huwag gaanong pakaisipin kung tama ba o maling tumanggap ng ganoong uri ng donasyon. Ginawa niya iyon minsan at sumakit lang ang kanyang ulo. Nagpapasalamat na lang siya na hindi siya ang kailangang magdesisyon sa mga ganoong bagay. Si Dr. Sybilla Torres naman ay isa ring mahusay na heart surgeon at mapapangasawa ni Dr. Mathias Mendoza. Pagdating niya sa kanyang desk ay tumunog ang kanyang cell phone. Isang mensahe ang pumasok. Lunch? Mabilis na napangiti si Cristina. Mabilis din siyang tumipa ng pagpayag. Galing kay Marlon ang mensahe. He had been her best friend since first year of high school. Nakilala niya ang binata noong lumipat ito kasama ang ina sa tapat ng kanilang bahay. Dating taga-Amerika si Marlon. Nurse ang mga magulang nito at sa Amerika na ipinanganak. Nagkahiwalay ang mga magulang ni Marlon at napagpasyahan ng ina nito na umuwi na lang sa Pilipinas at magnegosyo. Kada bakasyon ay pinupuntahan ng kaibigan ang ama nito. Dahil naging sobrang malapit sa isa’t isa, magkasama pa rin sila hanggang sa university. Pareho sila ng kursong kinuha—Nursing. Sabay silang nagtapos at magkasama pa rin hanggang sa review para sa exam. Pareho silang nakapasa at sabay ring naghanap ng trabaho. Nag-volunteer silang dalawa sa isang government hospital sa loob ng isang taon. Marlon loved being a nurse. Her? Not so. Hindi niya iyon maamin noon kay Marlon dahil labis siyang nainggit sa kinang ng mga mata nito. He was happy. The nursing profession was his passion. Sabay uli silang nag-apply sa Dr. Rizalino Mendoza Memorial Hospital noong magkaroon ng tanggapan. Nais maging mahusay na ICU nurse ni Marlon. Sa loob ng ICU ang kaligayahan nito at ang DRMMH ang isa sa iilang ospital na may de-kalidad at makabagong intensive care unit. Nakapasa si Cristina sa written exams ngunit pasang-awa sa practicals at orals. Marlon aced all the exams. Hindi nakuhang staff nurse si Cristina ngunit nangailangan ng nurse-assistant ang isang neurologist sa klinika nito. Mabilis niyang sinunggaban ang pagkakataon para hindi mahiwalay kay Marlon kahit na kaunting nursing works lang ang gagawin niya. Matanda na ang doktor ngunit mahusay pa rin. Naging parte ng trabaho niya ang pag-aalaga rito. Inihahanda niya ang klinika, pagkain, gamot na kailangan nitong inumin. She dealt with a lot of paperworks. Surprisingly, she had been happy. She had been a good nurse assistant. Nalungkot lang si Cristina nang malaman na magreretiro na ang doktor. Sinubukan niyang pigilan ang doktor dahil mahusay itong talaga sa kabila ng edad, ngunit nais na talaga nitong mamahinga. Siya na nga raw ang nagsusulat sa reseta at pinipirmahan na lang nito. Panahon na para tumigil ito sa panggagamot. Alalang-alala siya noon dahil hindi niya sigurado kung saan siya magtutungo. Hindi niya sigurado kung ire-reassign o mawawalan na siya ng trabaho. Hindi lang sa ayaw niyang mawalay kay Marlon kaya nais niyang manatili sa ospital. Napamahal na sa kanya ang DRMMH. She loved working there. Nagulat siya nang ipaalam sa kanya ng Human Resource na malilipat siya sa opisina ng chief of surgery. Nakilala niya si Dr. Mathias Mendoza nang minsang magtungo ang chief sa klinika para sa isang consult. Hindi niya alam na inobserbahan siya nitong magtrabaho nang araw na iyon. He immediately put up a request to transfer her once the news that her boss was retiring reached him. Sa unang araw pa lang ay nagkasundo na sila ni Mathias. Masaya siya sa kasalukuyang trabaho kahit pa madalas sabihin ng iba na hindi niya nagamit ang kanyang pinag-aralan. Hindi iyon totoo. Araw-araw niyang nagagamit ang kanyang mga pinag-aralan. Hindi nga lang nahasa ang kanyang skills sa practicals. Mas mahusay siya sa administrative work. Matagal naman na niyang inamin na hindi siya katulad ni Marlon na ngayon ay head nurse na sa ICU. Masaya si Cristina dahil magkasama pa rin sila ni Marlon sa iisang ospital. Nagkikita pa rin araw-araw. Hindi man araw-araw na nagkakasabay sa pagkain, sinisiguro pa rin nila na hindi lumilipas ang araw na hindi sila nagkakausap o nagkakasilipan. Kung si Marlon ang may bakanteng oras, ito ang nagtutungo sa opisina niya. Kung siya naman ang wala nang gagawin, siya ang nagtutungo sa ICU para makapangumusta. May mga nagsasabi na mayroon silang perpektong relasyon. They easily get each other. They could finish each other’s sentences. They had always understood each other. They always helped each other out. They always talked. They communicated effectively. Hindi gaanong sang-ayon si Cristina sa palagay ng marami. Hindi pa perpekto ang kanilang relasyon. Cristina was in love with her best friend. Hindi niya sigurado kung kailan nag-ugat ang espesyal na damdamin na iyon ngunit sigurado siya sa nararamdaman. Sa bawat paglipas ng panahon ay lalong yumayabong ang pag-ibig sa kanyang puso. Nagpakawala siya ng buntong-hininga. May mga pagkakataon na sigurado siyang pareho sila ng nadarama. May mga panahon din na nakumbinsi niya ang sarili na hindi na sila kailanman magkakaroon ng romantikong relasyon. She tried to forget her feelings for him. God knew she had really, really tried. She told herself it was weird, it was not appropriate to have romantic feelings for her bestest best friend. She dated someone else and tried falling in love with him. But she never suceeded. Nagkaroon din ng mga nobya si Marlon at sa tuwina ay tahimik siyang nasasaktan. Na-master na niya na pagmukhaing totoo ang kanyang ngiti at kaligayahan tuwing kasama ni Marlon ang nobya o tuwing nagkukuwento ang kaibigan tungkol sa babaeng napupusuan. Na-master na rin niya ang pagtatago ng katuwaan tuwing natatapos ang mga relasyon na iyon. Sa kasalukuyan, apat na taon nang walang ka-date si Cristina. Isang taon at kalahati nang single si Marlon. Iyon na ang pinakamatagal na period na walang karelasyon o idini-date ang kaibigan mula nang matutong manligaw. Hindi niya mapigilan ang pag-alsa ng pag-asa at pag-asam sa kanyang puso. Mabilis na yumayabong ang pag-asa. Lumalakas ang tinig na nagsasabi na silang dalawa ang nakalaan para sa isa’t isa. Masiglang nagtrabaho si Cristina. Abala siya sa computer nang may bumati sa kanya. “Hey, Cristine!” Nag-angat siya ng paningin at magalang na nginitian si Dr. Noah Manzano. Hindi niya sigurado kung sadyang hindi nito maalala ang talagang pangalan at palayaw na ginagamit niya o sinasadya lang talaga nitong tawagin siyang “Cristine” tuwing nagkikita sila. Madalang na madalang lang naman ang pagkikitang iyon dahil madalang magtungo ang anesthesiologist sa opisina ng chief. Alam niya, gayunman, na malapit na magkaibigan sina Mathias at Noah. “Busy ang chief?” kaswal nitong tanong. “I have to talk to him about something.” Seryoso ang ekspresyon ng mukha at waring papasukin nito ang opisina kahit na sabihin niyang abala sa kasalukuyan ang chief of surgery. Pinindot ni Cristina ang intercom at mabilis niyang ipinaalam na naroon si Dr. Manzano. Hindi pa man natatapos si Dr. Mendoza sa pagsasabing maaari niyang papasukin si Dr. Manzano ay nasa pintuan na ang anesthesiologist. Pinipihit na nito ang seradura pabukas. Itinuloy na lang niya ang ginagawa sa computer. Anuman ang mapag-uusapan ng dalawa, malalaman din niya mamaya. May pakiramdam siya na hindi lang simpleng pagbisita ang sadya ni Dr. Noah Manzano.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

His Obsession

read
104.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.0K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook